202nd Maneuver Company, RMFB2

202nd Maneuver Company, RMFB2 Official Page of 202nd Maneuver Company, RMFB2 PNP at Brgy. Virginia, Sto. Niño, Cagayan

02/06/2026

Terorismo ay iwasan, pairalin ang kapayapaan.


02/06/2026
02/06/2026

PRO2 News Brief 05-02-01
June 2, 2026

Tatlong Regional Most Wanted Person, Arestado ng Kapulisan sa Magkakahiwalay na Operasyon

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City — Tatlong Regional Most Wanted Person na nahaharap sa mabibigat na kaso ang sunod-sunod na naaresto ng kapulisan sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa sa Isabela, Santiago City, at Nueva Vizcaya noong Hunyo 1, 2026.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 2 (PRO2) laban sa mga wanted person sa rehiyon.

Unang naaresto sa Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya si alyas “Jayjay”, 28 taong gulang, binata, at pribadong empleyado. Siya ay kabilang sa Number 10 Regional Most Wanted Person at nahaharap sa kasong R**e. Ipinatupad ng joint tracker teams ng Provincial Intelligence Unit ng Nueva Vizcaya PPO ang warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya, na walang inirerekomendang piyansa.

Sumunod na naaresto dakong hapon sa Barangay Namnama, City of Ilagan, Isabela si alyas “Milyo”, 51 taong gulang, may asawa, laborer, at residente ng Barangay Alibagu, City of Ilagan. Siya ang Number 1 Regional Most Wanted Person dahil sa kasong Murder. Pinagsanib na pwersa ng Ilagan City Police Station at Provincial Intelligence Unit- Isabela PPO ang nagsilbi ng warrant na inilabas ng RTC Branch 17, City of Ilagan, Isabela, na walang inirerekomendang piyansa.

Pangatlo namang naaresto sa Barangay Dubinan West, Santiago City si alyas “Boss”, 43 taong gulang, binata, laborer, at residente ng Cabulay, Santiago City. Siya ay kabilang sa Number 3 Regional Most Wanted Person at nahaharap sa apat na bilang ng Statutory R**e. Ipinatupad ng joint tracker team mula sa Police Station 2 ang warrant na inilabas ng RTC Branch 21, Santiago City, na walang inirerekomendang piyansa.

Pinuri ni PRO2 Acting Regional Director PBGen Mariano C. Rodriguez ang kapulisan sa matagumpay na pagkakaaresto sa tatlong Regional Most Wanted Person sa loob lamang ng isang araw.

“Ang sunod-sunod na pagkakaaresto sa tatlong Regional Most Wanted Person ay malinaw na patunay ng tuloy-tuloy at seryosong kampanya ng PRO2 laban sa mga taong nagtatago sa batas. Ang ating kapulisan ay hindi titigil sa pagtugis sa mga akusadong may mabibigat na kaso upang sila ay maiharap sa hukuman at sa tamang proseso ng katarungan. Ito ay kaakibat ng ating bisyon ng Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” ani PBGen Rodriguez.

Dagdag pa niya, ang PRO2 ay patuloy na magsasagawa ng intelligence-driven operations at mas pinalakas na koordinasyon sa iba’t ibang operating units upang masiguro ang mabilis at epektibong paghuli sa mga wanted person sa rehiyon.
# # #

PRO2 News Brief No. 06-02-2026
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


Huwag magpaloko sa mga huwad na pangako. Ang walang kuwentang kilusan ay walang ibang dala kundi kasiraan sa ating kinab...
02/06/2026

Huwag magpaloko sa mga huwad na pangako. Ang walang kuwentang kilusan ay walang ibang dala kundi kasiraan sa ating kinabukasan.

Sama-sama nating wakasan ang terorismo at itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa ating komunidad.



31/05/2026

Pasensya sa kalsada, kaligtasan ng lahat.


31/05/2026

PRO2 News Brief 05-30-28
May 30, 2026

Tatlong Suspek, Arestado sa Drug Buy-Bust ng PNP Santiago City at PDEA

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan — Sa pinaigting na kampanya ng Santiago City Police Office laban sa ilegal na droga, naaresto ang tatlong suspek sa Calao West, Santiago City matapos makumpiskahan ng mahigit Php65,000.00 halaga ng ilegal na droga noong gabi ng Mayo 29, 2026.

Ipinatupad ng Police Station 1, katuwang ang PDEA, ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakasamsam ng higit 10 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, improvised tooter, lighter, at pouch bag.

Nadakip sa operasyon sina alyas Ben, 43 taong gulang; alyas Guiller, 44 taong gulang; at alyas Kier, 37 taong gulang — pawang mga high-value target at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek, kasama ang nakumpiskang ebidensya, ay nasa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, pinuri ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng PRO 2, ang mga kapulisan at PDEA sa likod ng matagumpay na operasyon. Hinikayat din niya ang mga mamamayan ng Santiago City na patuloy na makipagtulungan sa kapulisan upang tuluyang masugpo ang problema sa ilegal na droga.

“Ang operasyon ng kapulisan at PDEA laban sa ilegal na droga ay isa lamang sa mga tagumpay ng PRO 2 upang wakasan ang problemang dulot nito sa komunidad, alinsunod sa maigting na pagpapatupad ng Focused Agenda ng PNP at sa bisyon ng Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” saad ni PBGen Rodriguez.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-30-2026
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


31/05/2026

PRO2 News Brief 05-30-29
May 30, 2026

PRO 2, Tukoy na ang Motibo sa Nangyaring Krimen sa Sto. Tomas, Isabela

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Kinumpirma ng Police Regional Office 2 (PRO 2) na tukoy na nila ang motibo sa naganap na krimen sa Sto. Tomas, Isabela kung saan ikinasawi ng apat na indibidwal, kabilang ang isang barangay kapitan at isang pulis.

Ayon sa PRO 2, pulitika ang pangunahing anggulong lumabas sa masusing imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa insidente. Patuloy pa rin na nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan sa pamamagitan ng Special Investigation Task Group (SITG) upang maaresto na ang mga responsable sa krimen na kung saan tukoy na ang mga person of interest.

Samantala, personal na nagpaabot ng tulong pinansyal si PRO 2 Regional Director, PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ sa pamilya ng nasawing pulis bilang suporta sa kanilang pagdadalamhati. Nagbigay rin ng ayuda ang pamunuan ng PRO 2 sa pulis na nasugatan sa naturang insidente upang makatulong sa kanyang pagpapagamot at paggaling.

Tiniyak din ni PBGen Rodriguez sa publiko, lalo na sa mga pamilya ng biktima, na nakatuon ang buong hanay ng SITG sa paglutas ng kaso at hindi titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa mga biktima at sa kanilang mga naulilang mahal sa buhay.

“Walang puwang sa rehiyon ang ganitong uri ng karahasan. Inaatasan ko ang lahat ng PNP concerned units na paigtingin ang intelligence operations at manhunt efforts hanggang sa makamit ang hustisya at madakip ang mga salarin”, dagdag ni PBGen Rodriguez.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-30-2026
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


31/05/2026

PRO2 News Brief 05-30-30
May 30, 2026

Imbakan ng Armas at Pampasabog, Narekober ng PRO2 sa Lasam, Cagayan

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City — Matagumpay na narekober ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang iba’t ibang armas, bala, kagamitang pangkomunikasyon, at mga bahagi ng improvised explosive device (IED) sa isinagawang major operation sa Barangay Viga, Lasam, Cagayan noong Mayo 30, 2026.

Batay sa ulat, pinangunahan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, 3rd Platoon, katuwang ang 112th Special Action Company, PNP SAF; 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2; Cagayan Provincial Explosive and Canine Unit; Regional Intelligence Unit 2; Provincial Intelligence Unit; at Lasam Police Station ang operasyon sa mga barangay ng Tagao, Viga, Peru, Nabannagan East, at Nabannagan West, pawang nasa bayan ng Lasam, Cagayan.

Pagdating ng mga operatiba sa target area, napatunayang tama ang impormasyong ibinahagi ng dating rebelde na kinilalang si alyas “Ric,” dahilan upang matagumpay na marekober ang nakatagong arms cache.

Kabilang sa mga narekober ang improvised blasting caps, detonating cord, fuse time, 40mm high explosive cartridges, hand grenades, improvised anti-personnel mine component, iba’t ibang bala para sa 5.56mm, 7.62mm, at .38 caliber fi****ms, stranded wire, cellular phones, handheld radio, 5.56 magazines, improvised shotgun, dalawang caliber .38 revolver, 12-volt wet cell battery, at isang bandolier.

Dinala ang mga narekober na kagamitan sa Lasam Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang ang mga IED component ay maingat na pinroseso at itinurn-over sa Cagayan PECU para sa tamang paghawak at disposisyon.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa itinatagong arms cache at subversive materials sa isang estratehikong lugar na posibleng ginagamit bilang mobility corridor, taguan, observation post, o staging area ng mga armadong grupo at iba pang lawless elements sa kabundukan ng Barangay Viga.

Ayon kay PBGen Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng PRO2, mahalagang hakbang ang naturang tagumpay upang maagapan ang anumang banta sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa Cagayan Valley.

“Ang pagkakarekober ng mga armas, bala, at pampasabog na ito ay patunay ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo ng inyong kapulisan. Sa ilalim ng adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, patuloy naming paiigtingin ang intelligence-driven operations upang mapigilan ang anumang karahasan at matiyak ang kapayapaan sa ating mga komunidad,” ani PBGen Rodriguez.

Dagdag pa niya, mahalaga ang patuloy na pakikiisa ng publiko sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa mga awtoridad upang mas mapabilis ang pagtugon ng kapulisan sa anumang banta sa seguridad.

Tiniyak ng PRO2 na magpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon laban sa terorismo, insurhensiya, at iba pang uri ng kriminalidad upang maiparamdam sa mamamayan ang tunay na serbisyong pulis na mabilis, tapat, at nararamdaman.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-30-2026
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


Address

Brgy. Virginia, Sto. Niño, Cagayan
Santo Niño
3525

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 202nd Maneuver Company, RMFB2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 202nd Maneuver Company, RMFB2:

Share

Category