Eightyfirst Infantry Spartan Battalion

Eightyfirst Infantry Spartan Battalion Pakikipag kaibigan sa lahat ng mamamayan
(2)

kumikilos para sa mapayapa at maunlad na lipunan

kumikilos para isulong ang pandaigdigang kapayapaan....nagtataguyod sa lahat ng mamamayan upang tayong lahat ay mamulat, makialam at makiisa

01/06/2026

๐Ÿ–๐Ÿ๐ˆ๐, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐š ๐‘๐‚๐’๐ ๐š๐ญ ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐ข๐ค๐จ๐ฅ๐š๐ง.

81IB, Ragay, Camarines Sur โ€“ Aktibong nakiisa ang mga kasundaluhan ng 81st Infantry (SPARTAN) Battalion sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Lineco S. Basas, Commanding Officer, sa isinagawang Retooled Community Support Program (RCSP) at Serbisyo Caravan noong 27โ€“28 Mayo 2026 sa Brgy. Iraya Sur at Barangay Fabrica, San Vicente, Camarines Norte, at Barangay Barcelonita, Cabusao, Camarines Sur, sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan katuwang ang ibaโ€™t ibang ahensya ng gobyerno at sektor.
Naghatid ang aktibidad ng mahahalagang serbisyo kabilang ang libreng konsultasyong medikal, pamamahagi ng gamot at bitamina, at mga programang pangkabuhayan at pang-agrikultura upang direktang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Bilang bahagi ng kanilang pakikiisa, nagsagawa rin ang 81IB ng information awareness drive at libreng gupit para sa mga mamamayan.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad, muling pinagtibay ng 81IB ang suporta nito sa mga programang nagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan.










01/06/2026

๐‚๐ข๐ฏ๐ข๐œ ๐๐š๐ซ๐š๐๐ž ๐ฌ๐š ๐‘๐š๐ ๐š๐ฒ, ๐Ÿ–๐Ÿ๐ˆ๐ ๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š

81IB, Ragay, Camarines Sur โ€“ Aktibong nakiisa ang mga kasundaluhan ng 81st Infantry (Spartan) Battalion sa isinagawang Civic Parade sa bayan ng Ragay, noong ika-25 ng Mayo 2026, kasama ang ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang nasabing aktibidad ay taunang ginaganap sa nasabing bayan bilang hudyat ng pagbubukas ng kanilang taunang fiesta na ginaganap Mula 25 Hanggang 30 ng Mayo.

Pinangunahan ni honorable Benchie G Horibata Municipal Mayor ng Ragay Kasama ang ibat ibang ahensiya katulad ng BFP, PNP, DepEd at iba pang civilian sector, nagmartsa ang mga kalahok sa pangunahing lansangan ng bayan bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at sama-samang paglilingkod sa mamamayan.

Nagbigay rin ng sigla sa aktibidad ang mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa Ragay sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal sa pagtugtog.

Pinagtibay ng naturang aktibidad ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang ligtas at maunlad na komunidad.










28/05/2026
25/05/2026

๐Ÿด๐Ÿญ๐—œ๐—• ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป

81IB Ragay, Camarines Sur- Pormal na sinalubong ng 81st Infantry (Spartan) Battalion ang kanilang mga bagong talagang tauhan sa pamamagitan ng isang unit patch pinning ceremony na isinagawa kasabay ng flag-raising ceremony noong Ika-18 ng mayo 2026 na ginanap sa Battalion Headquarters sa Barangay F. Simeon, Ragay, Camarines Sur, noong Mayo 18, 2026.

Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing simbolikong seremonya ng pagtanggap na nagmarka sa opisyal na pagsasama ng mga bagong miyembro sa pamilyang โ€œSpartanโ€ na binubuo ng limang (5) Commissioned Officers at labing dalawa (12) na Enlisted Personnel, Pinangunahan ni LTC LINECO S BASAS INF (GSC) PA, Battalion Commander ang pagkakabit ng mga unit patch bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng insignia ng yunit bilang sagisag ng karangalan, pananagutan at matatag na pagtatalaga sa misyon.

Sa mensaheng ibinigay ni LTC LINECO S BASAS INF (GSC) PA, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng dalawang bagay Disiplina at Kahusayan upang Tuparin ang bawat responsibilidad at pangako sa trabahoโ€ sa pamamagitan ng pagpapanatili ng wastong asal at pamantayan sa bawat gawaing itinalaga sa iyo.
Dagdag pa niya, bilang isang ganap na Spartan, dapat panatilihin at isabuhay ng bawat isa ang pagkakakilanlan ng yunit sa pamamagitan ng paglilingkod sa mamamayan pagprotekta sa komunidad, pagsusulong ng kapayapaan, pagpapatibay ng inisyatiba, paglaban sa mga kaaway ng estado, pagtulong sa mga nangangailangan, at pananatiling neutral at walang kinikilingan sa politika.
Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na pag papaunlad ng kakayahan at propesyonalismosa hanay ng mga kasundaluhan ng SPARTAN Battalion.










24/05/2026

81IB at mga Ahensya ng Pamahalaan, Nagdaos ng RCSP Solution-Seeking Dialogue sa Bayan ng Del Gallego at Ragay Camarines Sur

81IB, Ragay, Camarines Sur โ€” Matagumpay na isinagawa ang Retooled Community Support Program (RCSP) na may temang โ€œBaranggayan sa Bikolโ€ at ang kaugnay nitong Solution-Seeking Dialogue sa dalawang mag kahiwalay ng bayan ng Del Gallego at Ragay sa lalawigan ng Camarines Sur, bilang bahagi ng pinaigting na pagtutulungan ng pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at komunidad tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Nagsimula ang aktibidad ng maagang bahagi ng araw sa Municipal Evacuation Center, Barangay Comadogcadog sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur sa pangunguna ni Hon. Melanie Abarientos-Garcia Municipal Mayor ng Del Gallego katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinangunahan ni Provincial Director Mr. Ray B. Caceres, CESO V kasama ang kasundaluhan ng 81st Infantry (Spartan) Battalion, at ibaโ€™t ibang National Government Agencies (NGAs), upang talakayin ang mga pangunahing pangangailangan at suliranin ng komunidad gamit ang โ€œProblem-to-Solutionโ€ na pamamaraan. Kabilang sa mga priority barangays ng programa ang Barangay Caditaan, Lower Santa Cruz, at Panaytayan

Pagkatapos ng matagumpay na pagsasagawa sa bayan ng Del Gallego, lumipat naman ang pangkat patungo sa bayan ng Ragay upang isagawa ang parehong programa na ginanap sa SK Building, Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur, bandang alas dos ng hapon sa pangunguna ni Hon. Benchie G Horibata Municipal Mayor ng Ragay, at kapwa dinaluhan naman ng kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, Municipal Local Government Unit (MLGU), mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholders mula sa barangay ng Santa Rita I, Santa Rita II, at Kinalangan.

Bilang bahagi ng programa ng aktibidad, ipinaabot naman ang buong suporta at mensahe mula sa 81ST Infantry (Sparatan) Battalion sa pangunguna ni LTC LINECO S BASAS INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 81IB, ang nasabing mensahe ay pormal na ipinahayag ni MAJ FLORENT G CASILLA (INF) PA, Bn Executive Officer na kumatawan kay LTC BASAS sa nasabing aktibidad, nagbigay din ng mensahe sina Hon Melanie Abarientios Municipal Mayor ng Del Gallego, Hon. Benchie G Horibata Municipal Mayor ng Ragay, at DILG Camarines Sur Provincial Director Mr. Ray B. Caceres, CESO V. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon ng mamamayan, at mahusay na koordinasyon ng bawat ahensya upang mas epektibong matugunan ang mga pangangailangan, suliranin ng komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.

Sa kabuuan, muling pinatunayan ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa bayan ng Ragay at Del Gallego, ang kahalagahan ng Whole-of-Nation Approach na kung saan ito ay isang komprehensibo at makataong paraan ng pagtugon sa mga suliranin ng lipunan. Hindi lamang nito pinapahinto ang kaguluhan, kundi nagbibigay rin ito ng oportunidad, pag-asa, at pangmatagalang kaunlaran para sa bawat Pilipino. Ito ay patunay na ang tunay na kapayapaan ay nakakamit hindi lamang sa pamamagitan ng seguridad, kundi sa pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng buong bayan.









18/05/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ผ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ป๐—ธ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐˜๐˜€ ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ

81IB, Ragay, Camarines Sur โ€” Matagumpay na isinagawa ang seremonya ng donning of ranks para sa mga nagtapos ng Cadet Officer Qualifying Course (COQC) Class 02-2025, kasabay ng pagtatapos ng ROTC School Year 2025โ€“2026 noong Mayo 15, 2026 sa Afelor Senior Memorial College sa Del Gallego, Camarines Sur.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Lt. Col. Arnel D. Fabriaga OS (GSC) PA, Director ng 502nd Community Defense Center (CDC), 5th Regional Community Defence Group (RCDG), Reserve Command (RESCOM), PA, kasama si Lt. Col. Lineco S. Basas INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 81IB.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Lt. Col. Fabriaga ang kahalagahan ng disiplina, responsibilidad, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Ang seremonya ay nagsilbing pagkilala sa dedikasyon ng mga kadete at panibagong hakbang bilang mga kabataang handang maglingkod at maging tagapangalaga ng kapayapaan sa kanilang komunidad.









13/05/2026

๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฑ, ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐—œ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜†

81IB, Ragay, Camarines Sur โ€” Opisyal nang idineklara ang pagkamit ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa bayan ng Basud noong ika-12 ng Mayo 2026 sa isang seremonyang ginanap sa Function Hall ng New Sports Complex ng nasabing bayan.

Pinangunahan ang programa ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Shunn Fredereck Davoco, katuwang ang 81st Infantry (SPARTAN) Battalion, 902nd Infantry (Fight and Serve) Brigade, Philippine National Police (PNP), at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang deklarasyon ng SIPS ay patunay ng matagumpay na kolaborasyon ng ibaโ€™t ibang sektor, kabilang ang kasundaluhan, kapulisan, mga ahensya ng gobyerno, at mga mamamayan, upang makamit at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar. Ipinakikita rin nito ang kakayahan ng komunidad na labanan ang mga banta sa seguridad at ang kanilang kahandaan tungo sa patuloy na pag-unlad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Davoco na ang tunay na kaunlaran ay hindi makakamtan kung walang matatag na kapayapaan at katahimikan. Aniya, ang seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng mga kinauukulan at mga tagapagpatupad ng batas, kundi tungkulin din ng bawat mamamayan.

Nagtapos ang seremonya sa simbolikong pagpapalipad ng mga lobo at kalapati bilang tanda ng pagkakaisa at patuloy na adhikain para sa matatag na kapayapaan at seguridad.










10/05/2026

๐—œ๐—ž๐—” - ๐Ÿญ๐Ÿณ ๐—ง๐—”๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—š๐—œ๐—ก๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐Ÿด๐Ÿญ๐—œ๐—•

Isang makasaysayan at makabuluhang araw Ang naganap noong May 9, 2026 sa himpilan ng 81st Infantry (SPARTAN) Battalion, 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army, sa Sitio Pugod, Barangay F. Simeon, Ragay, Camarines Sur, sa pagdiriwang ng ika 17th taong anibersaryo na may temang " PARA SA BAYAN KAPAYAPAAN AT KAUNLARAN"
Buong pusong nakiisa Ang mga bawat Kumpanya sa isinagawang aktibidad na lalong nagpatibay ng pagkakaisa, disiplina at dedikasyon ng bawat spartan troopers. Dumalo rin bilang pangunahing panauhin si Colonel Rodito A Gotladera GSC (INF) PA, Executive Officer ng 902nd Infantry Brigade, Philippine Army, isa rin sa naging panauhing pandangal si Honorable Benchie G Horibata, Municipal Mayor ng Ragay, Camarines Sur, ang kanyang presensya ay lalong nagbigay ng dagdag na inspirasyon.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel Lineco S Basas INF (GSC) PA, pinuno ng Spartan troopers, โ€˜โ€™Ang padirawang na ito ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi pagpapatatag sa serbisyo at pagpapatibay ng samahan ng bawat spartan troopers.โ€

/Cam Norte







10/05/2026

๐Ÿ‘ ๐๐๐€ ๐’๐”๐Œ๐”๐Š๐Ž ๐’๐€ ๐‘๐€๐†๐€๐˜, ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐†๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐Œ๐€๐’ ๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐“๐€

Address

Fort Magsaysay, 7ID
Ragay
2713

Telephone

+639364609163

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Eightyfirst Infantry Spartan Battalion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Eightyfirst Infantry Spartan Battalion:

Share