DepEd Tayo-Youth Formation -Teodoro Hernaez National High School

DepEd Tayo-Youth Formation -Teodoro Hernaez National High School This is the official page of the Learner Formation Programs of THNHS

Teodorians, handa na ba kayong magpasiklab? Handa na ba kayong ipakita ang galing ng inyong mga salita, angking talento,...
25/09/2025

Teodorians, handa na ba kayong magpasiklab? Handa na ba kayong ipakita ang galing ng inyong mga salita, angking talento, at pagmamahal sa mga g**o? Ngayong Buwan ng mga G**o 2025, panahon na para iparinig, ipakita, at ipagmalaki ang husay ninyo!

Inaanyayahan namin kayong makilahok sa mas masigla at mas pasabog na selebrasyon sa pamamagitan ng mga inihandang paligsahan:

• Tulaan Pasiklaban: A Spoken Word Poetry Contest
• Teacher mo, I-Flex mo: A Photography Contest
• Cher Mo Lang?: A Vlog-Making Contest

Ang mga mekaniks at alituntunin ng bawat paligsahan ay nakalagay sa caption ng bawat larawan.

Ano pang hinihintay mo? Tara na, sali na, at sama-sama nating gawing makulay at makabuluhan ang ating pagdiriwang!


***
🎨 Camille Ruth Suyat
✍️ Szean Justine Abarquez

THNHS kicks off National Teachers’ Month 2025with heartfelt tributesTeodoro Hernaez National High School (THNHS) formall...
09/09/2025

THNHS kicks off National Teachers’ Month 2025
with heartfelt tributes

Teodoro Hernaez National High School (THNHS) formally launched the celebration of National Teachers’ Month 2025 yesterday through a simple yet meaningful program initiated by the Learner Government Program (LGP).

The ceremony began with the unveiling of the NTM 2025 banner which signified the official start of the month-long celebration dedicated to honoring teachers.

The launching highlighted the school community’s gratitude to the teaching and non-teaching staff, including practice teachers, through various acts of appreciation.

A special rendition of the song “Salamat” was dedicated to them which filled the covered court with heartfelt emotions.

As a token of gratitude, the LGP prepared free coffee and arroz caldo for all honorees. In addition, thank-you letters were personally given to teachers and staff as expressions of the learners’ appreciation for their dedication and service.

The event was warmly received by the faculty and staff, who expressed joy over the thoughtful gestures of the learners.

“We truly appreciate the efforts of our learners. Their simple yet sincere gestures made us feel valued and reminded us why we continue to dedicate ourselves to teaching,” said Mormoray Gabor, one of the teachers of THNHS.

The launching also marked the beginning of a series of activities that will continue throughout the month in line with the nationwide celebration.

With its theme of honoring teachers’ noble contributions, the THNHS celebration seeks to strengthen student–teacher bonds and recognize their vital role in shaping future leaders.



***
📸 Mark Evesen Raras, James Noah Dauz & John Vinshed Raras
✍️ DCuencaJr.

LATHALAIN | Sa Bawat Lente: Sandekadang Serbisyo, Libong Buhay ang NabagoSa katahimikan ng umagang binabalutan ng hamog,...
05/09/2025

LATHALAIN | Sa Bawat Lente: Sandekadang Serbisyo, Libong Buhay ang Nabago

Sa katahimikan ng umagang binabalutan ng hamog, tila isang hudyat ang bumubungad—ang pulang sasakyan na marahang humihimpil sa silangang bahagi ng paaralan, wari’y nag-iiwan ng bakas ng apoy na muling magpapaalab sa araw ng bawat g**o at mag-aaral.

Sa loob ng sampung taon, ang bawat pagdating ni G. Danilo C. Quitoriano, 59 taong gulang at punong-g**o ng Teodoro Hernaez National High School, ay nagsilbing hudyat ng panibagong umaga lalo na’t ang pulang sasakyan nito ay waring salamin ng apoy sa kanyang puso—matatag, maalab, at laging handang umagapay.

Sa isang dekadang serbisyo at pamumuno sa THNHS, ilang lente na ang humusga’t pumuri sa kakayahan niya bilang isang pinunong walang ibang hinangad kundi ang makitang mamayagpag ang kaniyang paaralan sa iba’t ibang aspeto at larangan.

Karangalan at Pagsubok: Sa Perspektibo ng Kapwa G**o

“Si Sir Danny ay visionary, demanding but humble at isang transformative na leader.” Ganito ilarawan ni Gng. Maria Novena H. Sarmiento, Head Teacher III ng THNHS, si Sir Danny sa loob ng sampung taon nilang pagsasama bilang mga g**o.

Enero taong 2015, nang muling magtagpo ang kanilang mga landas sa parehong paaralan kung saan sila nanunungkulan ngayon.

Salaysay ni Gng. Sarmiento, bago pa man sila maging magkatrabaho ay magkakilala na sila lalo’t magkaibigan at parehong kasapi ng organisayong Guardians of Luzon ang kaniyang ama at si Sir Danny. Dahilan kung bakit mabilis din silang nagpalagayan ng loob.

“Isang pagsubok at karangalan na makasama ko siya sa trabaho,” saad niya nang tanungin siya kung anong uri ng katrabaho si Sir Danny.

Dalawang beses nang naihalal si Sir Danny bilang pangulo ng School Heads and School Administrators Association of Schools Division of Ilocos Sur at pinarangalan bilang “Outstanding School Head” noong 2018.

Bagaman malayo na ang narating ni Sir Danny, ayon kay Gng. Sarmiento, hindi mahalaga para sa kaniya ang pagsulong ng kaniyang posisyon, higit na mahalaga rito ang pagtanggap ng mga g**o at mga naninilbihan ng mga bagay na nararapat para sa kanila.

Sa kabila ng ilang hindi pagkakaintindihan bunga ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, nahahanapan pa rin nila ng paraan upang maisantabi ang kanilang hindi pagkakatulad sa ngalan ng kanilang katungkulan bilang mga g**o.

Saan man, Kailan man: Sa Paningin ng Bawat Mag-aaral

Mag-aaral → Praktikanteng G**o → Lisensyadong Tagapagturo — real quick!

Saksi si Bb. Lhea Gorospe, 26 taong gulang, ngayo’y g**o na sa THNHS, sa namumukod-tanging pamamahala ni Sir Danny bilang isang punong-g**o.

"Si Sir Danny ay isang punong-g**o na madaling lapitan, matulungin, at tunay na namumukod-tangi. Hanggang ngayon na isa na akong g**o, hindi siya kailanman nagbago," salaysay ni Bb. Gorospe habang minumutawi ang mga panahong ginugol niya sa ilalim ng pamumuno ni Sir Danny.

Unang nagkakilala si Bb. Gorospe at Sir Danny noong siya ay isa pa lamang mag-aaral ng ika-10 baitang at unang taon noon ng panunungkulan ni Sir Danny bilang punong-g**o. Sampung taon na ang nakalilipas ngunit nananatili pa rin ang mga aral at inspirasyong tila naging marka na ng kanilang mala-roller coaster na samahan.

"Noong 2019, isa pa lamang akong practice teacher sa THNHS at siya pa rin noon ang punong-g**o. Sa panahong iyon, nagduda ako kung kakayanin ko ba ang mga hamon sa pagiging lisensyadong g**o, ngunit binigyan kami ng inspirasyon ni Sir Danny," dagdag ni Bb. Gorospe bilang pasasalamat sa suportang kaniyang natanggap.

Saan man, kailan man, hindi matatawaran ang papel na ginampanan ni Sir Danny sa pagkamit ng mga pangarap ni Bb. Gorospe—mula noong iniwan niya ang THNHS hanggang sa muli niya itong binalikan at pagsilbihan bilang isang ganap na lisensyadong g**o.

Haligi’t Sandigan ng Tahanan: Sa Imahen ng Pamilya

“Hindi lang siya pinuno ng paaralan, siya rin ang haligi ng aming pamilya,” pagbabahagi ng kaniyang anak na si Gng. Jesusa Lynn Q. Reyes, isang ganap na nars. Para sa kaniya, higit na nakikita ang ama hindi sa kaniyang posisyon kundi sa paraan ng paggabay at pagbibigay-lakas sa kaniyang mga minamahal.

Sa tahanan, si Sir Danny ay hindi lamang tagapayo kundi kaagapay. Mula sa mga simpleng pag-uusap hanggang sa malalaking desisyon, pinapakita niya na ang tunay na ama ay nakikinig, umuunawa, at laging inuuna ang kaniyang pamilya.

“Si Danilo ay hindi lamang asawa; siya ang aking kaagapay at sandigan,” ani ng kanyang kabiyak. Sa kabila ng mga pagsubok ng kanilang buhay mag-asawa, nananatili siyang tapat at matatag na katuwang at kaagapay nito sa buhay.

Sa kanilang tahanan, malinaw kung sino siya: isang huwarang ama at mapagmahal na asawa ngunit higit sa lahat, si Sir Danny ang nagsisilbing haligi ng pamilya—ang ilaw at gabay na patuloy na nagbibigay ng lakas at pag-asa.

Bagaman umuunlad at patuloy na namamayagpag ang THNHS, mananatiling hitik ang bawat sulok nito sa bunga ng lahat ng aral at inspirasyong ipinupunla ni Sir Danny. Lagi’t laging hudyat ang bumubungad niyang pulang sasakyan na siyang nag-iiwan at patuloy na mag-iiwan ng bakas—tanda ng kaniyang pagiging matatag bilang pinuno, g**o, at ama sa lahat ng gustong matuto.

**o

🎨Camill Ruth Suyat
✍🏻Szean Justine Abarquez, Dyhen Hemerald Ramilo, Jhoana Lharisse Palencia, & Prince Darell Quitoriano

Uyy, Teodorians! Ano? Babad na babad na kami rito oh. Huyyy, ano raw?! Ano pa ba—DP Blast na!⚡🔥THNHS Intramurals 𝗗𝗣 𝗕𝗹𝗮𝘀...
03/09/2025

Uyy, Teodorians! Ano? Babad na babad na kami rito oh. Huyyy, ano raw?! Ano pa ba—DP Blast na!⚡🔥

THNHS Intramurals 𝗗𝗣 𝗕𝗹𝗮𝘀𝘁 is finally here!🏆

It’s that time of the year again—where school pride, teamwork, and unforgettable memories take center stage! Whether you’re on the court, leading the cheers, or just vibing with friends, every Teodorian has a part to play in making this year’s intramurals legendary. 💯🎽

The wait is over! Bring out your energy, your loudest cheers, and your unstoppable spirit because the games are about to kick off. From the courts to the bleachers, let’s show everyone what true Teodorian pride really looks like. 💪🔥🙌

🖼️ Click this link for Grade 7-Knights: https://twibbo.nz/7knights

🖼️ Click this link for Grade 8-Fighters: https://www.twibbonize.com/fighterss

🖼️ Click this link for Grade 9-Dragons: https://www.twibbonize.com/9dragons

🖼️ Click this link for Grade 10-Warriors: https://www.twibbonize.com/warriorsss

🖼️ Click this link for Grade 11-Wolves: https://twibbo.nz/wolvess

🖼️ Click this link for Grade 12-Stallions: https://twibbo.nz/stallion

Use this Caption:

Hey everyone! 🙌 I’m [Name] from [Grade Level], and I’m proud to stand with Team [Batch Name]! 🏐🏀⚽

Quick show of hands—are you ready to feel the energy? 🔥💪 Every cheer, every game, every moment counts, and we’re bringing all our passion and pride to the court! 💯

[Grade Level], are you with us? Let’s rise, let’s shine, and let’s show everyone that nothing can stop [Batch Name]! 🚀✨ Win or lose, we stand together, we fight together, and we leave it all on the field! 🦅💎👑

So get loud, get hyped, and let’s make this intramurals unforgettable! Who’s ready? 👀🙌

🖼️: Angelica May Lanas & Jharade Usher Rous
✍️: Szean Justine Abarquez

UNITY BUILDS TRIUMPHEight sections have been honored today as Top Sections by the Learner Government Program for excelli...
01/09/2025

UNITY BUILDS TRIUMPH

Eight sections have been honored today as Top Sections by the Learner Government Program for excelling in waste segregation and classroom cleanliness, based on the results of the August classroom monitoring. They proved that discipline and responsibility are not just rules, but values in action.

This recognition highlights teamwork, commitment, and the power of small, consistent efforts to create lasting change. By setting the standard, these sections inspire others to follow.

CONGRATULATIONS!💫



***
📸 Evesen Raras, Committee on Documentation
✍️ Szean Justine Abarquez, SSLG President

“Quen and I broke up.” 😱 Yes, LizQuen ended 3 years ago… pero Hephep! Stop the chika muna 📢. Huwag mong hayaang makipag-...
19/08/2025

“Quen and I broke up.” 😱 Yes, LizQuen ended 3 years ago… pero Hephep! Stop the chika muna 📢. Huwag mong hayaang makipag-break ang mataas na grades sa’yo 📉.

“He was my first love.” 💔 But tomorrow, Teodorians, it’s time for your FIRST Quarterly Examination ✍️.

My Ex and Whys? 🤔 Nope. Ang totoong tanong: “Am I ready for the exam?” 📚

✨ Be truthful. Be honest. Do your best. Good luck, Teodorians! 🍀

***
✍️Szean Justine M. Abarquez
🎨Camill Ruth Suyat

18/08/2025

Sa bawat titik at ponolohiya ng ating wika, humahabi ng himig ang ating bayan- himig na sumasayaw sa hangin at kumakanta sa gunita ng lahi.

Kaya’t ngayong Buwan ng Wika, halina’t samahan ninyo kami sa isang paglalakbay na magpapaalaala kung bakit mahalaga ang wikang pambansa at mga wikang katutubo hindi lamang bilang pagkakakilanlan, kundi bilang gintong hibla na nagdurugtong sa puso at diwa ng bawat Pilipino.

Address

Santa Lucia
2712

Telephone

+639219245114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Youth Formation -Teodoro Hernaez National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo-Youth Formation -Teodoro Hernaez National High School:

Share