03/06/2026
Ngayong araw ay tinanggap ng limang Presidential Scholars mula sa ating Barangay ang kani-kanilang mga tseke na nagkakahalaga ng P20,000.00 na ipinagkaloob ng Office of The President sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” katulong ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Yorme Isko Moreno Domagoso at VM Chi Atienza.
Layon ng financial assistance na maging karagdagang pang gastos ng mga estudyante gaya ng tuition fee, transportation at meal allowance at iba pang miscellaneous fees upang maitawid ang kanilang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo.
Pinili ang mga presidential scholars sa pamamagitan ng selection committee na pinangunahan ni Kag. Ryan Dave O. Escober (Comm. Chair on Education) at mga miyembro ng Sangguniang Barangay 901.
Ang mga scholars ay ang TOP 5 college students na nagtala ng pinakamatataas na grado mula sa hanay ng mga aplikante.