Sangguniang Kabataan - Brgy. Calayucay

Sangguniang Kabataan - Brgy. Calayucay Youth for Good Governance

Yes, opo! Available pa rin ang sports equipment para magamit ng kabataan mula sa ating barangay lalo na ngayong bakasyon...
10/04/2026

Yes, opo! Available pa rin ang sports equipment para magamit ng kabataan mula sa ating barangay lalo na ngayong bakasyon.

Mag PM o mag-abiso lamang sa SK Officials para sa mga nais humiram. 🥰

TINGNAN: Larawan mula sa isinagawang Community Walk para sa mga alagang hayop ngayong ika-28 ng Marso 2026.Matapos ang w...
28/03/2026

TINGNAN: Larawan mula sa isinagawang Community Walk para sa mga alagang hayop ngayong ika-28 ng Marso 2026.

Matapos ang walk, ang mga kalahok ay nakilahok din sa inihandang orientation patungkol sa RA 8485 o Animal Welfare Act, na pinangunahan ni Sir Alvin Valladolid mula sa Municipal Agriculture Office.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Animal Welfare Awareness Month ngayong Marso, na naglalayong magbigay ng kamalayan ukol sa responsableng pag-aalaga ng mga hayop.

Ang programang ito ay inisyatibo ng Social Work Interns mula sa BBF Foundation Inc. na sina Ms. Marylee Lench Solana at Ms. Alleah Rose, sa tulong ng Barangay at SK Council.

Congratulations to the both of you for a job well done!!! 💛👏

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok gayundin sa mga sponsor ng aktibidad na ito.

Dios mabalos!

Photo credits to Sir Arnolf Llorca & Konsi Marvin Baloloy

Fur-parent ba ang lahattttt????!!!! 🐾Kung oo, makilahok sa isang makabuluhang “PAWSOME COMMUNITY WALK” para sa ating mga...
21/03/2026

Fur-parent ba ang lahattttt????!!!! 🐾

Kung oo, makilahok sa isang makabuluhang “PAWSOME COMMUNITY WALK” para sa ating mga alagang hayop! Sama-sama nating itaguyod ang responsableng pag-aalaga at palawakin ang kaalaman tungkol sa Animal Welfare Act o RA 8485.

Sa ika-28 ng Marso, 2026 | 6:00 AM sa P1 Calayucay, Sto. Domingo, Albay

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng Social Work Interns mula sa Belen B. Francisco Foundation Inc, katuwang ang SK at Barangay Council.

Bawat alagang hayop ay makakatanggap ng leash at food bowl sa tulong ng makokolektang ₱20 registration fee! 🥰

Tara na at maki-“paws” sa pagbabago para sa kapakanan ng ating mga fur babies! 🐶🐱

Roor!

25/02/2026

Magandang umaga!

Open po ang SK Hub para sa mga nais mag-print at 1-4 pm 🌸

10/02/2026

Bukas po ang SK Hub para sa mga nais magpa-print ngayong araw 1-3 pm.

Aktibo pa rin po ang proyektong Unlimited Free Printing sa SK Hub 🙌🏻Sa mga nais magpa-print, bukas po ang aming opisina ...
04/02/2026

Aktibo pa rin po ang proyektong Unlimited Free Printing sa SK Hub 🙌🏻

Sa mga nais magpa-print, bukas po ang aming opisina ngayong araw hanggang 3:30 ng hapon. 💛

27/01/2026

IMPORTANT NOTICE TO THE PUBLIC!!!
SATELLITE REGISTRATION FOR FEBRUARY 2026

Calsyucay youth take part in the Municipal Adolescence Congress at PGRCC ⚕️January 24, 2025
24/01/2026

Calsyucay youth take part in the Municipal Adolescence Congress at PGRCC ⚕️

January 24, 2025

20/01/2026

Bukas po ang ating SK Hub ngayong ika-21 ng Enero, 9:00-11:00 am para sa mga nais magpa-print. See you!

17/01/2026

Magandang hapon!
Sa mga nais magpa-print, open po ang SK Hub mamayang 2-3 pm 🌸

In the spirit of Christmas 🎄The Sangguniang Kabataan of Calayucay, in collaboration with the LGU Brgy. Calayucay Sto. Do...
05/01/2026

In the spirit of Christmas 🎄

The Sangguniang Kabataan of Calayucay, in collaboration with the LGU Brgy. Calayucay Sto. Domingo, Albay Council and a private individual, successfully granted the Christmas wishes of selected children in the barangay.

Last November 16, the SK Council began collecting the children’s wishlists. On December 31, a house-to-house distribution was conducted. Seeing the joy and smiles on the children’s faces truly warmed our hearts.

Our heartfelt thanks to our dear sponsors:
PB. Monica Divina
Kgwd. John Carl Jesalva Quinto
Kgwd. Ailine Baleda
Kgwd. Gina Balansayo
Kgwd. Grace Romero
Kgwd. Orlando Balino Jr.
Kgwd. Abraham Santiago
Ms. Wilbina Barnedo

Dios mabalos po! 🤍

TINGNAN: Matagumpay na Isinagawa ang SK & KK Conference and Awarding CeremonyNoong ika-20 ng Disyembre 2025, matagumpay ...
23/12/2025

TINGNAN: Matagumpay na Isinagawa ang SK & KK Conference and Awarding Ceremony

Noong ika-20 ng Disyembre 2025, matagumpay na idinaos ang taunang Year-End Activity ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calayucay.

Sa nasabing pagtitipon, kinilala at pinarangalan ang Top 20 KK Members na masusing tinalakay at pinili sa nagdaang regular session ng SK Council, maingat na sinalang at pinili, at unanimously approved ng konseho bilang kabataang naging bahagi ng tagumpay ng iba’t ibang aktibidad sa pamamagitan ng bolunterismo, liderato, at aktibong partisipasyon.

Layunin din ng gawain na magbalik-tanaw sa mga nagdaang proyekto at mangalap ng mga mungkahi mula sa kabataan para sa nakatakdang Budget 2026.

Masayang umuwi ang mga dumalo na may bitbit na munting pasasalamat bilang pagkilala sa oras at dedikasyong kanilang ibinahagi.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang aktibidad na ito sa mga susunod na taon upang mas marami pang kabataan ang makilahok at mahikayat sa paglaan ng kanilang munting oras, talento, at kakayahan sa mga programang pang-kabataan.



Address

Brgy. Calayucay
Santo Domingo
4508

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Brgy. Calayucay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share