13/03/2020
PUBLIC ADVISORY
OFFICE OF THE GOVERNOR
MARCH 14, 2020/4:00AM
KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA CAGAYAN SUSPENDIDO SIMULA NGAYONG ARAW, MARSO-14!
Ipinag-uutos ngayon ni Gob. Manuel Mamba ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas mula pre-school hanggang graduate school kapwa publiko o pribado sa buong lalawigan n Cagayan simula ngayong araw ng Sabado, Marso-14, 2020.
Ang suspensyon ng klase ay iiral hanggat hindi binabawi ng Tanggapan ng Gobernador.
"I am suspending classes now in all levels both private and public schools and to resume until further notice. That students are to confine themselves in their homes while classes are suspended.", pahayag ni Gob. Mamba.
Ayon pa sa ama ng lalawigan, ang hakbang nito ay bunsod ng tumitinding banta ng 2019 nCorona Virus Disease o COVID-19 lalo at nagsisi-uwian ang mga Cagayanong galing ng Metro Manila matapos iutos ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine sa buong National Capital Region o NCR simula hatinggabi ng Marso-15.
Matatandaang, may 5-katao na ang nasawi habang higit 60-katao na ang positibo sa COVID-19 sa NCR habang nanatiling negatibo ang kaso nito sa Cagayan maging ng Rehiyon 02.
Kaugnay nito ay mariing umaapela si Gob. Mamba sa lahat ng mamamayan sa Cagayan na maging kalmado subalit mapagmasid at tumulong para masigurong ligtas ang lahat habang umiiral ang Stae of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19.
Samantala, inaatasan ng gobernador ang mga barangay officials sa pangunguna ng Barangay Captain na tiyakin na hindi gagala ang mga estudyante habang umiiral ang suspensyon ng klase.
Para sa inyong impormasyon at gabay.
Maraming salamat.
ROGELIO P SENDING JR
INFORMATION OFFICER III /OIC-PROVINCIAL INFORMATION OFFICE