01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 PARADE AND KICK-OFF
Matagumpay na isinagawa ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 Parade and Kick-off bilang hudyat ng sama-samang paghahanda para sa panibagong taong panuruan. Sa pakikiisa ng mga g**o, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad, muling naipakita ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating paaralan.
Ang makulay na parada ay sumasalamin sa ating dedikasyon at suporta sa edukasyon, habang ang kick-off program ay nagsilbing inspirasyon upang higit pang mapalakas ang pagtutulungan para sa isang ligtas, maayos, at handang paaralan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, lakas, at suporta. Sama-sama nating buuin ang mas magandang kinabukasan para sa bawat mag-aaral.