Osca Santiago City

Osca Santiago City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Osca Santiago City, Government Organization, Santiago.

08/09/2026
Happy Birthday, Our Beloved City Mayor! Atty. Sheena Tan 🎉🎂Warmest birthday greetings to our beloved City Mayor! May you...
19/08/2026

Happy Birthday, Our Beloved City Mayor! Atty. Sheena Tan 🎉🎂

Warmest birthday greetings to our beloved City Mayor! May your special day be filled with happiness, good health, and countless blessings.

Thank you for your dedicated service, compassionate leadership, and unwavering commitment to the people of our beloved city. May God continue to guide and strengthen you as you lead with wisdom, integrity, and a heart for public service.

Wishing you more successful years, abundant blessings, and many more birthdays to come! Happy Birthday, Mayor! 🎉🎈🎂

With warmest wishes from the Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) – City of Santiago.

16/07/2026

Bilang pagkilala sa mga nakatatandang mamamayan, personal na iginawad ni City Mayor Atty. Sheena P. Tan, CPA ang ₱100,000 na cash gift kay Carmelita O. Valdez, 95 taong gulang at residente ng Purok 6, Barangay Rosario, sa ilalim ng Longevity Cash Gift Program for Nonagenarians ngayong Hulyo 16, 2026, alas-10:00 ng umaga sa Conference Room, City Hall, San Andres, Santiago City.

Ang pagkakaloob ng cash gift ay bahagi ng programang ipinatutupad ng ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) upang kilalanin at parangalan ang mga nonagenarian bilang pasasalamat sa kanilang walang kapantay na kontribusyon sa kanilang pamilya at komunidad.

Sa pangunguna ni Mayor Sheena P. Tan, CPA, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang nagbibigay ng suporta at pagkilala sa kapakanan ng mga nakatatandang mamamayan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Longevity Cash Gift Program, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ang suporta at pagpapahalaga nito sa mga nakatatandang mamamayan, bilang pagkilala sa kanilang walang kapantay na kontribusyon sa pamilya, komunidad, at sa pag-unlad ng lungsod.

By Lairicha Barlolong
Photo by Don Querubine Naval

10/07/2026

Tumanggap ng cash gift ang 101 senior citizen beneficiaries mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) Regional Office II sa isinagawang payout ngayong Huwebes, Hulyo 9, sa Bulwagan ng City Hall, Santiago City.

Isinagawa ang payout alas-8:00 ng umaga sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Department Office (CSWDO), matapos aprubahan ng NCSC ang aplikasyon ng 101 benepisyaryo sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarians Act of 2024.

Personal namang dumalo sa programa si Mayor Atty. Sheena P. Tan, CPA at nagbigay ng mensahe hinggil sa mga programang inilaan ng lokal na pamahalaan upang higit na mapangalagaan ang kapakanan at kalusugan ng mga senior citizen sa lungsod.

Ayon kay Mayor Atty. Sheena P. Tan, CPA, target na magbukas ngayong 2026 ang libreng botika na magbibigay ng maintenance medicines para sa mga senior citizen na may hypertension at diabetes. Hinikayat din niya ang mga nakatatanda na samantalahin ang mga serbisyong maaaring i-avail sa City Health Office (CHO), kabilang ang Primary Care Facility, habang patuloy ding isinusulong ng lokal na pamahalaan ang libreng pustiso para sa mga kwalipikadong senior citizen.

Binigyang-diin din ni Mayor Tan na nananatiling bukas ang CHO upang tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga senior citizen at matiyak na patuloy silang makatatanggap ng mga kinakailangang serbisyong medikal.

Samantala, tiniyak din ng alkalde na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maisama sa pension program bago matapos ang taon ang mga kwalipikadong senior citizen na hindi pa nakatatanggap ng pensyon.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod, katuwang ang NCSC at DSWD, ang pagbibigay ng nararapat na suporta at pagkilala sa mahalagang ambag ng mga nakatatandang Santiagueño.

______________________
By Lairica Barlolong | CIO
Photo by Kyel Pablo | CIO

17/07/2025
21/04/2025

Address

Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Osca Santiago City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Osca Santiago City:

Shortcuts

Share