25/05/2026
SMWD Advisory PA2605-0067
Nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District sa inyo na maaaring makaranas ng paglabo ng tubig simula ika-25 ng Mayo taong 2026. Ito ay dulot ng mababang lebel ng tubig sa ilog ng Angat na pinagkukunan ng suplay ng aming bulk water supplier (PhilHydro) na maaaring magdulot ng pagtaas ng turbidity o paglabo ng tubig
Ang mga barangay na apektado at maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik ang normal na sitwasyon ng Angat River ay ang mga sumusunod:
Balasing, Pulong Buhangin Caypombo, Mag-asawang Sapa, Silangan, Guyong, Poblacion, San Jose Patag, Catmon Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta Cruz, Sta Clara, Sto Tomas, San Gabriel at Mahabang Parang
Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upang maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari nyo po agad ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo ng tubig upang ito'y agad naming matugunan.
Bukod sa malabong tubig ay posible din makaranas ng mahina hanggang sa tuluyan pagka antala ng tubig sa mga nabanggit na barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier. Dahil dito ay pinapaalalahanan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa mga oras na ito.
Maraming salamat po