03/08/2026
PAALALA SA PUBLIKO | ANG MGA BANTA ONLINE AY MAY KAUKULANG PARUSA SA BATAS
Ang paggawa ng online threats laban sa mga estudyante, paaralan, g**o, o sinumang tao sa pamamagitan ng social media, chat, text, email, o iba pang online platforms ay HINDI BIRO. Ito ay maaaring magresulta sa kasong kriminal at iba pang kaparusahan ayon sa umiiral na batas.
๐ Tandaan: Kahit ang gumawa ng banta ay menor de edad o nasa legal na edad, maaari pa rin siyang managot sa ilalim ng batas.
Paalala sa mga Magulang at Tagapag-alaga:
โ๏ธ Bantayan ang online activities ng inyong mga anak.
โ๏ธ Turuan silang gumamit ng social media nang may paggalang at pananagutan.
โ๏ธ Ipaliwanag na ang pagbabanta, pananakot, at cyberbullying ay may seryosong legal na konsekuwensya.
โ๏ธ Hikayatin silang maging responsable sa bawat post, komento, at mensaheng ipinapadala.
Mag-isip bago mag-type. Mag-isip bago mag-post. Mag-isip bago mag-share.
Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating mga paaralan at komunidad. Ang paggalang, responsibilidad, at tamang paggamit ng teknolohiya ay tungkulin ng bawat isa.
๐ For assistance or to report concerns, contact the Santa Rita PNP Women and Children Protection Desk:
๐ฑ Globe: 0917-3911-884
๐ฑ Smart: 0998-5985-471