Laguna Public Information Office

Laguna Public Information Office Welcome to the official page of Laguna Public Information Office.
(8)

Follow us for real-time news, announcements, and heartfelt service straight from the heart of the Capitol.

Narito ang mga programang magaganap sa pagdiriwang ng Kesong Puti Festival ng bayan ng Santa Cruz.
12/05/2026

Narito ang mga programang magaganap sa pagdiriwang ng Kesong Puti Festival ng bayan ng Santa Cruz.

๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ: ๐—ž๐—˜๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ง๐—œ ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿง€โœจ

Mga Santacruceรฑo! Handa na ba kayong maki-saya sa pinaka-inaabangang pagdiriwang ng taon? Para hindi kayo mahuli sa mga kaganapan, narito ang ating opisyal na listahan ng mga aktibidad para sa Kesong Puti Festival 2026! ๐ŸŽก

Markahan na ang inyong mga kalendaryo at huwag palampasin ang bawat sandali ng saya, kultura, at sining sa ating minamahal na bayan!

๐Ÿ“… ๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿฌ๐Ÿญ (๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) โ€“ ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น ๐—ž๐—ถ๐—ฐ๐—ธ-๐—ผ๐—ณ๐—ณ
๐Ÿฒ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Kesoโ€™t Kalabaw, Get Get Aw! Carabao Parade and Paragos Design Competition
๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Launching of Kesong Puti Association and Oathtaking of Officers
๐Ÿญ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : KESOrap: Kids Cook-Off Edition
๐Ÿฏ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : Sunduan sa Kabisera: The Grand Sagala
๐Ÿณ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : Kabisera Got Talent (KGT)
โœจ Awarding of the Banderitas Making and Decoration Contest

๐Ÿ“… ๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿฌ๐Ÿฎ (๐—ง๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) โ€“ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜ & ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฒ
๐Ÿต:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Farmerโ€™s Market: From Farm to Festival
๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : Indak ng Komunidad (Inter-Barangay Festival Dance Competition)
๐Ÿ† Awarding of Poster-Making Contest

๐Ÿ“… ๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿฌ๐Ÿฏ (๐—ช๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) โ€“ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† & ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป
๐Ÿณ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Launching of the Rice Subsidy Program
๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : Festival Concert

๐Ÿ“… ๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ (๐—ง๐—ต๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) โ€“ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฒ
๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Tunog Kabisera (Kesong Puti Festival Drum and Lyre Competition)
๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— : Pyestahan sa Plaza (Palarong Pinoy)
๐Ÿฏ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— : Motorshow

๐Ÿ“ ๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ: Ang karamihan ng mga aktibidad ay gaganapin sa ating Festival Grounds (Liwasan) at Municipal Grounds.

Aura na, Santa Cruz! Ipakita ang ating pagkakaisa at pagmamalaki sa ating lokal na produkto at tradisyon. Kita-kits tayo! ๐ŸŽบ๐Ÿฅ˜๐Ÿƒ

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong Licensed Professional Teachers! Ang inyong tagumpay sa Licensure Examination ay ...
12/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong Licensed Professional Teachers!

Ang inyong tagumpay sa Licensure Examination ay patunay ng matiyagang paghahanda, disiplina, at dedikasyon sa inyong piniling propesyon. Nawaโ€™y magsilbi itong panibagong yugto ng mas mataas na antas ng kaalaman, kahusayan, at propesyonal na pag-unlad.

Muli, malugod na pagbati sa inyong tagumpay bilang mga ganap na LPTs.





12/05/2026

โ€œIsa kang magaling na reporter, pero mas magaling kang Gobernador ng Laguna. Ikaw talaga ang solusyon. Ikaw talaga ang nag-akay sa amin.โ€

Ito ang taos-pusong pahayag ng isa sa mga benepisyaryong Lagunense matapos makatanggap ng libreng laboratory tests at medical consultation mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gobernadora Sol Aragones nitong Mayo 12 sa Victory Mall Santa Rosa. Sa tulong ng Laguna Health Team, Provincial Health Office, at mga health worker, daan-daang residente ang nabigyan ng agarang tulong medikal at mahalagang gabay pangkalusugan nang walang gastusin.




Nagpahayag ng Pasasalamat ang mga Lagunense sa Libreng Laboratory Tests at KonsultasyonNaging puno ng pag-asa at ginhawa...
12/05/2026

Nagpahayag ng Pasasalamat ang mga Lagunense sa Libreng Laboratory Tests at Konsultasyon

Naging puno ng pag-asa at ginhawa ang Victory Mall Santa Rosa nitong Martes, Mayo 12, matapos makatanggap ng libreng resulta ng laboratory tests at medical consultation ang daan-daang Lagunense sa programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernadora Sol Aragones.

Isinagawa ang programa katuwang ang Laguna Health Team, Provincial Health Office, at mga health worker upang mabigyan ang mga residente ng libreng laboratory tests at konsultasyon para masubaybayan ang kanilang kalusugan at agad na mabigyan ng kaukulang payong medikal nang walang iniintinding gastusin.

Marami sa mga benepisyaryo ang nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat matapos nilang malaman ang mahahalagang detalye tungkol sa kanilang kalagayang pangkalusugan sa pamamagitan ng libreng pagsusuri. Para sa ilang residente, naging malaking pagkakataon ito upang makapagpatingin at mabigyan ng atensyong medikal na matagal nilang ipinagpapaliban dahil sa kakulangan sa pera.

Para sa buong detalye:โฌ‡๏ธโฌ‡๏ธโฌ‡๏ธ

https://laguna.gov.ph/news/lagunenses-express-gratitude-for-free-laboratory-tests-and-consultations




NGAYONG ARAW NG MARTES, MAYO 12, 2026.MAG-INGAT PO TAYO LAGUNENSE
12/05/2026

NGAYONG ARAW NG MARTES, MAYO 12, 2026.

MAG-INGAT PO TAYO LAGUNENSE





12/05/2026

Pamamahagi ng resulta ng libreng laboratory tests at pagbibigay ng konsultasyon isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernador Sol Aragones katuwang ang Laguna Health Team, Provincial Health Office, at mga health worker ngayong Mayo 12 sa Victory Mall Santa Rosa. Malaking pasasalamat ng mga Lagunense dahil nabigyan sila ng pagkakataong malaman at mabantayan ang kanilang kalusugan nang walang anumang bayarin.




Kauna-unahang Eye Center sa Laguna, Bubuksan sa Hulyo sa Calamba CityItatayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ngayo...
12/05/2026

Kauna-unahang Eye Center sa Laguna, Bubuksan sa Hulyo sa Calamba City

Itatayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ngayong Hulyo ang kauna-unahang eye center sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital sa Calamba City. Layunin nitong mapalawak ang abot kayang access ng mga Lagunense sa dekalidad na pangangalaga sa mata, kabilang ang pagsusuri, gamutan, at operasyon para sa mga sakit tulad ng catarata na isa sa pangunahing sanhi ng pagkabulag.

Ayon kay Gobernador Sol Aragones, maraming residente ang nawawalan ng paningin dahil sa hindi agad nagagamot na kondisyon at kakulangan sa pinansyal na kapasidad para sa operasyon. โ€œMalinaw pa po sa sikat ng araw na magkakaroon ng kauna-unahang eye center sa lalawigan ng Laguna,โ€ pahayag ni Aragones. Dagdag pa niya, โ€œMay solusyon na tayo ngayon dito.โ€

Para sa buong detalye:โฌ‡๏ธโฌ‡๏ธโฌ‡๏ธ

https://laguna.gov.ph/news/laguna-to-open-first-ever-eye-center-in-july-at-calamaba-city



Sama-sama nating ipagdiwang ang makulay at masaganang Piรฑa Festival sa darating na Mayo 14, 2026.Isang selebrasyon ng ku...
12/05/2026

Sama-sama nating ipagdiwang ang makulay at masaganang Piรฑa Festival sa darating na Mayo 14, 2026.
Isang selebrasyon ng kultura, kasipagan, at ang matamis na natatanging pinya na tunay na ipinagmamalaki at simbolo ng bayan ng Calauan. ๐Ÿ





๐Š๐€๐”๐๐€-๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€ ๐„๐˜๐„ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘ ๐’๐€ ๐‹๐€๐†๐”๐๐€, ๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž!
11/05/2026

๐Š๐€๐”๐๐€-๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€ ๐„๐˜๐„ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘ ๐’๐€ ๐‹๐€๐†๐”๐๐€, ๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž!

๐๐‘๐„๐€๐Š๐ˆ๐๐† ๐๐„๐–๐’โ€ผ๏ธ ๐Š๐€๐”๐๐€-๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€ ๐„๐˜๐„ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘ ๐’๐€ ๐‹๐€๐†๐”๐๐€, ๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž!๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’ฅ





Daan-daang Pamilya Nakilahok sa โ€œAkay sa May Autismโ€ Registration sa LagunaDaan-daang pamilya ng mga batang may autism a...
11/05/2026

Daan-daang Pamilya Nakilahok sa โ€œAkay sa May Autismโ€ Registration sa Laguna

Daan-daang pamilya ng mga batang may autism ang nakilahok sa Laguna Sports Complex nitong Mayo 11 habang ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pamumuno ni Governor Sol Aragones, ang registration para sa โ€œAkay sa May Autismโ€ program.

Layunin ng programa na palakasin ang suporta ng pamahalaan, palawakin ang tulong, at itaguyod ang mas inklusibong mga programa para sa mga indibidwal na may autism at kanilang pamilya sa buong lalawigan. Ipinapakita rin nito ang hangarin ng pamahalaang panlalawigan na mas mapalakas ang malasakit at maayos na pamamahala.

Para sa buong detalye:โฌ‡๏ธโฌ‡๏ธโฌ‡๏ธ

https://laguna.gov.ph/news/hundreds-of-families-join-lagunas-akay-sa-may-autism-program-registration




11/05/2026

Patuloy ang registration para sa โ€œAkay sa May Autismโ€ program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ngayong Mayo 11 sa Laguna Sports Complex sa pamumuno ni Gobernador Sol Aragones.

Layunin ng programa na palakasin ang suporta at tulong na ibinibigay sa mga indibidwal na may autism at kanilang mga pamilya. Ayon sa ilang dumalo, ito ang unang pagkakataon na nabigyan ng ganitong tuon ang kanilang sektor ng pamahalaang panlalawigan. Ipinapakita nito ang patuloy na adbokasiya ng Laguna para sa isang inklusibo at makataong pamayanan.




Address

Santa Cruz

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Laguna Public Information Office:

Share