Councilor Myriam "Jingle" Lansangan

Councilor Myriam "Jingle" Lansangan Therefore, messages sent are not directed to the councilor herself.)

Official Page of 2025 Councilor-Elect Myriam β€œJingle” Lansangan of the Municipality of Santa Ana, Pampanga.

πŸ’™πŸ€

(Disclaimer: Page is run by a page administrator.

07/09/2026

ANUNSYO PIMPEΓ‘O | Dahil sa inaasahang pagpapatuloy ng masamang panahon bukas, alinsunod na rin sa mga weather forecast, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Sta. Ana bukas ng umaga, September 8, 2026.

Samantala, alinsunod sa Executive Order No.14-2026 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, simula 12:00 ng tanghali, ipinatutupad na ang suspensiyon ng face-to-face classes at alternative learning modes sa lahat ng antas, gayundin ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Virgen de los Remedios.

Patuloy pong nakaantabay ang ating mga first responders para sa anumang emergency.

EMERGENCY HOTLINES
STA. ANA MDRRMO: 0997 788 4690
STA. ANA FIRE STATION: 0923 831 0367
STA. ANA POLICE STATION: 0927 147 2505

Today, we celebrate 70 years of Her Canonical Coronation β€” seventy years of faith, grace, and unwavering devotion to the...
07/09/2026

Today, we celebrate 70 years of Her Canonical Coronation β€” seventy years of faith, grace, and unwavering devotion to the Virgen de los Remedios.

O Mother of Remedies, thank You for Your countless blessings, healing, and protection. Continue to guide our families, our community, and our faith.

β€œVirgen de los Remedios, ipanalangin Mo kami.” πŸ™πŸ‘‘βœ¨

06/09/2026

Suspendido po ang klase sa mga sumusunod na paaralan dahil sa pagbaha dulot ng mga pag-ulan na dala ng hanging habagat.

Ang suspensyon ay batay sa rekomendasyon ng mga principal at kinatawan ng bawat paaralan, na isinasaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang paaralan, mga mag-aaral, at mga g**o.

MGA PAARALANG SUSPENDIDO ANG KLASE:

STA. MARIA ELEMENTARY SCHOOL
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL
STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL
SAINT MARY’S ANGELS COLLEGE (BASIC ED)

Ang lahat ng paaralan na hindi kabilang sa mga nabanggit ay magpapatuloy sa regular na klase para bukas, September 07, 2026.

Gayunpaman, may awtoridad pa rin ang mga paaralang hindi kasama sa listahan na magsuspinde ng klase kung kinakailangan, batay sa kanilang aktuwal na sitwasyon at sa kalagayan ng kanilang mga mag-aaral at g**o.

Inaabisuhan po ang lahat na patuloy na mag-monitor ng mga opisyal na update tungkol sa suspensyon ng klase at sa lagay ng panahon.

Patuloy pong nakaantabay ang ating mga first responders para sa anumang emergency.

EMERGENCY HOTLINES
STA. ANA MDRRMO: 0997 788 4690
STA. ANA FIRE STATION: 0923 831 0367
STA. ANA POLICE STATION: 0927 147 2505

03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Batangas
πŸ“ Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

02/09/2026

Dinig po at dama ni Mayor Dinan Labung ang sentimyento at kalagayan ng ating mga kababayang PimpeΓ±o.

Dahil po sa mabagal na paghupa ng tubig-baha sa mga paaralan, barangay, at pangunahing kalsada sa ating bayan, at upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o, sinuspinde na po ni Mayor Dinan ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Sta. Ana, Pampanga, simula bukas, September 3 hanggang September 5, 2026.

Gayunpaman, binibigyan po ni Mayor Dinan ng awtoridad ang pamunuan ng bawat paaralan na magsagawa ng Alternative Delivery Mode of Learning, kung kinakailangan, upang maipagpatuloy ang pagkatuto at hindi tuluyang mahinto ang edukasyon ng ating mga mag-aaral.

Patuloy po nating unahin ang kaligtasan habang patuloy nating tinutugunan ang epekto ng pagbaha sa ating bayan.

31/08/2026

ANUNSYO PIMPEΓ‘O | Dahil sa patuloy na pag-ulan at matinding pagbaha dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Sta. Ana, Pampanga, bukas, Tuesday, September 1, 2026.

Suspendido rin po ang online classes sa Sta. Ana. Ito po ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pagbaha at patuloy na pag-ulan na makapagbigay-pansin sa kanilang kaligtasan at pangangailangan.

Suspendido rin po ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Munisipyo ng Sta. Ana.

Ito po ay bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, kawani, at buong komunidad.

27/08/2026

ANUNSYO PIMPEΓ‘O | Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng hanging habagat, at upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan ng Sta. Ana ngayong araw, August 28, 2026.

Ito po ay bilang pag-iingat, dahil batay sa forecast, maaaring magpatuloy ang pag-ulan at posibleng lumakas pagsapit ng hapon dahil sa epekto ng hanging habagat.

Maging ligtas po tayong lahat. Patuloy po tayong mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo at hintayin ang mga susunod na abiso mula sa Pamahalaang Bayan.

Para naman po sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras. Tumulong po tayo sa mga gawaing bahay.

POSTED 4:40 AM August 28, 2026.

17/08/2026

π—”π—Ÿπ—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—©π—˜ π—ͺ𝗒π—₯π—ž 𝗔π—₯π—₯π—”π—‘π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—¦ 𝗙𝗒π—₯ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§ π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜π—¦, π—”π—Ÿπ—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—©π—˜ π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—‘π—œπ—‘π—š π— π—’π——π—˜π—¦ 𝗙𝗒π—₯ π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿπ—¦ 𝗒𝗑 π—”π—¨π—šπ—¨π—¦π—§ 𝟭𝟴

Pursuant to Memorandum Circular No. 128, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 18, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Rizal
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

17/08/2026

ANUNSYO PIMPEΓ‘O | Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, sinuspinde ng Office of the President ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Pampanga at iba pang karatig na lugar, para bukas, AUGUST 18, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 128.

Suspendido rin po ang online classes sa Sta. Ana. Ito po ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pagbaha at patuloy na pag-ulan na makapagbigay-pansin sa kanilang kaligtasan at pangangailangan.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

16/08/2026

ANUNSYO PIMPEΓ‘O | Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Sta. Ana para bukas, August 17, 2026.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pag-aaral ng mga aralin.

Address

Santa Ana

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Myriam "Jingle" Lansangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category