Youth Development Affairs Office of Laguna

Call Directions Website Contact the organization

Youth Development Affairs Office of Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Youth Development Affairs Office of Laguna, Public & Government Service, Provincial Capitol Compound, San Luis Building, Santa Cruz.

10/10/2026

𝐖𝐨𝐫π₯𝐝 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚π₯ π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 πƒπšπ² | πŽπœπ­π¨π›πžπ« 𝟏𝟎, πŸπŸŽπŸπŸ”

Hi bes,

Musta? Naks! Last year lang, nadaanan mo yung post ko sa World Mental Health Day. Akalain mong nandito na naman tayo ulit?

Ngayong taon, ang tema naman ay patungkol sa pakikinig ng mga totoong karanasan ng mga taong may pinagdadaanan. In short, kwento natin. Haha. Akalain mong may tema na tungkol sa atin? Main character 'yan? At least, kahit man lang sa isang araw ay may nakalaan pala sa ating mga may struggle.

Anyway, sa sobrang busy at nagmamahalan na bilihin, sana nagkakaroon ka pa rin ng pagkakataon na maramdaman ang sarili mong tao ka. Lagi ka na lang umiintindi ng iba. Sarili mo naman kaya? Bilang kaibigan mo, nag-aalala lang ako sa'yo ha. Hinahanap mo lagi na magkaroon ng tahanan sa iba. Naghahanap ka pa sa malayo, nandito lang kaming mga kaibigan mo. Saka sana mahanap mo rin ang tahanan na gusto mo sa'yong sarili.

Sana sa kabila ng pagod at ingay ng mundo, nakakahanap ka ng panahong mapakinggan ang sarili. Sana manatili kang mabuti at mapagpasensiya sa tulad ng isang kaibigang laging nandiyan para sa'yo. Parang ako? Hehe.

Hinihiling ko na sana makita mo ang sarili na proud sa lahat ng mga maliliit at malalaking bagay na nakamit mo kasi ako...proud ako sa'yo. Nakakaproud ka. Every year, may growth ka. Sana nakikita mo rin. Sana na-appreciate mo rin.

Sana ha? Sana lahat ng sanang ito gagawin mong totoo, kahit paunti-unti, kahit may iniindang sakit. Kasi para saan pa ang bukas kung hindi kita ulit makakausap tulad nito? Di ba? Oh siya. Hanggang sa susunod ulit na October 10, ha? Magpapahinga lang tayo pero patuloy na uusad. Tandaan mo, hindi mo kailangang bitbitin lagi 'yan ng mag-isa.

Nandito ako.

Ang iyong millennial psychologist.
;

P.S. Totoo nga, proud ako sa'yo. Lagi't-lagi kang mahalaga. 🀍

09/10/2026

πŸš€ LEVEL UP, KABATAANG LAGUNENSE! πŸ’Όβœ¨

Gusto mo bang magkaroon ng LIBRENG LinkedIn Premium at makakuha ng LIBRENG AI Career Readiness Course? Ito na ang oportunidad para mas mapaunlad ang iyong kakayahan at kahandaan sa mundo ng trabaho!

πŸ“Œ Sino ang maaaring sumali?
Mga kabataang edad 15–35 na kabilang sa mga sumusunod:
βœ… Mga kabataang hindi kasalukuyang nag-aaral, nagtatrabaho, o sumasailalim sa pagsasanay (NEET)
βœ… Mga mag-aaral sa huling taon ng kanilang pag-aaral
βœ… Mga mag-aaral at kalahok sa Technical and Vocational Education and Training (TVET)

🎯 Ano ang mga benepisyo?
βœ… Libreng 100% online AI Career Readiness Course
βœ… Libreng Certificate of Completion
βœ… Libreng LinkedIn Premium matapos makumpleto ang kurso at ma-verify ang mga kinakailangan
βœ… May 4,500 slots na nakalaan para sa mga kalahok sa buong bansa

πŸ“ Paano magparehistro?
1️⃣ Gumawa ng account sa: https://ada.aseanfoundation.org/asean-ahead
2️⃣ Mag-enroll sa AI Career Readiness Course.
3️⃣ Kumpletuhin ang pre-course survey at piliin ang Philippines + Smart Cities PH (SmartCT).
4️⃣ Tapusin ang lahat ng 5 module at isumite ang iyong CV. Matapos ang beripikasyon, maaari kang makatanggap ng libreng LinkedIn Premium.

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto ng mga bagong kasanayan, palakasin ang iyong kumpiyansa, at ihanda ang sarili para sa mas maraming oportunidad sa trabaho!

πŸ“’ PLEASE LIKE AND SHARE!

πŸ† CONGRATULATIONS, YDA LAGUNA! HALL OF FAME OUTSTANDING CLUB FOR UNESCO 2026! πŸŽ‰Isang karangalan para sa Youth Developmen...
09/10/2026

πŸ† CONGRATULATIONS, YDA LAGUNA! HALL OF FAME OUTSTANDING CLUB FOR UNESCO 2026! πŸŽ‰

Isang karangalan para sa Youth Development Affairs Office of Laguna ang mapabilang sa Hall of Fame Outstanding Club for UNESCO 2026!

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon at pagsisikap ng tanggapan sa pagsusulong ng mga makabuluhang programa at proyektong naglalayong paunlarin at bigyang-kapangyarihan ang kabataang Lagunense, alinsunod sa mga layunin ng United Nations Sustainable Development Goals (SDGs).

Ang tagumpay na ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang palakasin ang mga inisyatiba para sa kabataan at komunidad tungo sa isang mas mapayapa, inklusibo, at napapanatiling kinabukasan.

πŸ“Œ Para sa buong detalye ng pagkilala at seremonya ng paggawad, tingnan ang kalakip na post.
https://www.facebook.com/share/p/18QDPQnxhv/

THE GATES ARE OPENING. TICKETS FOR THE AFTERLIFE REALM ARE NOW AVAILABLE! πŸ¦‹Every soul pays its passage.Every passage lea...
09/10/2026

THE GATES ARE OPENING. TICKETS FOR THE AFTERLIFE REALM ARE NOW AVAILABLE! πŸ¦‹

Every soul pays its passage.
Every passage leads somewhere.

Choose your passage.
Enter your realm.
Find your way beyond.

And rememberβ€” there is a world beyond the AFTERLIFE. πŸ¦‹

For more details about the event please visit our website at https://afterlife-gateway-project.lovable.app/

AFTERLIFE β€” Exclusive at the AFT'RS.
It's where the real FANTASY starts. πŸͺžβœ¨





06/10/2026

3 days left! ⏳

We've heard from youth organizations across NCR, Visayas, and Mindanao, but we still don't have representatives from CAR, Regions I, II, IV-A, IV-B, X, XI, Negros Island Region, and Caraga.

If your youth organization is based in one of these regions, partner with us and help bring your community's voice to the national conversation on education reform.

πŸ“Œ Sign up: tinyurl.com/youthconsultation2026
πŸ—“οΈ Deadline: October 9, 2026

Know a youth org in these regions? Tag them below! πŸ‘‡

π€π˜πƒπŽπ‹ & π‹π˜πƒπ‚ πŸ‘π‘πƒ ππ”π€π‘π“π„π‘π‹π˜ πŒπ„π„π“πˆππ†Matagumpay na idinaos ang Association of Youth Development Officers of Laguna (AYDOL) ...
30/09/2026

π€π˜πƒπŽπ‹ & π‹π˜πƒπ‚ πŸ‘π‘πƒ ππ”π€π‘π“π„π‘π‹π˜ πŒπ„π„π“πˆππ†

Matagumpay na idinaos ang Association of Youth Development Officers of Laguna (AYDOL) at Local Youth Development Council (LYDC), ang kanilang 3rd Quarterly Meeting sa Ambrosio Rianzares Bautista Hall, BCHATO, BiΓ±an City, Laguna.

Dinaluhan ito ng mga AYDOL at LYDC mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng Laguna upang talakayin ang mga mahahalagang usapin at programang naglalayong higit pang palakasin ang pagpapaunlad at pakikilahok ng kabataan sa lalawigan. Kabilang sa mga tinalakay ang Provincial YDAO Report, na sumaklaw sa mga programa, aktibidad, at mga nakatakdang gawain, gayundin ang matagumpay na pagsasagawa ng Laguna Youth Congress 2026.

Nakiisa rin sa pagpupulong si Mr. Mark Ryan Talajuron ng National Youth Commission (NYC) – CALABARZON Area Office, na nagbigay ng karagdagang suporta sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa YASDO BiΓ±an City at kay Sir Mc Larnel Aliluran - Local Youth Development Officer ng BiΓ±an City, sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng pagpupulong.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, koordinasyon, at sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng mas malawak na oportunidad at makabuluhang partisipasyon para sa bawat kabataang Lagunense. Sama-sama para sa mas aktibo, inklusibo, at maunlad na kinabukasan ng kabataan! ✨

28/09/2026

LAGUNA YOUTH CONGRESS 2026!

Isang hakbang para palakasin ang BOSES ng KABATAANG LAGUNENSE hatid ng Youth Development Affairs Office ng Gobyernong may Solusyon !
Habang nakiisa din ang Laguna Youth Patrollers sa mga programa gaya ng seminar workshop, Youth Parliament at Youth Parade.



Ang Youth Development Affairs of Laguna (YDA) ay buong pusong nagpapasalamat at ikinararangal na maging bahagi ng pagdir...
28/09/2026

Ang Youth Development Affairs of Laguna (YDA) ay buong pusong nagpapasalamat at ikinararangal na maging bahagi ng pagdiriwang ng Youth Week sa Bayan ng Cavinti, Laguna, na may temang β€œDifferent Context, Common Aspiration.”

Lubos kaming nagpapasalamat sa pagkakataong magsilbing Guest Speaker/Resource Person para sa Leadership Training for the Youth, na dinaluhan ng mga student leaders mula sa junior high school at mga miyembro ng iba’t ibang youth organizations.

Maraming salamat, LYDO of Cavinti Laguna, sa pagkakataong makasama at makapagbahagi sa inyong mga lider kabataan!

26/09/2026

Address

Provincial Capitol Compound, San Luis Building
Santa Cruz
4009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Development Affairs Office of Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Youth Development Affairs Office of Laguna:

Shortcuts

Share