06/06/2025
📢 PATALASTAS: OPLAN BALIK-ESKWELA / BRIGADA ESKWELA
Taóng Panuruan 2025–2026
Ayon sa DepEd Order No. 012, s. 2025, itinakda ang opisyal na panahon ng enrollment para sa lahat ng pampublikong paaralan mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025.
🗓️ Mahahalagang Petsa:
✅ Panahon ng Enrollment: Hunyo 9–13, 2025 (Para sa Kinder hanggang Baitang 6)
✅ Brigada Eskwela: Hunyo 9–13, 2025
✅ Pagsisimula ng Klase: Hunyo 16, 2025
Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa edukasyon na magpatala nang maaga at makiisa sa Brigada Eskwela 2025. Sama-sama nating ihanda ang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
🤝 Sama-sama nating gawing matagumpay ang Taóng Panuruan 2025–2026!