Kap. A

Kap. A Punong Barangay, Santa Cruz, Santa Maria

Ang samahang LAMANG sa TUNAY na pakikisama. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š
24/05/2026

Ang samahang LAMANG sa TUNAY na pakikisama. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ก๐š๐ค๐›๐š๐ง๐ , ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿ‘Œ๐Ÿป
24/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ก๐š๐ค๐›๐š๐ง๐ , ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿ‘Œ๐Ÿป

Dekadang Pangarap, Malapit nang Matupad para sa Santa Cruz Village! ๐Ÿ’š๐Ÿ™๐ŸปNoong nakaraang Nobyembre, nagsagawa ng inspeksyo...
19/05/2026

Dekadang Pangarap, Malapit nang Matupad para sa Santa Cruz Village! ๐Ÿ’š๐Ÿ™๐Ÿป

Noong nakaraang Nobyembre, nagsagawa ng inspeksyon ang Municipal Engineering sa Santa Cruz Village upang personal na makita ang matagal nang problemang kalsada at pagbaha na dinaranas ng ating mga kabarangay.

Kasama ninyo ako sa pag-asa at pananabik, dahil isa po ito sa mga matagal nating hinihiling at pinapangarap para sa Santa Cruz Village.

Ang nasabing proyekto ay mag-uumpisa mula sa kanto ng Sitio Maligaya at Mapayapa hanggang sa mababang bahagi na palaging binabaha malapit kina dating Konsehal Dolphy Enriquez. Ito po ang mga lugar na matagal nang naapektuhan tuwing malakas ang ulan at matagal na ring hinihiling na mabigyan ng maayos na solusyon.

Tuloy-tuloy ang kilos! Mula sa inspeksyon, pagsukat, pag-aaral ng proyekto, hanggang sa pagpupulong sa opisina ni Mayor Omeng kahapon, May 19, 2026 kasama ang masisipag nating konsehal, unti-unti na pong naaayos ang mga kinakailangang proseso para sa bidding at procurement ng proyekto.

Ito po ang patunay na kapag may tapat na hangarin at seryosong pagkilos, may mangyayari.

Ang Santa Cruz Village ay hindi hiwalay sa Santa Cruz Proper. Iisa po tayo. Iisang barangay. Iisang pamilya.

Hindi lang po salita ang serbisyo. Mas gusto po nating iparamdam ito sa pamamagitan ng konkretong aksyon at proyektong tunay na pakikinabangan ng tao.

Sa maikli ko pa lamang pong panahon ng panunungkulan, sisikapin nating maabot kahit ang mga pangarap na ilang dekada nang hinihintay.

๐Ÿ“Santa Cruz Village, naririnig ko po kayo.
At habang may pagkakataon tayong kumilos, hindi po tayo titigil. ๐Ÿ’š



PANGARAP PARA SA BARANGAY: Parating nanaman ang tag-ulan. Ang lugar na ito ay nagsisilbing catch basin at pangunahing da...
19/05/2026

PANGARAP PARA SA BARANGAY:

Parating nanaman ang tag-ulan. Ang lugar na ito ay nagsisilbing catch basin at pangunahing daluyan ng tubig mula sa Sonoma, Pag-asa, Luwasan, at Maligaya.

Bilang inyong lingkod at residente rin ng Sitio Luwasan, ramdam ko ang pangamba tuwing malakas ang ulan dahil isa tayo sa mga lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha. Marami sa ating mga kababayan ang naaabala, nawawalan ng gamit, at nasisira ang kabahayan.

Sa mga susunod na araw, magkakaroon po tayo ng malawakang paghuhukay at paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa Sitio Pag-asa upang makatulong sa mas maayos na pagdaloy ng tubig at maiwasan ang matinding pagbaha.

Ngunit para sa inyong lingkod, ang declogging at pagpapaluwag ng mga daluyan ng tubig ay pansamantalang solusyon lamang. Kaya tayo ay naghain ng mas malaking plano,ang paggawa ng malaking kanal mula Sonoma frontage, daraan sa Sitio Pag-asa hanggang Sitio Luwasan.

Ito po ay hindi biro at hindi maliit na proyekto. Isa po itong malakihang proyekto na mangangailangan ng sapat na panahon, masusing pag-aaral, at pakikipagtulungan ng ibaโ€™t ibang tanggapan upang maisakatuparan. Sa kasalukuyan, ito ay daraan pa sa pagsusuri ng Municipal Engineering Office at maaari pa pong magkaroon ng pagbabago sa plano.

Suntok sa buwan? HINDI po, ang kailangan natin ay sapat na panahon at suporta ninyo. Ang mahalaga ay mayroon na tayong malinaw na direksyon at konkretong hakbang para sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha. Patuloy po nating ilalaban ang proyektong ito dahil para ito sa kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya sa ating barangay.

Kaisa ninyo ako sa pangarap na isang flood-free na komunidad. Sama-sama po tayong kikilos para sa mas ligtas at mas maayos na kinabukasan.

SIMPLE . TAPAT. KUMIKILOS


18/05/2026

Mga kabarangay, mukhang uulan po nang malakas. Mapapawi ang init, ngunit mag-ingat po tayong lahat. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

17/05/2026

Bastaโ€™t tayoโ€™y magkakasama. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š



LOOK: Pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Seรฑor. Kasama ang Sangguniang Barangay at kanilang mga mahal sa buhay. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š
17/05/2026

LOOK: Pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Seรฑor.
Kasama ang Sangguniang Barangay at kanilang mga mahal sa buhay. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š



KABATAAN NG PAGBABAGO! ORAS NA! ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š
16/05/2026

KABATAAN NG PAGBABAGO! ORAS NA! ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

MGA KABATAAN NG PAGBABAGO, ORAS NA PARA IPARINIG ANG ATING BOSES! โœŠ๐Ÿ’š

Hindi kailangang mayaman.
Hindi kailangang sikat.
Hindi kailangang galing sa makapangyarihang pamilya para marinig.

Ang kailangan natin ay TAPANG para tumayo at magsalita para sa tama.

Ilang taon nang paulit-ulit ang iisang apelyido at pamilya sa pwesto. Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, magsimula tayo sa pagiging mulat, matapang, at handang kumilos.

Sa mga simpleng kabataan na matagal nang walang boses, ito na ang panahon ninyo.
Huwag hayaang iba ang magdesisyon para sa kinabukasan natin.

MAGPAREHISTRO. MAKIALAM. MAKIBAHAGI.
Dahil ang kabataan ang tunay na lakas ng pagbabago. ๐Ÿ’š




Congratulations, Santa Cruz Netizens! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’šNarito po ang tatlong nanalo ng โ‚ฑ1,000 bawat isa sa ating palarong:โ€œBakit Import...
15/05/2026

Congratulations, Santa Cruz Netizens! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’š

Narito po ang tatlong nanalo ng โ‚ฑ1,000 bawat isa sa ating palarong:

โ€œBakit Importante ang Katapatan ng Isang Leader?โ€

AGREE po ba kayo sa kanila mga kabarangay, gusto po namin kayo marinig. ๐Ÿ’š

Sa nalalapit na pagtatapos ng voters registration, malinaw nating narinig ang mga boses at saloobin ng ating mga kabarangay. Ito ang mga bagay na AYAW na nilang makita sa isang lider:

โ€ข Kawalan ng katapatan
โ€ข Paglustay ng pondo para sa flood control at iba pang proyekto
โ€ข Korapsyon o pagnanakaw ng pondo ng bayan
โ€ข Pagsisinungaling sa tao
โ€ข Panloloko sa nasasakupan
โ€ข Hindi pagtupad sa pangako
โ€ข Pagiging sakim sa pera o kapangyarihan
โ€ข Pag-una sa personal na interes kaysa sa mamamayan
โ€ข Paninisi sa iba kahit sariling kasalanan
โ€ข Pagtatago ng mali o kawalan ng transparency
โ€ข Kawalan ng disiplina
โ€ข Kawalan ng malasakit sa tao
โ€ข Paggawa ng โ€œghost projectsโ€ o mga proyektong hindi natatapos

Sa bawat komentong inyong ibinahagi, isang bagay ang malinaw:

GISING NA TAYO. NATUTO NA TAYO.

Hindi na sapat ang matatamis na salita at magagandang pangako. Ang kailangan natin ay lider na may tunay na malasakit, katapatan, at tamang serbisyo.

๐Ÿ’š Ang tunay na lider, inuuna ang bayan bago ang sariling interes.
๐Ÿ’š Ang tunay na lider, gawa muna bago salita.
๐Ÿ’š Ang tunay na lider, tapat sa tao at sa tungkulin.
๐Ÿ’š Ang tunay na leader ay SIMPLE, TAPAT, KUMIKILOS

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Patuloy nating gamitin ang ating boses para sa mas maayos, mas tapat, at mas magandang kinabukasan ng Santa Cruz. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’š

Note: Winners, please message the page to claim your cash prize. ๐Ÿ’š



LOOK: Fire Incident Inside Sonoma ๐Ÿš’๐Ÿ”ฅZero casualty, one house affected.Salamat sa mabilis na pagresponde ng ating Municip...
14/05/2026

LOOK: Fire Incident Inside Sonoma ๐Ÿš’๐Ÿ”ฅ

Zero casualty, one house affected.

Salamat sa mabilis na pagresponde ng ating Municipal BFAP.

Mga kabarangay, ingat po tayo palagi.

TINGNAN: SONOMA GARBAGE COLLECTION ISSUENagkaroon po ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng Sonoma Homeowners at APEC Repr...
14/05/2026

TINGNAN: SONOMA GARBAGE COLLECTION ISSUE

Nagkaroon po ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng Sonoma Homeowners at APEC Representative sa ating barangay kaugnay ng suliranin sa basura.

Sa pagtutulungan ng bawat panig, napagkasunduan na po ang isang PANGMATAGALAN na solusyon para maresolba ang problemang ito para sa kapakanan ng buong komunidad. Ito po ay idadaan sa tamang proseso at magkakaroon ng mga susunod na paghaharap.

Bilang barangay, tungkulin po nating mamagitan, makinig, at kumilos sa bawat usaping may kinalaman sa kaligtasan, kalinisan, at kapakanan ng ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa homeowners at APEC!

Simple. Tapat. Kumikilos. ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š


Address

Santa Cruz
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category