31/03/2026
🎓 Ika-57 Taong Palatuntunan ng Pagtatapos at Ika-20 Taong Palatuntunan ng Paglilipat 🎓
Matalaba Elementary School
Isang makabuluhan at puno ng inspirasyong araw ang ating nasaksihan sa pagdiriwang ng ika-57 Taong Palatuntunan ng Pagtatapos at ika-20 Taong Palatuntunan ng Palflilipat ng Matalaba Elementary School. Ngayong taon, muli nating pinatunayan na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay nagbubunga ng tagumpay. ✨
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating panauhing pandangal at tagapagsalita, G. Romualdo Quezada, sa kanyang makabuluhan at nakapagbibigay-inspirasyong mensahe na tunay na tumatak sa puso ng bawat nagsipagtapos. 💙
Sa ating mga nagsipagtapos—binabati namin kayo! Dalhin ninyo ang mga aral, pangarap, at pagpapahalaga na inyong natutunan sa panibagong yugto ng inyong buhay. Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng inyong pamilya at ng buong paaralan. 🌟
Mabuhay ang Batch 2026! 🎉