07/04/2026
BALIKAN | Nakiisang muli ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pandaigdigang pagdiriwang ng Earth Hour noong Marso 28, 2026 bilang pagpapakita ng matibay na suporta sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng responsableng paggamit ng enerhiya.
Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sabay-sabay na pinatay ang mga ilaw sa City Plaza ganap na 8:30 ng gabi. Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold B. Arcillas bilang pagsuporta.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na isulong ang mga programang makakalikasan at hikayatin ang lahat na makibahagi sa pangangalaga sa ating kapaligiran para sa mas ligtas at mas sustinableng hinaharap
๐ธ: CIO Erick & Reymar
๐ฆ