07/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Idinaos nitong Mayo 6, 2026 sa Municipal Auditorium, Multi-Purpose Building ang pagpupulong para sa pagbubuo ng Asosasyon ng mga Mag-aalaga ng Kalabaw at Magkekeso ng Bayan ng Santa Cruz.
Layunin ng asosasyong ito na mapalakas at mapagkaisa ang sektor ng mga mag-aalaga ng kalabaw at mga gumagawa ng kesong puti upang mas mapabilis ang pagdating ng mga intervention at programang pangkabuhayan mula sa pamahalaan, lalo na mula sa Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa mga susunod na hakbang ang pagpaparehistro ng asosasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) at pagkuha ng accreditation mula sa DA upang maging mas organisado at kwalipikado sa mga proyektong pangkabuhayan at pang-agrikultura.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng asosasyon, inaasahang mabibigyan ng katuparan ang pangarap na maitayo at mapaunlad ang Carabao Dairy Farm ng Santa Cruz, gayundin ang mas maraming oportunidad at suportang may kaugnayan sa kanilang pangunahing produkto na kesong puti.
Bahagi rin ito ng paghahanda para sa nalalapit na ๐๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ข ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ, bilang pagkilala at pagpapalakas sa lokal na industriya ng kesong puti na isa sa ipinagmamalaking produkto ng Bayan ng Santa Cruz.
๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ง๐ฅ๐๐!