Santiago City GAD Council

Santiago City GAD Council Inform, Engage, and empower - welcome to our GAD corner

Basic Gender and Development (GAD) Training and SOGIESC Orientation๐Ÿ“… May 21โ€“27, 2026 | ๐Ÿ“ Santiago CityNagkaisa ang 123 t...
07/06/2026

Basic Gender and Development (GAD) Training and SOGIESC Orientation
๐Ÿ“… May 21โ€“27, 2026 | ๐Ÿ“ Santiago City

Nagkaisa ang 123 teaching at non-teaching personnel mula sa iba't ibang paaralan ng DepEd Santiago City upang makilahok sa Basic Gender and Development (GAD) Training at SOGIESC Orientation.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok sa pagtataguyod ng gender equality, inclusivity, at non-discrimination sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas napagtibay ang kanilang kakayahang lumikha ng ligtas, magalang, at gender-responsive na learning environment kung saan ang bawat mag-aaral ay may pantay na oportunidad na matuto at umunlad.

Sama-sama tungo sa isang inklusibo at makatarungang edukasyon para sa lahat.

07/06/2026

LOOK | ๐“๐ก๐ž ๐Ÿ๐Ÿ๐ญ๐ก ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐€๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž๐ฌ ๐Ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐‘๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ณ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐†๐€๐ƒ ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ

Sa bisa ng City Ordinance No. 20, s. 2026, o ang โ€œPasig City Gender and Development (GAD) Department Rationalization Ordinance,โ€ na inakdaan ni Konsehal Ronald Alan M. Raymundo, Committee Chair on GAD, at ganap na inaprubahan ng 12th Sanggunian sa pangunguna ni Vice Mayor Dodot Jaworski, pormal na nirasyonalisa at pinalakas ang kasalukuyang Gender and Development Office ng Lungsod ng Pasig.

Layunin ng ordinansang ito na i-update ang kasalukuyang organizational structure ng GAD Department, palawakin ang staffing pattern nito, at higit na patatagin ang kakayahan ng tanggapan upang epektibong maipatupad ang mga umiiral na mandato at direktiba ng lokal at pambansang pamahalaan hinggil sa Gender and Development.

Sa mga nagdaang taon mula nang maitatag ang Pasig City GAD noong 2010, patuloy na lumawak ang mandato nito alinsunod sa mga umiiral na national laws tulad ng Magna Carta of Women, Safe Spaces Act, Anti-VAWC Law, at iba pang kaugnay na polisiya mula sa antas ng lokal at pambansang pamahalaan.

Sa ilalim ng bagong Ordinansa, ang GAD Department ay magsisilbing pangunahing coordinating, regulatory, at monitoring body ng lungsod para sa lahat ng GADโ€“related Programs, Projects, and Activities (PPAs). Pangungunahan nito ang planning, implementation, monitoring, at evaluation ng mga programang nagtataguyod ng gender equality at womenโ€™s empowerment, disability rights, at social inclusion.

Itinatakda rin sa ordinansa ang pagpapanatili ng s*x- at gender-disaggregated data bilang batayan ng evidence-based programming at policy-making, gayundin ang pagpapatibay ng gender mainstreaming sa lahat ng opisina't departamento, kabilang ang barangay. Binigyang diin din sa Ordinansa ang pagbibigay ng survivor-centered response sa gender-based violence (GBV), kabilang ang legal assistance, coordination, advocacy, awareness, at compliance reporting.

Ang Pasig City GAD Department ay binubuo ng apat (4) na pangunahing dibisyon: Administrative and Finance; Planning, Coordinating, Monitoring and Evaluation; Learning and Development; at Legal and Special Concerns, na may kabuuang limampuโ€™t walong (58) permanent Plantilla positions, upang higit na mapalakas ang operasyon sa larangan ng administrasyon, pagpaplano, capacity and research development, at legal support, kabilang ang pagtatatag ng Anti-Sexual Harassment (ASH) at Violence Against Women and their Children (VAWC) Referral Systems.

Marami pong salamat sa ating mga GAD Advocates, sa ating Sangguniang Panlungsod, at sa ating Local Chief Executive, Mayor Vico Sotto, sa patuloy na tiwala, suporta, at pakikiisa sa pagsusulong ng isang patas, inklusibo, makatao, at ligtas na Lipunan para sa kababaihan at lahat ng Pasigueรฑo.

Ang atin ding pasasalamat kay dating City Councilor Corazon M. Raymundo, na siyang unang nagtaguyod ng panukalang pagtatatag ng Pasig City GAD Department sa ilalim ng 11th Sangguniang Panlungsod noong mga nagdaang taon.

(The โ€œPasig City Gender and Development (GAD) Department Rationalization Ordinanceโ€ was approved on May 11, 2026, during the Regular Session of the 12th Sangguniang Panlungsod.)

๐–๐ž ๐š๐ซ๐ž ๐ง๐จ๐ฐ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐š ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ! Tuloy ang ating kampanya para sa isang patas at ligtas na lipunan para sa lahat ng kasarian.

READ:https://assets.pasigcity.gov.ph/storage/city_ordinance/2026/05/11/6a1fcd1558abb1780469013Ord%2020%20s.%202026.pdf

06/06/2026

๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก. ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ. ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก.

Pagpupugay sa lahat ng ating mga makabagong bayani! ๐Ÿซก

Sa ika-31 National Migrant Workersโ€™ Day, kinikilala natin ang sipag, tibay, at sakripisyo ng ating migrant workers na malayo man sa pamilya, patuloy pa ring nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan at para sa bansa.

Saludo higit sa mga kababaihang migrant workers na araw-araw na humaharap sa hamon ng trabaho at migration, habang patuloy na pinangangalagaan ang kanilang mga pamilya at karapatan. Kaisa ninyo ang PCW sa pagsusulong ng inyong proteksyon at kapakanan.

Para sa kumpletong detalye ng pagdiriwang na ito, bisitahin lamang ang official page ng Department of Migrant Workers.

Pwede rin balikan ang Tinig ng Kababaihan episode na โ€œBeyond Borders: Advancing Gender Equality and Protection for Migrant Workers,โ€ kung saan tinalakay ang mga sakripisyo ng migrant workers at ang kanilang mahalagang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa: https://www.youtube.com/watch?v=sBfkiuXrpqA

Mabuhay ang ating mga migranteng manggagawa!

01/06/2026

Rest and healing dust to everyone! โœจ

As we reach the middle of the year, many continue to carry responsibilities, challenges, and pressures that often go unseen. For many women and marginalized groups, these may also include unequal care work, gender biases, and other barriers encountered in everyday life.

Taking time to rest, heal, and grow is not a sign of slowing downโ€”it is part of moving forward. Every step, no matter how small, matters. Give yourself credit for how far you have come.

Magkakasama tayo dito. ๐Ÿ’œ

01/06/2026

๐Œ๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง, ๐ฐ๐ก๐ข๐ญ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ญ๐ก๐ž ๐œ๐จ๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ซ๐š๐ข๐ง๐›๐จ๐ฐ!

Celebrating diversity, inclusion, and the colorful spirit of our community.

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐ž, ๐๐š๐ญ๐ซ๐ข๐จ๐ญ๐ฌ! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ



Address

City Hall
Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santiago City GAD Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share