12th Sangguniang Bayan ng Santa Fe

12th Sangguniang Bayan ng Santa Fe No one has become poor by sharing and giving

TINGNAN: Ginaganap ngayon, Mayo 20, 2026, 9: 00 ng umaga, ang Committee Hearing ng Oversight Committee kaugnay ng panuka...
20/05/2026

TINGNAN: Ginaganap ngayon, Mayo 20, 2026, 9: 00 ng umaga, ang Committee Hearing ng Oversight Committee kaugnay ng panukalang Fare Matrix ng Munisipyo upang mapakinggan ang opinyon at mungkahi ng iba't ibang sektor para sa mas makatarungan at maayos na pamasahe para sa ating mga residente.

18/05/2026
18/05/2026

37th Regular Session (May 18, 2026)

11/05/2026

May 11, 2026 Regular Session

04/05/2026

34th Regular Session (May 04, 2026)

Ang Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng kinauukulang Komite,, kasama ng ating Bise-Alkalde Hon. Jessie Ann "Cean" Madrid...
10/04/2026

Ang Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng kinauukulang Komite,, kasama ng ating Bise-Alkalde Hon. Jessie Ann "Cean" Madrid Punzalan , ay agarang umaksyon sa reklamong inihain ng ilang residente ng Brgy. Poblacion at ng punong-guro ng kalapit na paaralan kaugnay ng masangsang na amoy na nagmumula sa piggery ng isa sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Isinagawa ang pagdinig at konsultasyon na dinaluhan ng kinatawan ng SLP-DSWD, Presidente ng asosasyon, Barangay Kagawad, Sanitary Inspector, at ng School Head upang talakayin ang naturang concern at makabuo ng agarang solusyon na makabubuti sa komunidad at sa kabuhayan ng benepisyaryo.

Bilang resulta ng talakayan, napagkasunduan ang mga sumusunod:

1. Paglilipat ng piggery sa mas angkop at ligtas na lokasyon;
2. Tamang pamamahala at maayos na maintenance ng piggery farm upang maiwasan ang pagdudulot ng nuisance sa komunidad;
3. Tuloy-tuloy na monitoring ng DSWD at mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang pagsunod at maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.

Itinakda ng Komite ang deadline ng paglilipat ng piggery hanggang o bago Abril 10, 2026.

Patuloy ang pamahalaan sa pagtitiyak ng balanseng pag-unlad—kung saan ang kabuhayan ay pinapalago nang hindi isinasakripisyo ang kalusugan at kapakanan ng komunidad.

06/04/2026

30th Regular Session (April 06, 2026)

TINGNAN: Ang Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Committee on Transportation, ay nagsasagawa ng pampublikong pagpupulon...
01/04/2026

TINGNAN: Ang Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Committee on Transportation, ay nagsasagawa ng pampublikong pagpupulong kaugnay ng orientation at pre-planning para sa pagbuo ng Santa Fe TODA ngayong umaga, Abril 01, 2026.

Dinaluhan ito ng mga tricycle, habal-habal, at chariot owner-operators sa buong Bayan ng Santa Fe, kasama ang ating butihing Punong Bayan, Hon. Asher C. Visca.

Layunin ng gawaing ito na mas mapabuti ang organisasyon, koordinasyon, at regulasyon ng sektor ng transportasyon upang mas maayos na makapaghatid ng serbisyo sa ating komunidad.

Address

Poblacion
Santa Fe
5508

Telephone

+639813027716

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 12th Sangguniang Bayan ng Santa Fe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share