04/04/2026
https://www.facebook.com/share/p/1YFzQcwSkC/
ππππ ππππ, ππππππππππ-π
ππππππ πππππππ, πππππππππ ππ ππ ππππ ππππππππππππ ππ ππππππ ππ
ππππππ!
Pinayagan na ng gobyerno ng Iran ang mga Philippine-flagged vessels na makapasok at makalabas sa Strait of Hormuz, kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro sa tanggapan ni Sen. Idol Raffy Tulfo ngayong araw, April 2.
Ang Strait of Hormuz ay tinaguriang major oil transit route sa daigdig kaya ang pagsasara ay nagdulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa ibaβt-ibang bansa sa mundo, kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Sec. Lazaro, nagkaroon sila ng produktibong pag-uusap ni Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi via phone call at natalakay din nila ang iba pang bilateral efforts sa pagitan ng Iran at Pilipinas.
Sa nasabing phone conversation, binigyang-diin umano ni Sec. Lazaro na tiniyak ni Araghchi na simula bukas ay malaya at hindi na pipigilan na makapaglayag ang mga Philippine-flagged vessels sa Strait of Hormuz kasama na rito ang lahat ng Filipino seafarers.
Matatandaan na noong April 1 ay nauna nang nakipagpulong sina Lazaro at Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin kay Iranian Ambassador to the Philippines H.E. Yousef Esmaeilzadeh kung saan napag-usapan ang pagpapalalim ng energy cooperations sa pagitan ng dalawang bansa.
Ipinaliwanag din ni Sec. Lazaro ang magiging proseso upang maisakatuparan ang ligtas na pagdaan ng mga barkong Pilipino sa Strait of Hormuz.
Ayon sa kanya, magsusumite muna ang isang vessel ng request for passage sa kaukulang ahensya gaya ng DOE at Maritime Industry Authority (MARINA), lalo na kung may kargang langis ang sasakyang-dagat, na ipapadala naman ng nasabing ahensya sa DFA.
Ang DFA naman ang magpapasa ng kahilingan sa Embahada ng Iran sa Maynila at ang Iranian Foreign Minister, na counterpart ni Sec. Lazaro, ang maghahain ng kahilingan sa Iranian military.
At kapag naaprubahan, maglalabas ng βgo signalβ ang Iranian military upang pahintulutan ang barko na makadaan sa Strait of Hormuz.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, ikinatuwa ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang development na ito na nagpapakita lamang ng pagpapahalaga ng ating gobyerno sa kapakanan ng ating mga seafarers, upang hindi maantala ang kanilang trabaho at kilalanin ang kanilang karapatang makapaglayag ng ligtas (Right to Safe Passage) ayon sa Magna Carta of Seafarers.
Patuloy ang koordinasyon ng Opisina ni Sen. Raffy sa DFA at DOE para sa mga updates at developments ukol sa balitang ito.
Gayundin, hangad ni Sen. Raffy na tuluyan nang magwakas ang sigalot sa gitnang silangan nang sa gayon ay tuluyan nang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo na labis na nagpapahirap partikular na sa mga nasa sektor ng agrikultura at transportasyon.