18/06/2026
Mga Minamahal na Kostumer,
Ipinapaalam po namin na magsasagawa kami ng flushing ng aming mga linya ng tubo upang malinis ang mga ito. Ang iskedyul ng flushing ay ika-18 ng Hunyo 2026 mula 10:00 pm hanggang 1:00am sa Brgy. Tuliao (Sitio Calay)
Paalala po na ang gawaing ito ay maaaring makaapekto sa kalidad ng tubig sa inyong tahanan. Sa panahon at pagkatapos ng flushing, maaaring makaranas ng bahagyang pagbabago sa kulay ng tubig at posibleng pagkakaroon ng mga latak. Mangyaring paagusin lamang ang tubig sa loob ng ilang minuto hanggang sa muli itong luminaw.
Kung magpatuloy ang problema nang lampas sa 30 minuto, makipag-ugnayan po sa aming customer service team.