San Teodoro Public Information Office

Directions Website

San Teodoro Public Information Office Official page of
Municipality of San Teodoro. Providing truthful and timely information to every citizen.

We promote transparency, good governance, and open communication in the service of the public.

05/10/2026

PUSOLYMPICS 2026 Video Highlights
Lakas at Galing ng Teodorean.

02/10/2026

Panuorin po natin G. at Bb. Lingkod-Bayani at Lingkod Bayani Got Talent. Ngayong gabi na rin natin malalaman kung aling team ang magwawagi sa ating PusOlympics 2026.

01/10/2026

PAANYAYA | TAX SEMINAR

Inaanyayahan ang lahat ng mga micro business taxpayers sa Bayan ng San Teodoro na dumalo sa Tax Seminar na pangungunahan ng BIR RDO No. 063 โ€“ Oriental Mindoro.

๐Ÿ“… October 6, 2026 (Martes)
๐Ÿ• 1:00 ng hapon
๐Ÿ“ San Teodoro Municipal Gymnasium

Tatalakayin ang RR No. 4-2026 (One-Time Abatement Program) at iba pang mahahalagang usapin tungkol sa pagbubuwis.

Makilahok at maging maalam sa tamang pagsunod sa mga obligasyon sa buwis!

28/09/2026

Kilos-bayan para sa malinis at malusog na karagatan! Sabay-sabay na nagsagawa ng Coastal Clean-Up ang apat na Coastal Barangay sa San Teodoro, Oriental Mindoro noong Setyembre 19 bilang pakikiisa sa International Coastal Cleanup Day 2026. Pinangunahan ni Mayor Karen Ponce-Miranda ang aktibidad at sakay ng bangka ay isa-isang tinungo ang Poblacion, Tacligan, Lumangbayan at ilag upang personal na makiisa sa mga residente at volunteers sa paglilinis at pangangalaga ng mga baybaying lugar.

TVNET NEWSLINE | SEPTEMBER 26, 2026

28/09/2026

Umabot sa 76 bags ng dugo ang nakolekta sa isinagawang mass blood donation activity ng Lokal na Pamahalaan ng San Teodoro noong Setyembre 25, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong pangkalusugan at kahandaan ng komunidad.
Isinagawa ang bloodletting activity sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Building mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, kung saan nakiisa ang mga kawani ng munisipyo at iba't ibang sektor ng bayan.

Kabilang sa mga lumahok ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga barangay officials, barangay tanod at barangay health workers.
Nagpaabot din ng suporta ang ilang non-government organizations, kabilang ang Treslelion Fraternity, na nakiisa rin sa blood donation drive.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang ganitong mga aktibidad upang mapalakas ang suplay ng dugo na maaaring magamit ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang blood transfusion, partikular sa panahon ng mga emergency at iba pang sitwasyong medikal.
Ikinatuwa ni Mayor Karen Ponce-Miranda ang naging resulta ng aktibidad at pinasalamatan ang mga indibidwal, tanggapan, organisasyon at iba pang sektor na naglaan ng oras upang makibahagi sa programa.

Samantala, sinabi ni Dr. Nadine Miranda, Municipal Health Officer ng San Teodoro, na mas malinaw na naipakita ng mga Teodoreรฑo ang kanilang kahandaang makibahagi sa blood donation kumpara sa mga nakaraang pagsasagawa ng katulad na aktibidad.

Aniya, ang mataas na bilang ng nakolektang dugo ay nagpapakita ng patuloy na pag-unawa ng komunidad sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo.

Ibinahagi naman ni Dr. Vasille Leif Jose, Doctor to the Barrio (DTTB), ang mga naging hamon, sakripisyo at tagumpay ng bayan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan, partikular ang immunization program sa mga liblib na lugar at mga pamayanang katutubo.

Ayon kay Dr. Jose, mahalaga ang tuloy-tuloy na pagdadala ng serbisyong medikal sa mga komunidad na malayo sa sentrong bayan upang matiyak na hindi maiiwan ang mga residenteng may limitadong access sa health services.

Kabilang sa mga binigyang-pansin ang pagpapatupad ng immunization activities sa mga katutubong pamayanan, na nangangailangan ng koordinasyon at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang mahikayat ang mga residente na makinabang sa mga serbisyong pangkalusugan. | via Junard Acapulco

Puso sa Serbisyo, Dangal sa Tungkulin, at Galing sa Paglilingkod. ๐ŸฉทSa pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service...
28/09/2026

Puso sa Serbisyo, Dangal sa Tungkulin, at Galing sa Paglilingkod. ๐Ÿฉท

Sa pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary, na may temang โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ€ kilalanin ang ating mga kawani na magpapamalas ng kanilang talento, talino, at kumpiyansa, taglay ang puso at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.

Ginoo at Binibining Lingkod Bayani 2026
October 2, 2026 | 7:00 PM
๐Ÿ“San Teodoro Municipal Covered Court




26/09/2026

๐Ÿ“ข PAUNAWA SA LAHAT NG ATING MGA KABABAYAN

Ipinapaalam po ng San Teodoro Rural Health Unit (RHU) na wala po munang regular na OPD, consultation, at check-up mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, 2026.

Ito po ay dahil sa LGU Olympics, kung saan ang ating mga kawani ng LGU ay lalahok sa nasabing aktibidad.

๐Ÿšจ EMERGENCY CASES LAMANG po ang bibigyang serbisyo sa RHU sa mga nabanggit na araw.

Para sa mga may regular na konsultasyon o check-up, hinihikayat po na ipagpaliban muna ito hanggang sa muling pagbabalik ng regular na serbisyo ng RHU.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ๐Ÿฉท

๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ข๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข! โœจ๐Ÿ‘‘๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒThe Municipal Government of San Teodoro proudly endorses ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™๐™ž๐™ฃ๐™š๐™ก...
25/09/2026

๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ข๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข! โœจ๐Ÿ‘‘
๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

The Municipal Government of San Teodoro proudly endorses ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™๐™ž๐™ฃ๐™š๐™ก๐™ฎ ๐™€๐™ก๐™ก๐™ž๐™จ of Barangay Tacligan as the municipalityโ€™s official representative to Miss Oriental Mindoro 2026.

Carrying the pride and spirit of the entire Teodorean community, Shine is ready to represent San Teodoro on the provincial stage with grace, confidence, and purpose.

From San Teodoro to the Miss Oriental Mindoro stage, let her journey begin. โœจ๐Ÿ‘‘

Shine for San Teodoro, Alana! ๐Ÿฉทโœจ






Address

Western Nautical Highway
San Teodoro
5202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Teodoro Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share