PDAO - Santiago City

PDAO - Santiago City This is the official page of Persons with Disability Affairs Office - City of Santiago.

24/08/2026

Muling maghahatid ng serbisyo ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga Santiagueรฑo sa pamamagitan ng Civil Registry System Mobile Outlet sa 4Lanes Plaza, Malvar, Santiago City mula Agosto 24 hanggang 26, 2026, Lunes hanggang Miyerkules.

Sa loob ng tatlong araw, maaaring kumuha ang publiko ng mga mahahalagang dokumento tulad ng authenticated birth certificate, marriage certificate, Certificate of No Marriage (CENOMAR), at death certificate nang hindi na kailangang magpunta pa sa malayong opisina ng PSA.

Layunin ng mobile outlet na gawing mas mabilis, magaan, at abot-kaya ang pagkuha ng mga civil registry documents, lalo na para sa mga residenteng may kailangang requirements para sa trabaho, paaralan, o iba pang transaksyon sa gobyerno.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Atty. Alyssa Sheena P. Tan, CPA, na dalhin ang mga serbisyong pang-gobyerno nang mas malapit sa mga Santiagueรฑo. Sa pagtataguyod ng mga programang tulad nito, patuloy na pinapadali ang access ng publiko sa mahahalagang serbisyo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Photo by Don Querubine Naval

๐๐ƒ๐€๐Ž ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐†๐€๐“๐€๐ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐Š๐€๐˜๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐•๐ˆ๐’๐”๐€๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜๐Ÿฆฏ๐Ÿ’™Matagumpay na isinagaw...
20/08/2026

๐๐ƒ๐€๐Ž ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐†๐€๐“๐€๐ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐Š๐€๐˜๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐•๐ˆ๐’๐”๐€๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜๐Ÿฆฏ๐Ÿ’™

Matagumpay na isinagawa ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Santiago City, at sa pakikipagtulungan ng Santiago North Central School โ€“ Integrated SPED Center, sa pamumuno ng kanilang School Principal, Lo**ta V. Lorenzo, ang White Cane Safety Day Celebration na naglalayong palakasin ang kamalayan, kakayahan, at kumpiyansa ng mga mag-aaral na may visual disability.

Ang Lokal Na Pamahalaang Lungsod ng Santiago, sa pangunguna ng ating City Mayor, Atty. Sheena Tan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programa at aktibidad na nagtataguyod ng inclusive education, pantay na oportunidad, at aktibong pakikilahok ng mga persons with disability sa komunidad.

Tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang gawaing naglalayong mapaunlad ang kasanayan at maipamalas ang kakayahan ng mga mag-aaral, kabilang ang Braille Reading Contest, Braille Writing Contest, Abacus Activity, at Showcase of Talents.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan, talento, tiyaga, at determinasyon, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng accessible at inclusive na learning environment para sa lahat.

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐’๐‡๐„๐„๐๐€! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Taos-puso po naming binabati ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) โ€“ San...
19/08/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐’๐‡๐„๐„๐๐€! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Taos-puso po naming binabati ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) โ€“ Santiago City kasama ang Federation of Persons with Disability Santiago City, ang ating butihing City Mayor, Atty. Alyssa Sheena P. Tan, sa kanyang kaarawan!

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at pagpapala upang patuloy ninyong mapamunuan ang Santiago City nang may malasakit, integridad, at tunay na pagmamahal sa ating mga Santiagueรฑo.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa inclusive governance, kapakanan ng Persons with Disability, at pagtataguyod ng isang lungsod na walang naiiwan.

Muli, Happy Birthday, Mayor Alyssa! Nawaโ€™y maging makabuluhan, masaya, at puno ng pagpapala ang inyong espesyal na araw!

Mabuhay po kayo at pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal!

18/08/2026

Mahigit 100 na kabataang Santiagueรฑo ang nagtipon para sa KaisaKa Youth Camp (KKYC) Year 6 noong Agosto 15โ€“16 sa Wilmers Resort, Brgy. Sinsayon, Santiago City, na naglalayong higit pang hubugin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pakikipagtulungan at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad.

Personal na dumalo si Mayor Atty. Alyssa Sheena P. Tan sa unang araw ng programa, kung saan hinimok niya ang mga kabataang lider na gamitin ang kanilang kakayahan at pagkakataon upang makalikha ng mas malawak na positibong pagbabago sa komunidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pananagutan at pagkakaisa, kasabay ng paghikayat sa kabataan na isabuhay ang sama-samang pagkilos at pagtutulungan sa pagsusulong ng kanilang mga inisyatiba.

Tampok sa dalawang-araw na programa ang mga learning session na nakatuon sa leadership, collaboration at responsible use of social media, na pinangunahan nina G. Jemerson Eugenio, G. Marc Angelo B. Martinez at Mark Vincent Fernandez. Tinalakay rin ang kahalagahan ng pagiging isang lider na may malinaw na layunin at kakayahang makipagtulungan sa mga taong may ibaโ€™t ibang pananaw.

Kabilang din sa mga aktibidad ang team-building exercises na naglalayong palakasin ang camaraderie, komunikasyon at pagtutulungan ng mga kalahok, gayundin ang pagsasanay sa Basic Filipino Sign Language para sa mas inklusibong pakikilahok.

Nagsagawa naman ang Red Cross Youth Santiago ng basic crash course sa first aid at cardiopulmonary resuscitation (CPR), kung saan nahasa ang kaalaman at kahandaan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong.

Bukod sa mga learning activities, nagkaroon din ng POP Night: Socialization and Performance Night sa unang araw, na nagbigay-daan sa mga kalahok na makapagpakita ng talento at higit pang mapalakas ang ugnayan at pagkakaisa ng mga kabataan.

Sa pamamagitan ng KKYC Year 6, patuloy na binibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na malinang ang kanilang kakayahan at maging mas aktibong katuwang sa mga gawaing naglalayong makapaghatid ng positibong pagbabago sa komunidad.

By Lairicha Barlolong
Photo by John Mark Amiel Tesoro

๐๐ƒ๐€๐Ž, ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ-๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š  ๐๐š๐ฌ๐ข๐œ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐’๐ข๐ ๐ง ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž, ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ข๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ŸคŸ๐Ÿ’™Nakibahagi ang Per...
18/08/2026

๐๐ƒ๐€๐Ž, ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ-๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐œ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐’๐ข๐ ๐ง ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž, ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ข๐ข๐ฐ๐š๐ง ๐ŸคŸ๐Ÿ’™

Nakibahagi ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Santiago City sa pagsusulong ng inklusibong pamamahala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng basic sign language training para sa mahigit 120 lider-kabataan na lumahok sa ika-anim na KaisaKa Youth Camp (KKYC) noong Agosto 15โ€“16, 2026.

Naging bahagi ng pakikilahok ng PDAO ang pagtuturo ng basic sign language at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng inklusibo at accessible na pamamahala, lalo na sa sektor ng kabataan. Sa pamamagitan ng aktibidad, hinikayat ang mga lider-kabataan na maging mas sensitibo sa mga pangangailangan ng mga persons with disabilities (PWDs) at isulong ang pantay na oportunidad para sa lahat. ๐Ÿค๐ŸŒ

Nagsilbi bilang isa sa mga facilitator si Bb. Kylie Ceballos, Project Implementor, na nakiisa sa mga lider-kabataan sa pagtataguyod ng inclusive education at sa mas inklusibong sektor ng kabataan na kumikilala sa karapatan, kakayahan, at pantay na pakikilahok ng persons with disabilities. ๐Ÿซถ

Samantala, pinangunahan naman ni Bb. Jenny Bello, Sign Language Interpreter, ang crash course sa basic sign language, kung saan itinuro sa mga kalahok ang alpabeto ng Basic Filipino Sign Language (FSL) at iba pang pangunahing kaalaman na maaaring magamit sa pakikipagkomunikasyon sa mga persons with disabilities.

Ang KKYC ay isang youth development activity na naglalayong pag-isahin at hubugin ang mga lider-kabataan ng Lungsod ng Santiago. Isinagawa ito sa pangunguna ng tanggapan ni City Mayor , Atty. Sheena Tan, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office - City of Santiago.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, higit na naipauunawa sa mga lider-kabataan na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang manguna, kundi maging sa kakayahang makinig, umunawa, at tiyaking may lugar ang bawat isa sa lipunan. โค๏ธ๐Ÿค

Walang Naiiwan. Lahat Kasama. Sama-sama para sa Inklusibong Kinabukasan! โ™ฟโœจ

๐Œ๐†๐€ ๐๐–๐ƒ ๐–๐„๐€๐•๐„๐‘๐’ ๐€๐๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐ƒ๐”๐‚๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ  โ™ฟ๐ŸคIsang makabuluha...
17/08/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐–๐ƒ ๐–๐„๐€๐•๐„๐‘๐’ ๐€๐๐ƒ ๐๐‘๐Ž๐ƒ๐”๐‚๐„๐‘๐’ ๐’๐€ ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ โ™ฟ๐Ÿค

Isang makabuluhang hakbang para sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Santiago City! ๐Ÿ’™

Sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sa pangunguna ng ating City Mayor, Atty. Sheena Tan, at katuwang ang Public Employement Service Office, isinagawa ngayong August 17, 2026 ang Awarding Ceremony of Livelihood Assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 para sa Santiago City PWD Weavers and Producers Association.

Ang tulong na ito ay magsisilbing dagdag na puhunan at suporta upang higit pang mapaunlad ang kanilang mga gawaing pangkabuhayan, mapalakas ang kanilang produksyon, at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga PWD entrepreneurs. ๐Ÿ’ช๐Ÿงต

Kabuhayan. Pagkakataon. Kaunlaran. Para sa bawat PWD. โ™ฟโค๏ธ

๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž: ๐๐‚๐ƒ๐€, ๐๐€๐†๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐‚๐Ž๐Œ๐๐”๐“๐„๐‘ ๐„๐๐”๐ˆ๐๐Œ๐„๐๐“ ๐’๐€ ๐๐ƒ๐€๐Ž ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜ โ™ฟ๐Ÿ’ปSa patuloy na pagsusulong ng in...
05/08/2026

๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž: ๐๐‚๐ƒ๐€, ๐๐€๐†๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐‚๐Ž๐Œ๐๐”๐“๐„๐‘ ๐„๐๐”๐ˆ๐๐Œ๐„๐๐“ ๐’๐€ ๐๐ƒ๐€๐Ž ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜ โ™ฟ๐Ÿ’ป

Sa patuloy na pagsusulong ng inklusibo at dekalidad na serbisyo para sa sektor ng mga persons with disability, matagumpay na tinanggap ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Santiago City ang computer equipment donation, na kinabibilangan ng desktop computer at sign pad, mula sa National Council on Disability Affairs (NCDA) ngayong Agosto 5, 2026.

Sa pangunguna ng ating City Mayor, Atty. Sheena Tan, ang kagamitang ito ay magsisilbing mahalagang suporta sa pagpapalakas ng operasyon ng PDAO Santiago City , lalo na sa mas episyente at mas mabilis na pagbibigay ng serbisyo, pagpaparehistro, at pangangasiwa ng datos ng ating mga persons with disability.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa National Council on Disability Affairs (NCDA) sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa pagtataguyod ng isang mas inklusibo, mas accessible, at mas maunlad na komunidad para sa lahat.

Ang bawat kagamitang ipinagkakaloob ay isang hakbang tungo sa mas episyente, mas inklusibo, at mas makataong serbisyo para sa ating mga persons with disability. ๐Ÿ’™


๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ‘๐ƒ ๐‹๐ข๐ฆ๐› ๐’๐œ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ญ๐ก๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐Ÿ“ฐ๐ŸฆฟMatagumpay na isinagaw...
04/08/2026

๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ‘๐ƒ ๐‹๐ข๐ฆ๐› ๐’๐œ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ญ๐ก๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐Ÿ“ฐ๐Ÿฆฟ

Matagumpay na isinagawa ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Santiago City, sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO), ang Prosthesis Assistance Program na nagbigay ng 3D Limb Scanning and Assessment para sa mga persons with disability na nangangailangan ng prosthetic limbs.

Ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Santiago, a pangunguna ng ating City Mayor, Atty. Sheena Tan, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng dekalidad, inklusibo, at makataong serbisyo para sa sektor ng persons with disability. Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, isinagawa ang mas tumpak na pagsusukat at assessment upang makalikha ng prosthesis na naaangkop sa pangangailangan ng bawat benepisyaryo.

Higit pa sa pagbibigay ng artificial limb, layunin ng programang ito na maibalik ang kumpiyansa, kasarinlan, at kakayahang makakilos nang malaya ng bawat benepisyaryo upang mas aktibong makilahok sa kanilang pamilya, komunidad, at lipunan.๐Ÿค

Bawat hakbang ay patunay na sa isang inklusibong lungsod, walang naiiwan at bawat pangarap ay may pagkakataong maabot. ๐Ÿ’™


๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐Ž๐œ๐œ๐ฎ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ก๐ž๐ซ๐š๐ฉ๐ฒ ๐š๐ญ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ฎ๐ซ๐จ๐๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐š, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ๐Ÿ’™๐ŸŒˆA...
03/08/2026

๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐Ž๐œ๐œ๐ฎ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ก๐ž๐ซ๐š๐ฉ๐ฒ ๐š๐ญ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ฎ๐ซ๐จ๐๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐š, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ๐Ÿ’™๐ŸŒˆ

Ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Santiago, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ay matagumpay na nakapagsagawa ng Libreng Occupational Therapy at Assessment para sa mga neurodivergent na bata ng Santiago City sa Beyond Colors โ€“ Santiago Pediatric Assessment and Therapy Center mula Hulyo 13โ€“30, 2026.

Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga bata ng maagang pagsusuri at angkop na occupational therapy upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahan, pagsasarili, at kalidad ng pamumuhay. Binigyang prayoridad sa libreng assessment ang mga batang wala pang opisyal na diagnosis (undiagnosed), kabilang sa mga indigent at mga batang kasalukuyang hindi pa tumatanggap ng anumang therapy, upang matiyak na ang mga higit na nangangailangan ng maagang interbensyon ang mabigyan ng pagkakataong makatanggap ng kinakailangang serbisyo.

Sa pangunguna ng ating butihing City Mayor, Atty. Sheena Tan, na patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng dekalidad, abot-kaya, at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa mga batang may espesyal na pangangailangan.

Bilang pagpapatuloy ng adbokasiyang ito, nakaplanong palawigin ang serbisyo ng Lungsod ng Santiago upang makapaghatid pa ng iba't ibang therapy services tulad ng speech therapy, developmental assessment at iba pang serbisyong rehabilitasyon para sa mas maraming batang nangangailangan ng espesyal na suporta.


Address

Santiago City Hall, San Andres
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PDAO - Santiago City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PDAO - Santiago City:

Shortcuts

Share