BM Karla Adajar

BM Karla Adajar Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BM Karla Adajar, Government Official, Sangguniang Panlalawigan, Santa Cruz.

Sa mga kaganapan ngayon sa pambansang pulitika, mas lalo lamang napapatunayan na mabilis magbago ang ihip ng hangin.Nagb...
04/06/2026

Sa mga kaganapan ngayon sa pambansang pulitika, mas lalo lamang napapatunayan na mabilis magbago ang ihip ng hangin.

Nagbabago ang alyansa. Nagbabago ang paninindigan. May mga taong akala natin ay mananatili, ngunit kapag dumating ang pagsubok, ibang interes na ang pinipili.

Dito mas nagiging mahalaga ang prinsipyo.

Dahil ang tunay na paglilingkod ay hindi dapat nakasandal sa kung sino ang malakas ngayon, kung saan ligtas ang posisyon, o kung ano ang makakatulong sa sariling ambisyon.

Ang termino ng isang politiko ay natatapos, ngunit ang epekto ng kanyang mga desisyon ay pinapasan ng taumbayan.

Sa kabila ng lahat ng kaganapang nangyayari, sana huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa halip, mas lalo nating itulak ang pag-unawa ng mamamayan sa prinsipyo, batas, karapatan, at pananagutan.

Dahil isa sa pinakamalaking kasalanan ng pulitiko ang gustuhing panatilihing hindi mulat ang Pilipino — sanayin ang tao na umasa lamang, sa halip na umunawa; tumanggap lamang, sa halip na magtanong; sumunod lamang, sa halip na manindigan.

Sana dumating ang panahon na mas marami pang Pilipino ang pipili ng mga lider na hindi natatakot sa mamamayang mulat, mapanuri, at marunong maningil ng pananagutan.

Mga lider na titindig hindi para sa survival, hindi para sa sariling ambisyon, kundi para sa Pilipino.

Dahil ang tunay na paninindigan ay mas matibay kaysa anumang alyansa, at mas tumatagal kaysa pulitika.

Pray for Philippines, God bless Philippines
Pilipinas kong mahal 🇵🇭🩷🙏

KAILANGANG ALAM: Ang budget ng gobyerno, parang budget din ng pamilya.Sa bahay, bago gumastos, pinag-uusapan muna: magka...
03/06/2026

KAILANGANG ALAM: Ang budget ng gobyerno, parang budget din ng pamilya.

Sa bahay, bago gumastos, pinag-uusapan muna: magkano ang pera, ano ang uunahin, at saan ito gagamitin.

Ganoon din sa gobyerno.

Ang AIP o Annual Investment Program ay taunang plano ng mga programa at proyektong popondohan.

Ang SAIP o Supplemental Annual Investment Program naman ay dagdag o pagbabago sa planong iyon kapag may bagong pangangailangan, emergency, savings, o bagong pondong kailangang gamitin.

Pero tandaan: kahit nasa AIP o SAIP, hindi ibig sabihin puwede na agad gastusin.

Kailangan pa rin ng dokumento: source of funds, certification na available ang pondo, project details, costing, legal basis, at implementing office.

At bago magamit ang pera ng bayan, kailangan pa rin ng Appropriation Ordinance o legal na pahintulot sa budget.

Kaya kapag nagtatanong ang Sanggunian, hindi iyon pagharang. Iyon ay pagbabantay.

Suporta sa programa, oo.
Blind approval, hindi.

Dahil ang maayos na proseso, proteksyon ng mamamayan.

Ang pinakamalaking pagkakamali ng pulitiko ay maliitin ang talino ng mamamayan.

TULONG NA MAY GABAY, SERBISYONG MAY DIGNIDADMay mga usaping hindi madaling tutukan, pero lubhang mahalagang pakinggan.Ka...
03/06/2026

TULONG NA MAY GABAY, SERBISYONG MAY DIGNIDAD

May mga usaping hindi madaling tutukan, pero lubhang mahalagang pakinggan.

Kadalasan, ang mga taong nasa ganitong sitwasyon ay hindi alam kung anong ahensya ang lalapitan, o paano dadaanan ang proseso ng batas para maiayos ang kanilang kalagayan at maiangat ang antas ng kanilang buhay.

Dito natin mas nakikita na maraming anyo ang pagtulong.

May tulong na agaran. May tulong na nangangailangan ng pasensya, gabay, legal na pag-unawa, at malalim na pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno — para ang taong naliligaw sa sistema ay hindi tuluyang maiwan.

Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga tao bilang bahagi ng ating mandato. Dahil para sa atin, ang programa ay nagsisimula sa pakikinig sa tunay na pangangailangan, sa tunay na sitwasyon, at sa tunay na hirap na madalas hindi nakikita sa ibabaw.

May mga trabahong tahimik na ginagawa — ang ayusin ang proseso, ilapit ang tamang ahensya, at samahan ang mga taong hindi alam kung paano magsisimula.

Para sa atin, serbisyo publiko ang tumulong hindi lang sa biglaang pangangailangan, kundi sa pag-angat ng buhay nang may dignidad, direksyon, at tunay na solusyon 🇵🇭

COA UNQUALIFIED OPINION: BUONG REPORT, TAMANG CONTEXTCongratulations sa Provincial Government of Laguna sa inilabas na p...
01/06/2026

COA UNQUALIFIED OPINION: BUONG REPORT, TAMANG CONTEXT

Congratulations sa Provincial Government of Laguna sa inilabas na publication tungkol sa COA Unqualified/Unmodified Opinion.

Kung ang tinutukoy ay ang Annual Audit Report for the year ended December 31, 2025, ibig sabihin CY 2025 ang sakop nito.

At kung CY 2025 ang sakop, buong audit year po iyan — January 1 hanggang December 31, 2025.

Sa ilalim ng Section 43(a) ng Local Government Code, ang termino ng local elective officials ay nagsisimula at noon of June 30.

Ibig sabihin, ang 2025 audit year ay nadaanan ng dalawang pamunuan:

Former Governor Ramil Hernandez — January 1 hanggang noon of June 30, 2025

Governor Sol Aragones — noon of June 30 hanggang December 31, 2025

Kaya congratulations sa buong Provincial Government of Laguna, sa leadership ni Former Gov. Ramil Hernandez, at kay Gov. Sol Aragones sa audit year na nasaklaw.

Pero linawin natin, ang COA Unqualified/Unmodified Opinion ay hindi automatic na ibig sabihin ay “walang anomalya,” “walang findings,” o “wala nang puwedeng tanungin.”

Ang ibig sabihin nito ay, ayon sa konklusyon ng auditor, ang financial statements ay fairly presented in all material respects base sa applicable accounting framework.

Magkaiba po ang COA audit at ang oversight function ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang COA ay nag-a-audit ng financial statements at transactions ng covered period.

Ang SP naman ay bumubusisi bago aprubahan ang panibagong pondo.

Kaya sa supplemental budget, SAIP, at supplemental funds, kailangan pa rin ang attachments, breakdown, project list, legal basis, at kaukulang appropriation documents.

Hindi sapat ang “may COA unqualified opinion naman” kung ang hinihingi ay bagong approval ng pondo.

Kung bagong pondo ang hinihingi, bagong paliwanag at kompletong dokumento rin ang kailangan.

Buong report.
Tamang context.
Tamang paliwanag.

WALANG IISANG PANGALAN ANG MAY-ARI NG SERBISYO PUBLIKONgayong Lunes, magandang ipaalala: walang monopolyo ng galing sa p...
01/06/2026

WALANG IISANG PANGALAN ANG MAY-ARI NG SERBISYO PUBLIKO

Ngayong Lunes, magandang ipaalala: walang monopolyo ng galing sa paglilingkod.

Bawat administrasyon ay may sariling kwento — may tagumpay, may pagsubok, may nasimulan, may naipagpatuloy, at may kailangang pagbutihin pa.

Iba-iba rin ang panahon. May panahong mano-mano ang sistema. Ngayon, nasa panahon tayo ng teknolohiya, social media, at mas mabilis na impormasyon.

Pero kahit magbago ang panahon, may isang bagay na hindi dapat mawala, ang pananagutan.

Walang sinumang nasa pwesto ang dapat umangkin na sa kanya nagsimula ang lahat, o siya lamang ang pinakamagaling.

Dapat ding ibigay ang respeto sa mga naunang naglingkod, sa ayaw man o sa gusto natin, dahil marami sa nasimulan nila ang napapakinabangan pa rin ngayon.

Ang anumang serbisyong meron tayo ay bunga ng ambag ng marami — may nagsimula, may nagpatuloy, may nagtama, at may nag-improve.

Sa gitna ng ingay ng pulitika, may mga tahimik na dahilan kung bakit patuloy ang gobyerno, ang mga taxpayer na patuloy na nagbabayad, at ang mga kawani ng pamahalaan na araw-araw pumapasok, nagtatrabaho, at umaasang hindi sila masasagasaan ng away-pulitika.

Kaya ang programa at serbisyo ay hindi regalo ng pulitiko.

Trabaho ito.
Tungkulin ito.
Pananagutan ito.

At dapat itong gawin nang tama, simple, at tapat.

Ang mahalaga, alam ng bawat halal na opisyal ang kanyang mandato sa ilalim ng batas, at hindi naliligaw o nasilaw sa liwanag ng kapangyarihan.

Ngayong Lunes, magsimula tayo nang may pagpapakumbaba, paggalang sa mga nauna, malasakit sa mga nagpapatuloy, at pananagutan sa mga umaasa.

Dahil sa huli, ang tunay na ilaw ng paglilingkod ay hindi pangalan ng sinumang opisyal.

Ito ay ang taumbayang patuloy na umaasa, nag-aambag, at naniniwala na puwedeng maging mas maayos ang pamahalaan para sa lahat. 🩷

31/05/2026

PAULIT-ULIT NA TAYONG BINA-BALAAN NG KALIKASAN.

Noong January 8, 2026, gumuho ang landfill sa Binaliw, Cebu City. Ayon sa mga ulat, may mga namatay, nasugatan, at nawawala matapos gumuho ang bundok ng basura.

Noong February 20, 2026, nagkaroon ng trash slide sa sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga ulat, may namatay at may mga nawawala, at kalaunan ay naglabas ang DENR-EMB CALABARZON ng cease-and-desist order laban sa operator.

Noong April 10, 2026, nasunog ang Navotas Sanitary Landfill. Umabot sa maraming bahagi ng Metro Manila at karatig-lugar ang epekto nito sa usok at kalidad ng hangin.

Noong May 20, 2026, gumuho rin ang bahagi ng Davao City Sanitary Landfill sa Barangay New Carmen. Ayon sa mga ulat, may namatay, nasugatan, at nawawala.

Hindi ito simpleng balita lamang. Ito ay malinaw na babala na kapag pumalya ang landfill, hindi lang basura ang gumuguho.

Buhay ang nalalagay sa panganib. Hangin ang nalalason. Tubig, lupa, sakahan, at kabuhayan ang maaaring masira.

Kaya huwag tayong palilinlang sa pangalan.

Tawagin man itong sanitary landfill, integrated facility, eco-industrial project, waste management complex, o anumang pangalang magandang pakinggan — sa dulo, pasilidad pa rin iyan para sa pagtatambak at pamamahala ng basura.

At hindi maliit na pasilidad ang pinag-uusapan. Batay sa mga impormasyong inilalatag sa publiko at sa mga dokumentong sinusuri, ang tinututulan natin ay isang malaking pasilidad na maaaring magsilbi bilang regional landfill — isang malaking pasilidad ng basura na gustong ilagay sa lugar na may kabundukan, sakahan, tubig, at posibleng direktang epekto sa watershed at groundwater.

Mahalagang maintindihan, hindi lang emosyon ang batayan ng pagtutol dito. May legal at environmental basis ito.

Sa ilalim ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, ipinagbabawal ang pagtatayo o pagpapatakbo ng landfill o waste disposal facility sa aquifer, groundwater reservoir, watershed area, o anumang bahagi nito.

Sa ilalim ng RA 9275 o Clean Water Act, tungkulin ng Estado na protektahan ang mga anyong-tubig laban sa polusyon mula sa land-based sources.

Sa ilalim naman ng Local Government Code, Section 16, obligasyon ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang kalusugan, kaligtasan, kapakanan, at karapatan ng mamamayan sa balanseng ekolohiya.

Kaya ang tanong ay simple, Kung may mga landfill nang gumuho, nasunog, at kumitil ng buhay sa iba’t ibang lugar, bakit natin ipipilit ang isang malaking pasilidad ng basura sa kabundukan at sensitibong lugar ng Calauan?

Hindi mabubura ng magandang pangalan ang tunay na panganib.

Kapag gumuho, buhay ang delikado. Kapag nasunog, buong komunidad ang apektado. Kapag may tagas, tubig, lupa, sakahan, at kabuhayan ang masisira.

Ang panawagan natin ay malinaw:

Huwag ipilit gawing malaking basurahan ang lugar na dapat pinoprotektahan.

Hindi regional landfill ang kinabukasan ng Calauan. Hindi basurahan ang dapat itayo sa kabundukan, sakahan, at mga lugar na maaaring makaapekto sa tubig at kalikasan ng Laguna.

All credits go to the rightful owner. No copyright infringement intended. No profit is being made from this video. Check out the original by ABS-CBN News, GMA News, PTV Philippines, and News5Everywhere Youtube Channels.

⁣ ⁣

MATALINO, BUKAS AT MAY PANANAGUTAN.Hindi po pare-pareho ang trabaho ng lahat ng mga halal na opisyal.Sa ilalim ng Local ...
31/05/2026

MATALINO, BUKAS AT MAY PANANAGUTAN.

Hindi po pare-pareho ang trabaho ng lahat ng mga halal na opisyal.

Sa ilalim ng Local Government Code, RA 7160, Section 468, tungkulin ng Sangguniang Panlalawigan ang gumawa ng ordinansa, mag-apruba ng pondo, at tiyaking maayos ang pamamahala ng probinsya.

Ang pagpapatupad ng programa ay trabaho ng Executive. Ang pagbabantay sa pondo at proseso ay trabaho ng Legislative.

Kaya kapag nagtatanong ang Bokal, hindi siya kontrabida. Ginagawa niya ang mandato niya sa taumbayan.

Tandaan po natin na hindi personal na regalo ng sinumang pulitiko ang programa ng pamahalaan. Ang may-ari nito ay ang taumbayan at kami ay TAGAPANGALAGA LAMANG.

Karangalan nating muling marinig ang karunungan at pananaw ni Atty. Alberto Agra sa usapin ng Adaptive Governance.Sa pan...
30/05/2026

Karangalan nating muling marinig ang karunungan at pananaw ni Atty. Alberto Agra sa usapin ng Adaptive Governance.

Sa panahon ng mabilis na pagbabago, krisis, at limitadong pondo, mas mahalaga ang pamahalaang marunong makinig, umangkop, mag-isip ng makabagong solusyon, at managot sa bawat desisyon.

Maraming salamat, Hon. Niño Lajara, sa inisyatibo at imbitasyon sa napapanahong usaping ito. Congratulations sa matagumpay at makabuluhang programa.

Ang mabuting pamamahala ay hindi lamang tungkol sa polisiya, kundi sa malasakit, pananagutan, at kakayahang tumugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

SUPORTA SA PROGRAMA, OO. BLIND APPROVAL, HINDI.Naiintindihan ko kung bakit may ganitong mga komento. Marami pa rin ang h...
29/05/2026

SUPORTA SA PROGRAMA, OO. BLIND APPROVAL, HINDI.

Naiintindihan ko kung bakit may ganitong mga komento. Marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa trabaho ng isang mambabatas — konsehal, bokal, congressman, o senador.

Madalas, iisa lang ang tingin sa lahat ng halal na opisyal: tumulong.

Tama naman po. Pero kapag nahalal ka sa puwesto, may kaakibat itong legal na mandato at pananagutan.

Ang pag-apruba ng Annual Budget, lalo na sa simula ng bagong administrasyon, ay bahagi ng pagbibigay-suporta sa mga programa at serbisyo ng Gobernador upang makakilos ang pamahalaan.

Pero hindi po natatapos sa pag-apruba ng ₱7.3 billion 2026 Annual Budget ang trabaho ng Bokal.

Hindi po ako tahimik noon dahil wala akong pakialam. Sumusuporta ako sa programang may pondo at malinaw ang layunin. Pero kapag panibagong pondo, panibagong paggamit, o panibagong financial measure ang hinihingi, panibagong pagsusuri rin ang kailangan.

Sa loob ng isang taon, may iba’t ibang usapin sa pondo na dumaraan sa Sangguniang Panlalawigan — supplemental budget, SAIP, realignment, special funds, disaster funds, at iba pang financial measures.

Kaya mahalaga ang kumpletong attachments sa bawat budget request. Sa maraming pagkakataon, magkakaiba ang pangangailangan ng bawat sektor. At kung limitado ang pondo, marapat lamang na ito ay magamit nang masinop, matalino, legal, at malinaw.

Magkaiba ang pag-apruba ng budget at ang oversight sa aktuwal na paggamit ng pondo.

Kaya kung confident na tama ang paggastos, dapat walang ikagalit sa tanong at walang problema sa paghingi natin ng dokumento.

Ang tanong dito ay hindi lang kung naaprubahan ang budget noon, kundi, paano ginastos, saan napunta, kumpleto ba ang batayan, at tama ba ang paggamit ngayon?

Dahil ang pondong ginagamit sa mga programa ay hindi personal na regalo ng sinumang opisyal. Ito ay pera ng taumbayan.

Iyan po ang trabaho ng mambabatas: hindi lang pumalakpak, hindi lang bumoto, kundi magtanong, magsuri, at magbantay sa pera ng taumbayan.

SA GOBYERNO, WALANG SOLO ACT. Sa bawat programang nakararating sa tao, maraming kamay ang gumagalaw at maraming tao ang ...
28/05/2026

SA GOBYERNO, WALANG SOLO ACT.

Sa bawat programang nakararating sa tao, maraming kamay ang gumagalaw at maraming tao ang dapat kilalanin.

Una, ang taumbayan at taxpayers — ang ordinaryong mamamayan, manggagawa, negosyante, propesyonal, magsasaka, empleyado, at bawat Lagunense na sa buwis, bayarin, at ambag sa ekonomiya ay tumutulong bumuo ng pondo ng pamahalaan.

Dapat ding kilalanin ang mga doktor, nurses, health workers, empleyado, department heads, at iba pang kawani ng pamahalaan na araw-araw na nagsisilbi sa mamamayan.

Hindi magiging posible ang mga botika, ospital, dialysis center, laboratory services, scholarship, assistance, at iba pang serbisyong pampubliko kung wala ang pondo ng taumbayan at ang trabaho, sakripisyo, at serbisyo ng mga kawani ng pamahalaan.

Maganda po ang anumang programang tunay na nakatutulong sa tao.

Pero mahalagang malinaw sa lahat, hindi personal na regalo ng sinumang opisyal ang mga programang ito.

Sa pamahalaan, hindi ito basta desisyon ng iisang tao. May proseso. May pagpaplano. May paglalaan ng budget. May pag-apruba. May pagpapatupad. At may pagsusuri at pag-audit upang matiyak na maayos at tama ang paggamit ng pondo.

Ang Governor ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga programa. Ang Sangguniang Panlalawigan naman ang tumatalakay at nag-aapruba ng mga kinakailangang pondo, at nagsisiguro na ang mga ito ay ginagamit nang naaayon sa batas at para sa kapakanan ng publiko.

Kaya kapag may programang nagtagumpay, hindi dapat iisang pangalan lamang ang umaangkin ng kredito.

Ang tunay na bida ay ang taumbayan — dahil sila ang pinaglilingkuran, at sila rin ang pinagmumulan ng pondong ginagamit para sa mga serbisyong ito.

Serbisyo ito ng gobyerno. Tungkulin ito ng mga halal at itinalagang opisyal.

Hindi ito personal na pabor.

At higit sa lahat, pondo ito ng taumbayan — hindi regalo ng sinumang politiko.

Address

Sangguniang Panlalawigan
Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BM Karla Adajar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share