Barangay Mabini

Barangay Mabini Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Mabini, Government Organization, Rizal Street, Santa Rosa.

“This official page of the Barangay Mabini, Santa Rosa, Nueva Ecija Local Government Unit is designated exclusively for the posting of official activities and announcements.”

19/08/2026

🌧️ PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Magandang gabi po sa ating mga Kabarangay, lalo na po sa mga nakatira sa mababang lugar, tabing-sapa, at malapit sa ilog.

Hinihiling po namin na tayo ay maging alerto at mag-ingat sa anumang pagtaas ng tubig o pagbabago sa lagay ng panahon.

Kung may napansin po kayong pagtaas ng tubig o anumang sitwasyong maaaring magdulot ng panganib, mangyaring mag-report agad sa kinauukulan upang kayo po ay agarang matugunan at matulungan.

Ang kaligtasan po ng bawat Kabarangay ay ating sama-samang pananagutan. 🙏

🛡️ Maging handa, maging alerto, at unahin ang kaligtasan.

— Sangguniang Barangay ng Mabini
Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz

18/08/2026

🌙 MAGANDANG GABI PO, MGA KABARANGAY!

Nais po naming ipaabot sa ating mga kabarangay ang isang mahalagang paalala. Sa mga hindi kanais-nais na pangyayaring nagaganap sa ating paligid, tayo po ay magtulungan at maging mapagmatyag upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Umpisahan po natin sa ating mga tahanan. Kung tayo po ay nagmamay-ari ng fi****ms, tiyakin po natin na ito ay nakalagay sa ligtas at maayos na lagayan, hindi maaabot ng mga kabataan at hindi basta-basta mapapasakamay ng ibang indibidwal na maaaring magkaroon ng masamang balak. Pairalin po natin ang responsableng pag-iingat at pagsunod sa batas.

Gayon din po, patuloy tayong mag-ingat laban sa mga kawatan at masasamang loob na maaaring kumuha ng mga bagay na ating pinaghihirapan. Huwag po tayong maging kampante. Ugaliing i-secure ang ating mga tahanan, sasakyan at iba pang mahahalagang kagamitan.

Sa panahon po ng pangangailangan, hindi po tayo nag-iisa. Katulong po ninyo ang Pamahalaang Barangay ng Mabini, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz, katuwang ang Santa Rosa PNP sa pangunguna ni COP PMAJ. Lawrence D.R. Lira, para sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

🤝 Magtulungan, mag-ingat at maging mapagmatyag.
🏠 Kaligtasan ay nagsisimula sa bawat tahanan.
🛡️ Barangay Mabini, sama-sama para sa ligtas at mapayapang komunidad!




💉 BARANGAY MABINI — LIGTAS TIGDAS! 💉Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) — DONE! ✅Matagumpay na n...
11/08/2026

💉 BARANGAY MABINI — LIGTAS TIGDAS! 💉
Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) — DONE! ✅

Matagumpay na naisagawa sa Barangay Mabini ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o vaccine booster, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa Tigdas at Rubella. 🛡️💉

Sa pangunguna at suporta ng ating Punong Barangay, Hon. Jonathan B. Ruiz, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Barangay ng Mabini ang mga programang naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Santa Rosa Rural Health Unit (RHU), lalo na kina Nurse Ma’am Niña at Ma’am Rochell, sa kanilang dedikasyon at serbisyo.

Maraming salamat din po sa BFP Santa Rosa sa inyong mahalagang tulong at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito. 🚒

Isang malaking SALUDO at MARAMING SALAMAT din po sa ating mga masisipag at laging aktibong Barangay Health Workers (BHW) sa pangunguna ng ating BHW Leader, Ilene A. Lupido. ❤️

Ang inyong sipag, oras, at malasakit ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating mga programang pangkalusugan.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!
Sama-sama para sa isang LIGTAS, MALUSOG, at PROTEKTADONG Barangay Mabini! 💚

Pamahalaang Barangay ng Mabini
Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz

Maulang Gabi poMonday Night Duty po ng masisipag nating tanod sa pangunguna po ni Chief Tanod Antonio S. Alcantara
10/08/2026

Maulang Gabi po

Monday Night Duty po ng masisipag nating tanod sa pangunguna po ni Chief Tanod Antonio S. Alcantara

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay BHW J...
08/08/2026

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣

Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay BHW Jasmin S. Ritual🎉🎂

Nawa’y pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. 🙏💐

Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Ate Min🥳🎊

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay VAWC ...
04/08/2026

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣

Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay VAWC Chair/Tanod Irene G. Reyes 🎉🎂

Nawa’y pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. 🙏💐

Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Ate Irene🥳🎊

01/08/2026
31/07/2026

Happy Foundation Day Santa Rosa Nueva Ecija🫰🎊🎉

Ngayong araw, Hulyo 29, 2026 (Miyerkules), nagsagawa ng pagpupulong si Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz kasama si K...
29/07/2026

Ngayong araw, Hulyo 29, 2026 (Miyerkules), nagsagawa ng pagpupulong si Punong Barangay Hon. Jonathan B. Ruiz kasama si Kagawad sa Peace and Order Hon. Felix B. Bautista at ang mga Barangay Tanod sa pangunguna ni Chief Tanod Antonio S. Alcantara.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mas pinaigting na pagpapatrolya sa buong barangay, ang maayos na duty assignment ng mga opisyal na magbabantay sa mga paaralang nasasakupan ng Barangay Mabini, ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew, at ang kampanya laban sa paggamit ng mga motorsiklong may open pipe at iba pang maiingay na tambutso na nagdudulot ng pagkagambala sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

Napag-usapan din ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa laban sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar o kalsada at sa pagvi-videoke o paglikha ng labis na ingay lalo na sa dis-oras ng gabi, upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan, at kaligtasan ng lahat ng residente.

Patuloy na hinihiling ng Pamahalaang Barangay ng Mabini ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat residente sa pagsunod sa mga umiiral na batas at ordinansa upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay BHW R...
29/07/2026

📣✨ Maligayang Kaarawan! ✨📣

Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay BHW Rowena S. Asuncion 🎉🎂

Nawa’y pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. 🙏💐

Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Ate Weng🥳🎊

Address

Rizal Street
Santa Rosa
3101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mabini posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share