13/02/2026
LATE POST!
Isang taos-pusong pagbati para sa matagumpay na pagdaraos ng SK Night at Awarding Ceremony ng Volleyball League at Basketball League 2026 noong February 9, 2026! 🎉🏐🏀!
Lubos kaming nagpapasalamat sa ating masisipag at dedikadong SK Officials sa kanilang walang sawang suporta, oras, at pagsisikap upang maisakatuparan ang napakagandang selebrasyong ito. Ang gabing iyon ay patunay ng pagkakaisa, kooperasyon, at malasakit para sa kabataang atleta ng ating bayan.
Hindi lamang ito isang awarding ceremony, kundi isang gabi ng pagkilala sa sipag, tiyaga, at sportsmanship ng bawat manlalaro. Tunay na ipinakita ng ating kabataan ang kanilang talento at determinasyon sa larangan ng volleyball at basketball.
Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat din sa ating minamahal na:
HON. MAYOR NATHANIEL B**G TAN
HON. VICE MAYOR FRANCIS PONCE G. CANDELARIO
HON. JOEL REY S. BAJAS
HON. JAIME D. OSORIO
HON SK. PRESIDENT BOJO ARROJO
HON. BRGY. CAPTAIN RODOLFO M. ROQUE
BRGY. OFFICIALS OF STA. INES WEST
ng Santa Ignacia sa kanilang presensya at patuloy na suporta sa mga programang pangkabataan. Malaki ang inyong naging bahagi sa tagumpay ng ating mga liga at sa pagpapaunlad ng sports sa ating komunidad.
Maraming salamat din sa mga coaches, sponsors, organizers, at sa lahat ng mamamayan na nakiisa at sumuporta sa ating programa. Ang inyong pakikiisa ang naging susi sa matagumpay na gabing ito.
Congratulations sa lahat ng nanalo at sa lahat ng naging bahagi ng liga! 🎖️👏
Patuloy nating itaguyod ang pagkakaisa at suportahan ang kabataang may pangarap. 💙✨