24/05/2025
Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala, suporta, at pagmamahal.
Nagkaisa ang ating mga damdamin sa bawat hakbang ng pinagdaanan natin. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa magtatapos ang ating paglalakbay. Sa bawat pasamano, yakap at halik sa pisngi, pinalaki po ninyo ang puso kong handang manukli ng taos pusong pasasalamat.
May puwesto man o wala, mananatili po akong kaaagapay ninyo mga minamahal kong ka-distritoโnakikiisa, nagmamahal, at patuloy na naglilingkod sa abot ng aking makakaya.
Sa bawat hamon ng buhayโsa mga tagumpay man o pagsubokโmakakaasa po kayo: hinding-hindi ko po kayo iiwan. Kayong mga minamahal kong ka-distrito, kayo ang lakas at inspirasyon ko.
Para sa Diyos, para sa bayan, at para sa bawat isa po sa inyoโako po si Gilbert Estrella - gayyem yo, kabsat yo, ading yo, anak yo...
At higit sa lahat, ako ay bata ninyo - maglilingkod at mananatiling kasama niyo sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.
Agyamanak, unay ken ay ayaten kayo amin, Apo!