05/06/2026
Bilang pagsuporta ng ating ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐ sa isinagawang Summer Youth Camp na programa ng Iglesia Filipina Indipendiente (IFI), dinaluhan nito ang pagbubukas na programa at nakiisa bilang isang miyembro sa pananampalataya ng nasabing simbahan.
Dama ng ating Bise Alkalde ang pananabik at kasiyahan ng mga kalahok sa Summer Youth Camp na ito na galing pa sa ibat-ibang bayan ng ating probinsiya at maging sa mga karatig probinsiya dahil naranasan niya ding makilahok sa mga ganitong mga programa nung panahaon niya bilang isang miyembro ng kabataan sa simbahang ito.
Ang Summer Youth Camp na tulad nito ay naglalayong hubugin ang kakayahan, disiplina, at mabubuting pagpapahalaga ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga gawaing nagtataguyod ng mabuting pagpapahalaga, disiplina, pamumuno, at pananampalataya, nahuhubog ang mga kabataan upang maging responsable at produktibong mamamayan.