Public Employment Service Office - City of Santiago

Public Employment Service Office - City of Santiago "Santiago City PESO: Empowering Careers, Fostering Growth, Connecting Job Seekers and Employers."
(2)

MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙Ang aming partner employer na si  Common Wealth Rural Bank, Inc. ay kasalukuyang...
03/06/2026

MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙

Ang aming partner employer na si Common Wealth Rural Bank, Inc. ay kasalukuyang nangangailangan ng mga sumusunod:

· Account Officer
· Management Trainee
· Collection Staff

📩 Ang mga interesadong aplikante ay maaaring:
• Bumisita sa kanilang tanggapan
• O magtungo sa aming opisina sa PESO Santiago City, ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City.
• o mag fill-up sa aming referral link:https://forms.gle/a1SNjvoTPAmDb8BK9

✨Apply na Kabsat!


See less

Leadership training, Values Enhancement and Pre-Employment CoachingPara sa huling bahagi ng JobStart Philippines Program...
02/06/2026

Leadership training, Values Enhancement and Pre-Employment Coaching

Para sa huling bahagi ng JobStart Philippines Program Soft/Core Skills Training, ating isinaalang-alang ang mga mahahalagang aspeto upang ang bawat benepisyaryo ay mas maging handa para sa kanilang pagsabak sa mundo ng pagtatrabaho. Sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Alyssa Sheena P. Tan, CPA at OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla, ito ay matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 1, 2026 sa BOSS Conference, City Hall, San Andres, Santiago City.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla ang kahalagahan ng JobStart Philippines Program, kung saan ito ay isang malaking oportunidad upang matulungan ang ating mga kabataang Santiagueño na makahanap ng disenteng trabaho sa pamamagitan ng training to employment. Gayundin, ito ay nagbibigay daan upang makapagpabago ng buhay, hindi lamang ng iisang tao, kundi pati narin ng ibang miyembro ng pamilya nito.

Sa unang bahagi ng aktibidad ay nagbigay ng Leadership Training at Team-Building si Ginoong Jayson R. Benavize. Samantala, sa huling bahagi naman ay nagbigay ng Values Enhancement at Pre-Employment Coaching si Ginoong Fedencio R. Dasalla, Jr. Nagkaroon din ng feedbacking upang malaman kung hanggang saan ang kanilang mga natutunan sa natalakay na tatlumpung modules.

MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙Ang aming partner employer na si Mango Suites ay kasalukuyang nangangailangan ng...
29/05/2026

MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙

Ang aming partner employer na si Mango Suites ay kasalukuyang nangangailangan ng Assistant Cook

📩 Ang mga interesadong aplikante ay maaaring:
• Bumisita sa kanilang tanggapan
• O magtungo sa aming opisina sa PESO Santiago City, ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City.

✨Apply na Kabsat!



Ang aming taus-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho ni Sir JP mula sa DOLE Isabela Fiel...
29/05/2026

Ang aming taus-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho ni Sir JP mula sa DOLE Isabela Field Office 🤍

Bilang GIP Coordinator, marami siyang natulungan at naging inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa publiko. Hindi matatawaran ang kanyang ambag sa mga programang nagbigay pag-asa at oportunidad sa maraming mamamayan.

Mananatili sa aming alaala ang kanyang kabutihan, kasipagan, at pagiging mabuting katuwang sa serbisyo. Ang kanyang buhay at mga nagawa ay magsisilbing inspirasyon sa marami.

Paalam, Sir JP! 🤍🤍🤍

JobStart Philippines Program Mock InterviewSa pagpapatuloy ng JobStart Philippines Program Soft/Core Skills Training, up...
28/05/2026

JobStart Philippines Program Mock Interview

Sa pagpapatuloy ng JobStart Philippines Program Soft/Core Skills Training, upang tiyakin na ang bawat benepisyaryo ay handa para sa nalalapit na Mini Jobfair ng ating mga partner industry sa pribadong sektor, sila ay sumalang sa isang Mock Interview.

Ito ay matagumpay na ginanap ngayong araw, Mayo 28, 2026 sa BOSS Conference, City Hall, San Andres, Santiago City sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Alyssa Sheena P. Tan, CPA at OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla.

Ang nasabing interview ay isang epektibong paraan upang masuri ang kahandaan ng bawat trainee sa mundo ng pagtatrabaho. Gayundin, sila ay nabigyan ng sapat na kaalaman upang mas mapataas ang kumpiyansa sa sarili at maging kwalipikado.

HABOL NA, KABSAT! 📢💼Baka ikaw na ang hinahanap ng ating partner employer na si JENSEN MANPOWER INTERNATIONAL CORPORATION...
25/05/2026

HABOL NA, KABSAT! 📢💼

Baka ikaw na ang hinahanap ng ating partner employer na si JENSEN MANPOWER INTERNATIONAL CORPORATION!

📍 Magtungo sa aming tanggapan ngayong:
🗓️ May 25–26, 2026
⏰ 9:00 AM – 4:00 PM

📄 Magdala lamang ng:
✔️ Resume
✔️ Mga kinakailangang dokumento sa paghahanap ng trabaho

📢 Bisitahin ang aming page upang makita ang kumpletong job vacancies ng kumpanyang ito at iba pang anunsyo ng mga employer na naghahanap ng empleyado.

✨ Sama-sama nating abutin ang trabaho at kabuhayan para sa bawat Santiagueño!



Apply na, Kabsat!
25/05/2026

Apply na, Kabsat!

Apply na, Kabsat! SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY

Sa darating na May 25-26, 2026, 9:00 AM-4:00 PM ay magsasagawa ng Recruitment Activity o dalawang araw na pagsasala ng mga aplikante ang ating Partner Employer na si JENSEN MANPOWER INTERNATIONAL CORPORATION na gaganapin sa aming tanggapan na matatagpuan sa ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City. Ang nasabing kumpanya ay nangangailangan ng DOMESTIC HELPER.

Sa mga interesadong aplikante magdala lamang tayo ng resume, ballpen, kopya ng diploma at iba pa.

Santiago OFW Association, idinaos ang kanilang kauna-unahang anibersaryo; PESO Santiago, kaagapay sa kanilang pagdiriwan...
22/05/2026

Santiago OFW Association, idinaos ang kanilang kauna-unahang anibersaryo; PESO Santiago, kaagapay sa kanilang pagdiriwang

Ngayong araw, May 22, idinaos ng Santiago OFW Association ang kanilang kauna-unahang anibersaryo, patunay na patuloy silang lumalakas, nagkakaisa at organisado.

Mahigit dalawang daang miyembro ng nasabing organisasyon ang dumalo at nakisaya upang ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal sa SOFWA.

Sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Sheena Tan, ang SOFWA ay inorganisa ng PESO taong 2025, layuning magkaroon ng boses ang mga OFWs sa lungsod, mabigyan ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan, skills development, magkaroon ng mga polisiyang aagapay sa kanila at marami pang iba.

Personal na binisita ang programa ni Cong. Joseph Tan, City Vice Mayor Jamayne Tan, Councilor Carlo De Luna, Councilor Russel Ponce, DOLE, DMW, at OWWA.

Address

Four Lanes
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Employment Service Office - City of Santiago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Employment Service Office - City of Santiago:

Share