06/09/2026
Isang taos-pusong pag-abot ng kamay at agarang tulong ang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna para sa ating mga kababayang nasalanta ng sunog sa Brgy. Tuntungin-Putho, Los Baños.
Sa gitna ng pagsubok na ito, hindi kayo nag-iisa. Sa direktang bilin at mabilis na utos ng ating mahal na Gobernadora Sol Aragones , agad na kumilos ang Akay ni Gob Action Center Team upang maghatid ng paunang tulong at kalinga sa mga apektadong pamilya. Ang bawat kahon ng relief at bawat tulong na ibinahagi ay simbolo ng ating pagkakaisa at pag-asa na muling makababangon ang bawat Pamilyang nakaranas ng ganitong pagsubok ❤️
Sama-sama, kapit-kamay, at may malasakit—patuloy na aakay ang Pamahalaang Panlalawigan upang tiyaking walang maiiwan sa bawat hakbang ng inyong muling pagsisimula. Tula-tulay ang aksyon, walang kapantay na serbisyo para sa bawat Lagunense.
"Basta Gobyernong May SOLUSYON,
Handang Maglingkod ❤️"