04/03/2026
Ngayong Marso, ipinagdiriwang sa buong bansa ang National Women’s Month bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng kasaysayan, kultura, at pag-unlad ng ating lipunan.
Ang pagdiriwang na ito ay may ugat sa pandaigdigang pagkilala sa karapatan ng kababaihan. Noong 1909, nagsimula ang paggunita sa Women’s Day sa Estados Unidos, at noong 1910 ay iminungkahi ni Clara Zetkin ang pagkakaroon ng pandaigdigang pagdiriwang para sa kababaihan. Taong 1975 naman nang opisyal itong kilalanin ng United Nations bilang International Women’s Year, at mula noon ay patuloy na lumawak ang selebrasyon sa iba’t ibang bansa.
Sa Pilipinas, ang Marso ay idineklara bilang National Women’s Month sa bisa ng Republic Act No. 6949 noong 1990, na nagtatakda rin sa Marso 8 bilang National Women’s Day. Layunin nitong kilalanin ang ambag ng kababaihan sa nation-building at palakasin ang kamalayan tungkol sa gender equality at women empowerment.
Bilang pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, ang mga g**o ng Vicenta S. David National High School ay nagsuot ng kulay lila ngayong Wednesday. Ang lila ay sumisimbolo sa katarungan, dignidad, at pagkakapantay-pantay mga adhikaing patuloy nating ipinaglalaban para sa bawat babae.
Hindi lamang ito simpleng pagsusuot ng kulay; ito ay paninindigan. Paninindigan para sa paggalang sa karapatan ng kababaihan, para sa ligtas at makatarungang komunidad, at para sa lipunang kumikilala sa kakayahan at halaga ng bawat isa.
Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas at ambag ng kababaihan noon, ngayon, at sa hinaharap. ABANTE BABAEđź’ś