12/08/2026
MABILIS NA AKSYON PARA SA TUBIG SA BRGY. SILANGAN!
Upang agad na matugunan ang matinding kakulangan sa suplay ng tubig, mabilis na inaksyonan at ginamitan ng sariling pera ni Vice Mayor Joseph Stanley G. Alegre ang pagpalit ng Jet Matic Pump at pagpalinis sa nasabing lugar sa Brgy. Silangan.
Naging matagumpay at mabilis ang naturang inisyatibo sa pakikipagtulungan at suporta ni Mayor Mariano "B**g" Palma at ng mga Konsehal ng Bayan, gayundin sa teknikal na gabay ng Municipal Engineering Department sa pamumuno ni Engr. Maria Angelica Balon.
Isang malaking pasasalamat din ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan kay Gng. Evangeline Del Pilar Salazar sa kanyang taos-pusong pagpayag at pahintulot na magamit ang kanyang pribadong lupa upang doon maayos at maipwesto ang kinakailangang pasilidad.
MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT:
Ang tubig na magmumula sa Jet Matic Pump ay gagamitin lamang sa mga pangaraw-araw na gawaing-bahay (tulad ng paghuhugas, paglalaba, at pampaligo). HINDI PO ITO PWEDENG INUMIN. Pakisigurado po na maglaan ng hiwalay na inuming tubig para sa kaligtasan ng bawat pamilya.