Information & Communication Section of San Vicente, Palawan

Information & Communication Section of  San Vicente, Palawan San Vicente, Palawan Information and Communications Section

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‚๐Œ๐Ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐Œ๐๐‹๐“-7, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จBumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir R...
27/04/2026

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‚๐Œ๐Ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐Œ๐๐‹๐“-7, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จ

Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir Rodriguez Pablico, ang mga kawani mula sa Marine Battalion Landing Team-7 (MBLT-7) na sina 2LT Ronalee M. Labago PN (M), Acting CMO Officer, at SSgt Ricky G. Moreno PN (M), CMO NCO, ngayong araw, ika-27 ng Abril 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita na ipakilala kay Mayor Pablico ang bagong Acting CMO Officer ng MBLT-7 na si 2LT Ronalee M. Labago PN (M).

Kanila ring napag-usapan ang iba pang mga gawain at programa na maaaring pagtulungan para sa ikabubuti ng San Vicente.

Natuwa naman si Mayor Pablico sa kanilang ginawang pagbisita.


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐! || ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐ ๐•๐ˆ๐‚๐„๐๐“๐„ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† 1.5 ๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐€๐ˆ๐ƒ๐„ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž...
24/04/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐! || ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐ ๐•๐ˆ๐‚๐„๐๐“๐„ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† 1.5 ๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐€๐ˆ๐ƒ๐„ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐… ๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐

Personal na ibinigay ng ating masipag na Gobernadora Kgg. Amy Roa Alvarez kasama ang ilang Sanguniang Panlalawigan Member ang 1 milyong Municipal Aide dahil sa krisis ng langis, at 500,000.00 pesos para sa paghahanda sa Baragatan Festival, kasabay ang tig 300,000 pesos na Barangay Aide para sa sampung Barangay na sakop ng bayan, kahapon ika-23 ng April 2026 sa Executive Conference Room.

Masayang tinanggap ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Maria Carmen Libarra-Silagan at ng mga Barangay Chairperson ang biyayang tiyak na makakatulong ng malaki para sa mga mamamayan ng San Vicente lalo na ngayong nahaharap ang buong Pilipinas sa krisis.

Walang paglagyan ang pasasalamat ng ating mga opisyal ng bayan dahil sa mabilis na proseso ng tulong mula sa pamahalaang Panlalawigan. Hangad naman ng Provincial Government ang patuloy na suporta at maayos na pag gamit ng tulong pinansyal.

Maraming salamat Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan!




23/04/2026

๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐๐ˆ๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐ ๐•๐ˆ๐‚๐„๐๐“๐„ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐„๐Œ๐๐‹๐Ž๐˜๐„๐„๐’ ๐‚๐Ž๐ƒ๐„, ๐€๐“ ๐Ž๐‘๐˜๐„๐๐“๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐‡๐ˆ๐๐†๐†๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐‘๐€ 11313 ๐€๐“ ๐‘๐€ 11930, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€


๐๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐๐ข๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ค๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐š๐ญ ๐€๐›๐จ๐ญ-๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐šLabis ang pasasalamat...
23/04/2026

๐๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐๐ข๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ค๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐š๐ญ ๐€๐›๐จ๐ญ-๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐š

Labis ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente sa Adventist Hospital Palawan, matapos matagumpay na naisagawa ang Eyecare and Wellness Caravan, kung saan marami sa mga kawani at residente ng San Vicente ang nabigyan ng dekalidad at abot kayang serbisyong medikal sa mata.

Narito ang kabuoang bilang ng mga pasyenteng nakatanggap ng serbisyong medikal:

Abril 20- 111 pasyente
Abril 21- 43 pasyente
Abril 22- 78 pasyente

Naway, hindi rito matitigil ang layunin ng lokal na pamahalaan ng San Vicente na makapag hatid ng maayos at dekalidad na serbisyo sa mamamayan ng bayan, sa tulong narin ng mga pribadong sektor tulad ng Adventist Hospital Palawan na handang tumulong sa lahat ng mga nangangailangan.


๐€๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐Š๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จBumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir R. Pablico, ang mga k...
23/04/2026

๐€๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐Š๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จ

Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir R. Pablico, ang mga kawani ng Astoria Palawan, sa pangunguna ni Ms. Donna A. Gapilango-Conde, Senior Sales Account Executive, kasama si Ms. Maria Ivanka Sogocio, Sales Account Executive, ngayong araw, ika-23 ng Abril, 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita na ipaalam kay Mayor Pablico ang mga dekalidad na serbisyong inaalok ng Astoria Palawan para sa lahat ng mga gustong pumunta at bumisita rito.

Nagapasalamat naman si Mayor Pablico sa kanilang pagbisita.


๐๐ข๐ ๐š๐ก๐จ, ๐๐š๐›๐š๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐š ๐Œ๐ซ. ๐š๐ญ ๐Œ๐ซ๐ฌ. ๐“๐ข๐›๐š๐ซBinalot ng Pag-ibig ang buong Sitio Bigaho, Brgy. Port Barton mata...
23/04/2026

๐๐ข๐ ๐š๐ก๐จ, ๐๐š๐›๐š๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐š ๐Œ๐ซ. ๐š๐ญ ๐Œ๐ซ๐ฌ. ๐“๐ข๐›๐š๐ซ

Binalot ng Pag-ibig ang buong Sitio Bigaho, Brgy. Port Barton matapos ikasal ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir R. Pablico, ang bagong mag-asawa na sina Mr. Romnick Tibar at Mrs. Nenia Bebs Tibar, ngayong araw, ika- 23 ng Abril, taong kasalukuyan.

Sumabay naman sa napakainit na panahon ang suporta at pagmamahal na ipinadama ng mga magulang, ninang at ninong, mga kaibigan, at mga bisita ng mag-asawa. Taos puso nilang ibinigay ang kanilang walang sawang pagpapala at umaasang maging maayos at payak ang pagsasama ng mag-asawa.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Mayor Pablico sa bagong kasal, Aniya, laging irespeto ang bawat isa at gawing sentro ang Diyos sa kanilang pagsasama upang mas maging matatag ang kanilang bubuohing pamilya.

Mabuhay ang bagong kasal!


๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐”๐ฌ๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž, ๐๐ข๐ง๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  3๐ซ๐ ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž...
23/04/2026

๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐”๐ฌ๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž, ๐๐ข๐ง๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  3๐ซ๐ ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ

Isinagawa ngayong araw, ika-23 ng Abril, 2026 ang 3rd Regular Council Meeting Municipal Development Council sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir Rodriguez Pablico sa Malaganang Room ng munisipyo ng bayan.

Aktibo ring nakilahok sa nasabing pagpupulong ang ating Sangguniang Bayan Member, Kgg. Teodulo A. Varquez, Chairperson, Committee on Finance Appropriations Ways and Means, kasama si Mr. Jessie C. Velete, EnP bilang MDC Secretariat.

Nakiisa rin sa pagpupulong ang mga Punong Barangay mula sa ibaโ€™t Ibang Barangay ng San Vicente na sina Kgg. Dandy D. Dela Cruz ng Poblacion, Kgg. Mary Grace G. Tanaya ng Binga, Kgg. Hasede R. Ebno ng Kemdeng, Kgg. Renan T. Failon ng New Canipo, Kgg. Marvin C. Ballesteros ng Port Barton, Kgg. Bernardo M. Borja, Kgg. Alex L. Baaco, at Kgg. Arnel P. Aban, at iba pang miyembro ng konseho mula sa ibaโ€™t ibang sektor ng bayan.

Ilan sa mga mahahalagang paksang napag-usapan ay ang mga programa ng lokal na pamahalaan ng San Vicente, kabilang ang paghahanda sa patuloy na pagbaba ng suplay ng tubig sa bayan. Ayon sa konseho, mahalagang maagang makapagplano ang lokal na pamahalaan sa nararanasang krisis ngayong taon upang hindi na lumalala pa ang sitwasyon.

Bukod pa rito, ay pinag-usapan din ang mga nakapilang proyekto ng lokal na pamahalaan sa bawat barangay na layong maging daan ng pangmatagalang pag-unlad ng San Vicente.


๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ || Pinangunahan ni Mr. Leopoldo Francisco Jr. ng MO-Sports ang pagbisita ngayong araw ng mga kabataang kak...
23/04/2026

๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ || Pinangunahan ni Mr. Leopoldo Francisco Jr. ng MO-Sports ang pagbisita ngayong araw ng mga kabataang kakatawan sa bayan ng San Vicente para sa gaganaping 1st Inter-Municipality Beach Volleyball ng Provincial Government of Palawan na isasagawa sa Barangay Port Barton, San Vicente.

Kasama ang kanilang coach na si Mr. Gerald Azucena, malugod na ipinahayag ng mga manlalaro mula sa San Vicente National High School, Palawan State University โ€“ San Vicente Campus, at Port Barton National High School ang kanilang pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan para sa patuloy na suportang ipinagkakaloob nito sa mga kabataang atleta ng bayan.

Nagpasalamat din ang ating Punong Bayan sa mga manlalaro para sa pagbabahagi ng kanilang talento, lakas, at galing sa pagre-representa ng ating bayan.

Good luck and laban Team San Vicente!


๐“๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐„๐œ๐จ-๐…๐ž๐ž ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Œ๐“๐‚ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Matagumpay na isinagawa sa pangunguna...
22/04/2026

๐“๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐„๐œ๐จ-๐…๐ž๐ž ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Œ๐“๐‚ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Matagumpay na isinagawa sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir Rodriguez Pablico, ang MTC Executive Committee Meeting ngayong ika-22 ng Abril, 2026 sa Malagnang Room ng Munisipyo ng San Vicente.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng konseho na sina Kgg. Melvin C. Ballesteros, Committee Chairperson on Tourism; Mr. Jessie C. Velete, EnP, MPDC; Ms. Lucylyn F. Panagsagan, Tourism Officer at MTC Secretary; Mr. Ian B. Echanes, MENRO Officer; at Mericris T. Cantiga, Sr. ESS.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang tamang paggamit ng pondong nagmula sa Eco-Fee Collection tulad ng pagkuha o pagtatalaga ng mga tauhan na magiging katuwang ng LGU San Vicente sa pagpapanatili ng kalinisan, lalo na sa mga pangunahing lugar tulad ng Barangay Port Barton at Poblacion.


๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—” || ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š...
21/04/2026

๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—” || ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜

Isang kasunduan ang pinirmahan ng Philippine Institute of Certified Public Accountants - Palawan Chapter at Lokal na Pamahalaan ng San Vicente ngayong araw, April 21, 2026 sa tanggapan mismo ng ating Punong Bayan.

Ang kasunduang ito ay naglalayong magtatag ng ugnayan sa pagitan ng LGU San Vicente, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO), at PICPA Palawan para sa pagpapatupad ng ๐‘ญ๐‘น๐‘ฌ๐‘ฌ ๐‘จ๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ, ๐‘ป๐’‚๐’™๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’, ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฉ๐’–๐’”๐’Š๐’๐’†๐’”๐’” ๐‘จ๐’…๐’—๐’Š๐’”๐’๐’“๐’š ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’†๐’” (๐‘ญ๐‘จ๐‘ป๐‘ฉ๐‘จ๐‘บ) ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž sa Bayan ng San Vicente.

Sa ilalim ng programang ito, magsasagawa ang lokal na pamahalaan at ang nasabing ahensya ng mga orientation at pagbibigay ng payo ukol sa accounting, bookkeeping, at pamamahala ng pananalapi para sa mga samahan ng magsasaka at mangingisda; magbibigay kaalaman tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis kabilang ang pagrerehistro, paghahain, at pag-uulat; magbibigay ng pangunahing gabay sa negosyo upang mapalakas ang transparency at katatagan ng pananalapi ng mga organisasyon sa komunidad; at susuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa pangkabuhayan at pagpapalawak ng kakayahan sa pamamagitan ng mga financial literacy trainings.

Pinangunahan ang pagpirma ng ating Punong Bayan Hon. Ramir R. Pablico kasama sina PICPA President Accountant Ms. Annabelle P. Ong; PICPA Foundation Inc. representative Ms. Ofelia Corral; Federation of Fisherfolks Association President Mr. Roy Hermo; RIC New Agutaya President Ms. Jovita Borres; New Agutaya Farmers Association President Mr. Almar Cacho; at Municipal Agriculture Officer Engr. Reniel C. Rocaberte.

Ang programang ito ay tiyak na makatutulong sa ating mga magsasaka at mangingisda para sa mas malawak na kaalaman sa pag nenegosyo at pakikipag transaksyon.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at ibaโ€™t ibang sektor, inaasahang mas mapalalakas ang kakayahan ng ating mga lokal na samahan tungo sa mas maayos, organisado, at napapanatiling kabuhayan, isang hakbang patungo sa mas matatag at maunlad na kinabukasan para sa buong bayan ng San Vicente.


๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐—— ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”Nagsama-sama ang mga kinatawan ng Local School Board para sa kanilang ikalawang...
21/04/2026

๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐—— ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”

Nagsama-sama ang mga kinatawan ng Local School Board para sa kanilang ikalawang pagpupulong kahapon, ika-20 ng Abril, sa Executive Conference Room.

Aktibong dumalo ang ating Punong Bayan Hon. Ramir R. Pablico, kasama si Committee on Education SB Rowell C. Molo, SK Federation President Tea Joy C. Borbon, Public School District Supervisor Ms. Loida L. Janoras, Principal II Ms. Lanny R. Monticalvo, DepEd School Health Ms. Theresa Oringo-Lorenzo, at mga kawani mula sa tanggapan ng OMABE, MAO, MTO, at MBO.

Masusing tinalakay ang mga sumusunod na usapin: Approval of the Previous Minutes; Updates on the Ongoing Judging of Pamana sa Paaralan; Post-Assessment for the Recently Conducted Provincial Meet; Updates on the Local School Board Plan; Updates on the Hiring of School Watchmen/School Guards; at iba pang mga usapin.

Ang pagpupulong ay mag layuning mapalakas ang koordinasyon at maisulong ang mga programang pang-edukasyon para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad. Patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang patuloy na masuportahan ang sektor ng edukasyon


๐Œ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐๐ ๐„๐Ž๐ƒ ๐Š9, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จBumisita kahapon, ika-20 ng Abril, 2026, sa opisina ng ati...
21/04/2026

๐Œ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐๐ ๐„๐Ž๐ƒ ๐Š9, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จ

Bumisita kahapon, ika-20 ng Abril, 2026, sa opisina ng ating Punong Bayan, Kgg. Ramir Rodriguez Pablico ang Philippine National Police EOD K9 Unit upang ipakilala ang kanilang grupo at ipaalam ang kanilang mandato sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

Kasama ring tumanggap sa mga bisita sina Bise Mayor Kgg. Maria Carmen Libarra-Silagan, Sangguniang Bayan Member, Kgg. Boel Baylon, at MPDO Officer na si Sir Jessie Velete.

Sa nasabing pagbisita, ipinaliwanag ng EOD K9 Unit ang kanilang tungkulin sa pagbabantay at pag-inspeksyon sa mga lugar na maaaring malagyan ng pampasabog, gamit ang kanilang sinanay na K9 dog.
Samantala, humiling naman ang grupo ng kaunting suporta mula sa LGU San Vicente, partikular sa maintenance at pagkain ng kanilang K9.

Kaugnay nito, agad namang inatasan ni Mayor Pablico ang mga kinauukulang tanggapan na asikasuhin ang mga kinakailangang dokumento upang maisama ang kanilang unit sa mga ahensyang sinusuportahan ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat naman ang grupo sa naging pagtanggap at suporta ng LGU, at nagpahayag ng hangaring
mapalakas ang ugnayan at koordinasyon para sa kapakanan ng komunidad.

Matapos ang pagbisita, nagsagawa rin ang grupo ng inspeksyon sa ilang gusali sa loob ng munisipyo bilang bahagi ng kanilang seguridad na pagsusuri.


Address

Poblacion
San Vicente
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639399242803

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Information & Communication Section of San Vicente, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Information & Communication Section of San Vicente, Palawan:

Share