03/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐ฃ๐จ ๐-๐๐ผ๐ฆ๐
Handa ka na bang palaguin ang iyong food business products tulad ng fruit snacks, powdered drinks, seasoning mixes, at iba pang ready-to-eat na pagkain?
Sa CALABARZON Food Solutions Hub (C-FoSH) ng Laguna State Polytechnic University (LSPU), pwede mong paunlarin at gawing mas โready for marketโ ang iyong food ideas.
โ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฆ๐ฃ๐จ ๐-๐๐ผ๐ฆ๐?
Ang LSPU C-FoSH ay isang food processing facility na matatagpuan sa LSPU-Santa Cruz Campus dito sa Laguna. Itinayo ito para tulungan ang mga maliliit na negosyante at estudyante na makagawa nang mas maayos at mas dekalidad na food products.
Hindi mo kailangang magkaroon ng sariling pabrika o mahal na kagamitan. Dito, pwede mong gamitin o rentahan ang mga makina at pasilidad para gawin, ayusin, at i-improve ang iyong produkto.
Suportado ito ng mga ahensya tulad ng DOST at DTI kaya naman mas madali para sa ating Pilipinong food innovators ang palaguin ang kanilang negosyo.
๐ฆ ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ธ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ ๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฑ๐ถ๐๐ผ?
Sa LSPU C-FoSH, puwede mong paunlarin ang ibaโt ibang uri ng food products tulad ng:
- pinatuyong prutas (halimbawa: mangga, saging, pinya)
- instant drinks tulad ng juice powder, coffee blends, at herbal tea
- powdered food products mula sa prutas, gulay, o halamang gamot
- seasoning at flavor mixes para sa pagluluto
- healthy snacks at ready-to-eat food products
- iba pang food innovations na pwedeng ibenta
Sa madaling salita, kung may idea ka sa pagkain, pwede mo itong subukan dito at gawing mas โmarket-ready.โ
๐ญ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ?
Ang C-FoSH ay may mga modernong kagamitan (karaniwang mahal kung bibilhin) na pwedeng gamitin o rentahan sa mababang halaga. Ilan sa mga kagamitang ito:
- ๐๐ข๐ด๐ต๐ฆ๐ถ๐ณ๐ช๐ป๐ฆ๐ณ: nagpapahaba ng shelf life ng liquid products sa pamamagitan ng pagpatay ng mikrobyo
- ๐๐ถ๐ช๐ค๐ฆ ๐๐น๐ต๐ณ๐ข๐ค๐ต๐ฐ๐ณ: kumukuha ng juice o katas ng mga prutas o gulay
- ๐๐ฐ๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ฎ๐ช๐น๐ฆ๐ณ: pantay na paghahalo ng mga dry ingredients
- ๐๐ฑ๐ณ๐ข๐บ ๐๐ณ๐บ๐ฆ๐ณ: ginagawang powder o pulbos ang liquid mixtures sa pamamagitan ng mabilis na pagpapatuyo gamit ang mainit na hangin
โ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐-๐๐ผ๐ฆ๐?
Malaking tulong ang C-FoSH lalo na kung nagsisimula ka pa lang o gusto mong palaguin ang iyong negosyo.
Dahil dito, pwedeng:
- magamit o marentahan ang mga industry-standard na makina sa mas mababang halaga
- makapag-produce ng mas de kalidad at mas mahabang shelf life na mga produkto
- magkaroon ng pagkatataon na makapasok sa mas malaking market
๐ ๐ฃ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป
Kung may food idea ka na matagal mo nang gustong subukan, o may existing ka nang produkto na gusto mong i-improve, puwede kang lumapit at gamitin ang C-FoSH.
Sa C-FoSH, hindi lang basta pagkain ang ginagawa kundi magkakaroon ka pa ng mas maraming oportunidad para sa iyong negosyo.
Kung handa ka nang mag-level up, ang LSPU CALABARZON Food Solutions Hub ay narito para tulungan kang palaguin ang iyong food business.
Dahil dito sa ๐๐๐๐ ๐พ-๐๐ค๐๐: ๐ฅ๐ง๐ค๐จ๐๐จ๐ค, ๐ฃ๐๐๐ค๐จ๐ฎ๐ค, ๐๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค!
โ๏ธ ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ถ๐น๐
Engr. Mark Augusto V. Agus
Operations and Maintenance Manager
LSPU-C-FoSH
Number: 0917-526-2975
Email: [email protected]
Address: LSPU-Santa Cruz, Brgy. Bubukal, Santa Cruz, Laguna
๐๏ธ Watch it also here: https://youtu.be/yGElHyFODGU?si=Ic1VQhWQGYYKciU-