24/11/2025
Matagumpay na binuksan ang Sports Fest sa Brgy. Lapu-Lapu, Santa Cruz, Marinduque sa ganap na 9:30 AM!
Isang makulay na parada ang nagpasigla sa umaga, sinundan ng makahulugang mensahe mula sa PPSK Hon. Jhustin Rodil na nagpaalab sa puso ng bawat manlalaro. Sa tulong at pagtutulungan ng SK Lapu-Lapu sa pamumuna ni SK Chairman Tirso P. Quinto at Sanguniang Barangay Lapu-Lapu sa pamumuno ni Kapitan Ferdinand Ricafrente, naging makulay rin ang laban ng mga muse.
Isang ligtas, buhay na buhay, at makabuluhang Opening Ceremony na tunay na nagbubuklod sa kabataan at komunidad. Padayon, Lapu-Lapu—dito nagsisimula ang mas matibay na samahan at mas masiglang sportsmanship!