21/10/2026
π’ PAANYAYA | STATE OF BARANGAY ADDRESSβ 2ND SEMESTER, CY 2026
Magandang araw, mga Kabarangay! β€οΈπ
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Sammy B. Espinosa, inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Pagatpat na makiisa sa ating gaganaping Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semestre ng Taong 2026.
Ito po ay isang mahalagang pagkakataon upang mapakinggan ang mga nagawa, programa, at mga plano ng ating barangay, gayundin ang makapagbahagi ng mga suhestiyon at makabuluhang talakayan para sa ikauunlad ng ating komunidad.
π
Petsa: October 25, 2026 (Sunday)
β° Oras: 2:00 PM
π Lugar: Pagatpat Plaza Covered Court
Sa temang βTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,β hinihikayat po ang bawat isa na dumalo at makiisa.
Ang inyong presensya, boses, at pakikilahok ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay! π€
Kita-kits po tayo, mga Kabarangay! Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, nagkakaisa, at maayos na Barangay Pagatpat.