24/05/2026
May 21, 2026
Ika-10 Pangkaraniwang Pagpupulong / Sesyon
Nag-ulat si Doc Ezzy sa kanyang committee, doon nilahad niya ang mga tinalakay sa kanyang isinagawang committee hearing noong nakaraang Mayo 15, 2026, alas-1 ng hapon, kung saan tinalakay doon ang panibagong sinusulong na ordinansa ni Doc Ezzy,
“Isang Ordinansa para sa Pagkilala, Pagpaparehistro, at Pagbibigay ng Suporta sa mga Magsasakang Nakarehistro sa Barangay Dita, Siyudad ng Santa Rosa, Laguna.”
Ayon sa mga officers ng samahan ng mga magsasaka, wala naman po silang pagtutol dito.
Mayroon lamang ilang bahagi ng proposed ordinance na kailangan baguhin, partikular sa dokumento para sa pagpaparehistro na nakasaad sa Section 4 ng proposed ordinance ni Doc Ezzy
Kabilang dito ang Tax Declaration. Dahil karamihan sa mga magsasaka at nagtatanim sa Dita ay nakikitanim lamang, minarapat po ni Doc Ezzy na tanggalin na ito bilang requirement upang mas maging inclusive at accessible ang pagpaparehistro.
Dagdag pa ni Doc Ezzy sa kanyang committee report,
“After thorough study of the facts and findings, the Committee on Agriculture believes that this ordinance will be beneficial to the farmers of our barangay.
Yun lamang. Maraming salamat, Mr. Chair.”
Idinagdag din ni Doc Ezzy sa sesyon ang isang katanungan kung ano ang maaaring maitulong ng barangay sa mga estudyanteng hindi pinalad na makapasa sa pagsusulit ng PUP, upang mabigyan pa rin sila ng oportunidad na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral o mapakinabangan sa iba pang programa ng pamahalaan.