01/06/2026
Isang karangalan para sa LGU Sto. Niño na kilalanin ang ating mga natatanging kababayan na nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa buong komunidad sa kanilang pambihirang tagumpay sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Sa isinagawang pagkilala sa ating Monday Flag Raising Program, binigyang-pugay sina:
- Marian Angela Arellano Fresnido, LPT ng Barangay Panay – Top 5 (93.80%)
- Mark Jo Lope Grejaldo, LPT ng Barangay Guinsang-an – Top 7 (93.80%)
- Bea Claire Santuele Saligbon, LPT ng Barangay Poblacion – Top 10 (93.20%)
Ang inyong tagumpay ay sumasalamin sa sipag, tiyaga, at dedikasyon na dapat tularan ng ating kabataan. Higit pa sa personal na tagumpay, ito ay isang karangalang ibinahagi ninyo sa inyong mga pamilya, mga g**o, mga paaralan, at sa buong Bayan ng Sto. Niño.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga g**o at propesyunal na patuloy na magsusumikap para sa kanilang mga pangarap.