Municipal IPMR - LGU San Vicente, Palawan

Municipal IPMR - LGU San Vicente, Palawan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal IPMR - LGU San Vicente, Palawan, Government Official, Poblacion Gymnasium, Brgy. Poblacion, San Vicente.

26/08/2026
📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️Pagpupulong at Pakikipag-ugnayan sa mga Katutubong PamayananMasikip at mainit man ang venue ng ating In...
16/08/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

Pagpupulong at Pakikipag-ugnayan sa mga Katutubong Pamayanan

Masikip at mainit man ang venue ng ating Indigenous Peoples Structure (IPS) Special Meeting, naging maayos at makabuluhan ang pagdalo at pakikipag-ugnayan ng mga kinatawan mula sa sampung (10) barangay.

Bilang paghahanda sa mga nakatakdang gawain ngayong buwan, isasagawa ng Tanggapan ng Municipal IPMR, sa pangunguna ni Hon. Eddie E. Yayen, ang IP Household Head Remarks Gathering, Profiling, at Data Collection upang higit na mapakinggan at matukoy ang mga kalagayan, pangangailangan, at concerns ng ating mga katutubong pamayanan.

📌 Iskedyul:
• August 19–20 – Brgy. Poblacion
• August 19 – Brgy. Kemdeng
• August 20 – Brgy. San Isidro
• August 20 – Brgy. Santo Niño
• August 24 – Brgy. Alimanguan
• August 25 – Brgy. New Canipo
• August 25 – Brgy. Binga
• August 26 – Brgy. New Agutaya
• August 27 – Brgy. Port Barton
• August 28 – Brgy. Caruray

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at suporta ng ating mga IPS, Barangay IPMRs, at mga kasapi ng katutubong pamayanan. Sama-sama nating pakinggan, itala, at tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga katutubo. ❤️🙏

Tribu Tagbanua- Tandulanen ❤️ Caruray 🙏
16/08/2026

Tribu Tagbanua- Tandulanen ❤️
Caruray 🙏

Validation Process  Binga, San Vicente, Palawan - April 28, 2026
29/04/2026

Validation Process Binga, San Vicente, Palawan - April 28, 2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️Dumalo at aktibong nakilahok ang Municipal IPMR Technical Staff sa PAMB Special Meeting noong Pebrero 6...
09/02/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

Dumalo at aktibong nakilahok ang Municipal IPMR Technical Staff sa PAMB Special Meeting noong Pebrero 6, 2026 na ginanap sa Taylilong’s Function Hall, Taytay, Palawan.

Tinalakay sa pulong ang mga usaping may kinalaman sa pamamahala ng protected areas, harmonisasyon ng lokal at pambansang batas, pagpapatupad ng mga regulasyon, at napapanatiling pondo at kabuhayan, na may mahalagang ugnayan sa pagkilala at pangangalaga sa karapatan ng mga Katutubong Pamayanan alinsunod sa IPRA Law (RA 8371).

Patuloy ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya at sektor upang matiyak ang makatarungan, inklusibo, at responsableng pamamahala ng likas-yaman, na may paggalang sa kultura, lupaing ninuno, at kapakanan ng komunidad.

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️Isinagawa ang FPIC (Free and Prior Informed Consent) Orientation at Paliwanag kaugnay ng panukalang pag...
09/02/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

Isinagawa ang FPIC (Free and Prior Informed Consent) Orientation at Paliwanag kaugnay ng panukalang pagtatayo ng Electricity Power Station sa Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan, sa pangunguna at tulong ng NCIP Provincial Attorneys, CDO III / Field Officer (NCIP–Roxas CSC), isang kinatawan ng NCIP–Roxas, kasama ang tatlong Municipal IPMR Staff, Engineer ng nasabing proyekto, at Barangay IPMR ng Brgy. Port Barton.

Ang gawaing ito ay alinsunod sa IPRA Law (RA 8371) na nagtitiyak na ang mga Katutubong Pamayanan ay malaya, may sapat na kaalaman, at ganap na nauunawaan ang mga detalye ng proyekto bago magbigay ng pahintulot na maaaring makaapekto sa kanilang lupang ninuno at komunidad.

📍 Lugar: Barangay Function Hall, Brgy. Port Barton
👥 Lumahok: Tribu Tagbanua Tandulanen – Brgy. Port Barton

Patuloy ang maayos na konsultasyon at pakikipag-ugnayan upang matiyak ang paggalang sa karapatan, kultura, at kapakanan ng mga Katutubong Mamamayan.

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️Isinagawa ang ocular inspection sa Barangay Binga, San Vicente, Palawan katuwang ang NCIP – Engineer at...
02/02/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

Isinagawa ang ocular inspection sa Barangay Binga, San Vicente, Palawan katuwang ang NCIP – Engineer at CAO I / OIC-Planning Officer, kasama ang ating Municipal IPMR, upang masusing suriin ang lugar na may kaugnayan sa isyung nahagip ng isang pribadong land title ang bahagi ng CADT claims.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa IPRA Law (RA 8371) na naglalayong igalang at balansehin ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan at iba pang lehitimong may-ari ng lupa, para makabuo ng patas, makatarungan, at angkop na solusyon sa pamamagitan ng tamang proseso at diyalogo.

Patuloy ang koordinasyon at maayos na konsultasyon para sa kapayapaan at pagkakaunawaan ng lahat ng kinauukulan.

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️Isinagawa ang Indicative Mapping sa Barangay New Agutaya bilang suporta at pakikipagtulungan sa NCIP – ...
02/02/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

Isinagawa ang Indicative Mapping sa Barangay New Agutaya bilang suporta at pakikipagtulungan sa NCIP – Engineer at CAO I / OIC-Planning Officer, na may layuning maitala at maprotektahan ang mga lupang ninuno, sagradong lugar, at kabuhayang katutubo.

Ang gawaing ito ay alinsunod sa IPRA Law (RA 8371) na kumikilala at naggagarantiya sa karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa kanilang lupang ninuno at sariling pagpapasya.

📍 Lugar: Brgy. New Agutaya, San Vicente, Palawan
👥 Lumahok: Tribu Agutaynen (Brgy. New Agutaya), Tribu Tagbanua Tandulanen (Brgy. Alimanguan at Brgy. Kemdeng)

Patuloy ang sama-samang pagkilos para sa pagkilala, paggalang, at pangangalaga sa kultura at karapatan ng mga Katutubong Mamamayan.

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️DATA PROFILING NG MGA KATUTUBONG PAMAYANANBilang bahagi ng patuloy at masusing pagsisikap ng Pamahalaan...
26/01/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

DATA PROFILING NG MGA KATUTUBONG PAMAYANAN

Bilang bahagi ng patuloy at masusing pagsisikap ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng San Vicente, Palawan na mapalakas ang maayos na pagpaplano, epektibong monitoring, at makabuluhang pagbibigay ng angkop na mga programa at serbisyong panlipunan para sa mga Katutubong Pamayanan, matagumpay na naisakatuparan ang Data Profiling ng Indigenous Peoples (IPs) sa buong munisipyo.

Ang gawaing ito ay isinagawa upang makumpleto at mapahusay ang opisyal na IP Database ng Munisipyo, partikular na para sa mga IP members na hindi pa nakapagtatala o nangangailangang ma-update ang kanilang mga impormasyon. Layunin nitong matiyak na ang lahat ng Katutubong Pamayanan ay may maayos, tama, at kumpletong datos na magsisilbing batayan sa mga susunod na programa, proyekto, at serbisyong ipatutupad ng pamahalaan.

Ang Data Profiling Activity ay isinagawa sa labing-walo (18) na grupo ng mga tribu mula sa sampung (10) barangay, kabilang ang: Caruray, Binga, Kemdeng, New Canipo, Sto. Niño, Poblacion, New Agutaya, San Isidro, Port Barton, at Alimanguan. Ang mga tribung aktibong lumahok sa aktibidad ay ang Tagbanua Tandulanen, Agutaynen, at Cuyunon, na buong pusong nakiisa upang maisakatuparan ang layunin ng programang ito.

Naging maayos, organisado, at matagumpay ang pagpapatupad ng aktibidad sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon at aktibong partisipasyon ng sampung (10) Barangay Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), katuwang ang mga Barangay Opisyal ng bawat barangay. Ang kanilang dedikasyon at malasakit ay naging mahalagang salik upang matiyak ang maayos na daloy ng data collection at ang maabot maging ang mga IP members sa mga liblib at malalayong lugar.

Tinatayang mahigit apatnaraan (400+) IP members ang matagumpay na naisama at naitala sa IP Database ng munisipyo. Dahil dito, inaasahan na sa mga susunod na taon ay monitoring at regular updating na lamang ang isasagawa, at magiging handa ang munisipyo sa opisyal na paglalathala ng updated IP data bilang batayan ng mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga Katutubong Pamayanan.

Sa inisyatiba ng Municipal IPMR, planong maglaan ng kopya ng final at updated IP Data Profiling sa bawat Barangay IPMR sa sampung barangay, gayundin sa Executive Office at Legislative Office ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente. Layunin nito na matiyak na may iisang opisyal, kumpleto, at maaasahang talaan ng datos ng mga Katutubong Pamayanan na magsisilbing gabay sa paggawa ng mga polisiya at programa ng munisipyo.

Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisakatuparan sa tulong at suporta ng Gender and Development (GAD) Fund ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, na malinaw na nagpapakita ng malasakit ng pamahalaan sa inklusibo, pantay, at makataong kaunlaran para sa lahat ng sektor, lalo na para sa mga Katutubong Pamayanan.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng mga Indigenous Peoples’ Society (IPS) Members na boluntaryong tumulong at gumabay sa mga itinalagang IP Profilers at Barangay IP Community Initiators, lalo na sa mga geographically isolated at disadvantaged areas. Ang kanilang suporta ay naging susi upang masiguro ang tama, kumpleto, at maaasahang pangangalap ng datos bago matapos ang taong 2025.

Sa kabuuan, ang Data Profiling ng mga Katutubong Pamayanan ay hindi lamang nagresulta sa pagkakaroon ng isang updated at maaasahang IP Database, kundi nagsilbi rin itong daan upang higit pang mapalakas ang ugnayan, partisipasyon, at pagkakaisa ng mga Katutubong Pamayanan at ng Pamahalaang Lokal. Ang gawaing ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas episyente, inklusibo, at makabuluhang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga Katutubo sa Bayan ng San Vicente, Palawan.

Higit sa lahat, ang mga nakalap na datos ay magsisilbing mahahalagang dokumento na kakailanganin ng mga Katutubong Pamayanan sa pag-access ng iba’t ibang serbisyong panlipunan, gayundin bilang pangunahing sanggunian ng kasalukuyan at mga susunod pang Municipal at Barangay IPMRs. Ito rin ay isang mahalagang patunay ng pagkakakilanlan at presensya ng mga Katutubong Pamayanan sa loob ng munisipyo. Sa tulong ng GAD Fund, mas lalo pang napagtibay ang suporta sa gawaing ito na may pangmatagalang benepisyo para sa kapakanan at kaunlaran ng mga Katutubo sa lahat ng sektor.

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️4th Quarter – Regular Meeting of IPMRs and Indigenous PeoplesPetsa: Disyembre 22, 2025Oras: 9:30 ng uma...
21/01/2026

📢ⓅⒶⓀⒾ ⒷⒶⓈⒶ ⬇️⬇️⬇️

4th Quarter – Regular Meeting of IPMRs and Indigenous Peoples

Petsa: Disyembre 22, 2025
Oras: 9:30 ng umaga
Lugar: Sitio Macatumbalen, Purok Center
Panimulang Panalangin: APO Ignacio Villanueva

I. Layunin ng Pagpupulong

Isinagawa ang 4th Quarter Regular Meeting ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) at mga Katutubo upang talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng dokumentasyon, koordinasyon, CADT, pagpapaunlad ng kabuhayan, akreditasyon, at iba pang programang may direktang epekto sa karapatan, kapakanan, at kaunlaran ng mga Katutubong Pamayanan, alinsunod sa IPRA Law at umiiral na mga patakaran.

II. Mga Tinalakay at Naisagawang Gawain

A. Ulat sa Barangay Collaborative Engagement
Naipresenta ang ulat hinggil sa kasalukuyang antas ng pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa mga Katutubong Pamayanan. Natukoy ang mga kakulangan sa pagbibigay at pagsumite ng mga kinakailangang dokumento na naging hadlang sa maayos na implementasyon ng ilang programa.

B. Isyu sa Dokumentasyon at Koordinasyon
Tinalakay ang resulta ng December Assessment kung saan napag-alamang may kakulangan sa pondo at kakulangan sa follow-up ng ilang ahensya. Ipinaliwanag ng NCIP na wala pang katiyakan ang petsa ng ganap na pagresolba sa mga usaping ito. Binigyang-diin na hindi ipinagbabawal ang paghingi ng tulong mula sa mga NGO at kinakailangan ang mas malinaw at maayos na koordinasyon sa pagitan ng NGO, LGU, at DENR, lalo na sa mga usapin sa Ancestral Domain na kasalukuyang tila hindi umuusad.

C. Pagpapalakas at Pamamahala ng mga IP
Pinagtibay ang kahalagahan ng aktibong pag-follow up, lalo na kung mababa sa 50% ang saklaw ng mga programa, upang matiyak ang tunay na empowerment ng mga Katutubo. Tinalakay rin ang kahalagahan ng sariling pamamahala, consensus, at pagkakaisa ng komunidad, partikular sa Caruray, para sa pangangalaga ng Lupang Ninuno at Karapatang Ninuno. Muling ipinaalala ang pagpapanatili ng cultural integrity at ang pagsusuot ng tradisyunal o etnikong kasuotan alinsunod sa mga resolusyon at probisyon ng IPRA Law.

D. Kalagayan ng CADT
Naipabatid ang mga reklamo mula sa Caruray, Port Barton, at Kemdeng kaugnay ng kakulangan ng files na nakaapekto sa implementasyon at paggamit ng badyet para sa CADT. Napagkasunduang tutukan ang dokumentasyon at follow-up upang mapabilis ang proseso.

E. Livelihood Program, Akreditasyon, at Monitoring
Iniulat ang kalagayan ng programang “Negosyong Tindahan, Tulong Pangkabuhayan,” kabilang ang unang batch at ang kasalukuyang status ng ikalawang batch ng mga benepisyaryo. Binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na monitoring, wastong pag-record ng gastusin, at malinaw na inventory ng mga kagamitan. Napag-alamang isa pa lamang ang may ganap na akreditasyon at itinakdang tapusin ang lahat ng akreditasyon bago matapos ang Enero. Ipinabatid din ang iskedyul ng pag-ikot ng Development Manager makalipas ang 15 araw at ang muling pagbalik nito sa katapusan ng buwan.

III. Mga Rekomendasyon at Munisipal na Accomplishment ng IPMR
• Patuloy na pagpapalakas ng collaborative efforts sa pagitan ng Municipal IPMR at mga katuwang na ahensya
• Paglalaan ng pondo para sa profiling ng mga Katutubo
• Pagpapatatag ng mga programang pangkabuhayan
• Pagpapanatili ng regular na pagpupulong at bukas na komunikasyon
• Masusing pagtutok sa proseso ng CADT at titulong panglupa
• Maayos na dokumentasyon ng lahat ng aktibidad
• Paghahanda para sa selebrasyon ng Indigenous Peoples’ Month

IV. Open Forum at Karagdagang Usapin

Tinalakay ang usapin sa Royalty Share at ang pagkilala sa papel ng mga IP sa pangangalaga ng mga ancestral domain na dinarayo ng mga turista. Ibinahagi rin ang mga reklamo hinggil sa Social Protection, partikular sa Brgy. Caruray, kung saan hindi umano natutukoy ng ilang SPL ang tunay na Katutubo. Nagkaroon ng panawagan na gumawa ng resolusyon upang maipaabot sa Punong Bayan ang isyu ng mga ayudang hindi nakararating sa mga IP. Binigyang-diin din na ang profile ng bawat IP ay dapat nakaangkla sa opisyal na census ng barangay.

V. Pagtatapos

Ang pagpupulong ay nagtapos sa pamamagitan ng Closing Remarks ni G. Panchito Paredes, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, patuloy na koordinasyon, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan at karapatan ng mga Katutubong Pamayanan.

Address

Poblacion Gymnasium, Brgy. Poblacion
San Vicente
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal IPMR - LGU San Vicente, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share