Kalahi Lgu-Led San Teodoro Official

Kalahi Lgu-Led San Teodoro Official Empowering communities, building futures!

March 4, 2026Isinagawa ang site inspection sa lugar na planong pagtayuan ng mga pabahay sa Sitio Agsambalilo, Brgy. Ilag...
05/03/2026

March 4, 2026

Isinagawa ang site inspection sa lugar na planong pagtayuan ng mga pabahay sa Sitio Agsambalilo, Brgy. Ilag, na kabilang sa mga proyekto ng KALAHI-CIDSS LGU-LED ng San Teodoro, Oriental Mindoro.

Dumalo sa isinagawang inspection ang mga miyembro ng MCT, kasama sina Barangay Captain Gilberto Lopez, Konsehal Bae, at Barangay Secretary Maricel Isar ng Brgy. Ilag upang suriin ang lugar at tiyakin ang kaangkupan nito para sa planong implementasyon ng proyekto.

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng maayos at ligtas na tirahan para sa mga benepisyaryo ng komunidad, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor Karen Ponce Miranda na mapaunlad ang kabuhayan at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

March 4, 2026Isinagawa ang masusing inspection sa patuloy na implementasyon ng Concreting of Ibuye Road sa Brgy. Calsapa...
04/03/2026

March 4, 2026

Isinagawa ang masusing inspection sa patuloy na implementasyon ng Concreting of Ibuye Road sa Brgy. Calsapa sa ilalim ng programang KALAHI- LGU-LED.

Pinangunahan ang inspeksyon nina MCT-MAC Myla B. Camarite, kasama sina TF Engr. Ellaine Barcebal, Engr. Jay Dapat, at Daniella Juan, katuwang ang CEF na si Leo Elen upang tiyakin ang maayos na pagsasagawa ng proyekto, pagsunod sa plano at pamantayan, at ang kalidad ng implementasyon para sa kapakinabangan ng komunidad.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng LGU sa pangunguna ni Mayor Karen Ponce Miranda at komunidad para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na imprastraktura para sa mga mamamayan ng Brgy. Calsapa.

26/02/2026
February 26, 2026Isinagawa ang survey at inspection para sa KALAHI LGU-LED Subproject: Concreting of Caagutayan Road bil...
26/02/2026

February 26, 2026

Isinagawa ang survey at inspection para sa KALAHI LGU-LED Subproject: Concreting of Caagutayan Road bilang bahagi ng masusing paghahanda sa pagpapatupad ng proyekto. Lumahok sa aktibidad ang mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro, kasama ang konsehal ng Barangay Caagutayan, upang masuri ang aktwal na kondisyon ng lugar at matiyak na ang proyekto ay maayos na naihahanda at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng LGU at barangay sa ilalim ng community-driven approach ng KALAHI LGU-LED Program para sa inklusibo at pangmatagalang kaunlaran ng mamamayan.

February 25, 2026Bahagi ng patuloy na paghahanda sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkomunidad, isinagawa ang field in...
25/02/2026

February 25, 2026

Bahagi ng patuloy na paghahanda sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkomunidad, isinagawa ang field inspection at pagsu-survey para sa Concreting of Tanak Road sa Barangay Lumangbayan. Lumahok sa aktibidad ang mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng San Teodoro, kasama ang konsehal ng Barangay Lumangbayan, upang matiyak na ang proyekto ay nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at sa layunin ng KALAHI LGU-LED Program.

February 25, 2026Isinagawa ang pag-iinspeksyon at pagsu-survey ng KALAHI LGU-LED Project: Concreting of Caguinto Road sa...
25/02/2026

February 25, 2026

Isinagawa ang pag-iinspeksyon at pagsu-survey ng KALAHI LGU-LED Project: Concreting of Caguinto Road sa Barangay Calangatan. Aktibong nakilahok sa gawain ang mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng San Teodoro, kasama ang mga miyembro ng komunidad, bilang bahagi ng community-driven approach ng programa upang matiyak na ang proyekto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

February 9, 2026Isinagawa ang pagpupulong sa Barangay Calsapa kaugnay ng nalalapit na pagsisimula ng KALAHI LGU-LED Proj...
24/02/2026

February 9, 2026

Isinagawa ang pagpupulong sa Barangay Calsapa kaugnay ng nalalapit na pagsisimula ng KALAHI LGU-LED Project: Concreting of Ibuye Road. Dumalo sa pulong ang mga konsehal at punong barangay ng Calsapa, gayundin ang mga miyembro ng komunidad, upang talakayin ang iskedyul ng pagsisimula ng proyekto at iba pang mahahalagang usapin na may kinalaman sa pagpapatupad nito. Pinangunahan ang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro bilang bahagi ng community-driven approach ng programa.

February 9, 2026Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng KALAHI LGU-LED Project: Concreting of Agbiray Road, nagsagawa ng pu...
24/02/2026

February 9, 2026

Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng KALAHI LGU-LED Project: Concreting of Agbiray Road, nagsagawa ng pulong at talakayan sa Barangay Lumangbayan upang ipabatid at linawin ang mga detalye ng nalalapit na proyekto. Lumahok sa pagpupulong ang mga konsehal at punong barangay, kasama ang mga mamamayan ng komunidad, kung saan napag-usapan ang target na petsa ng pagsisimula ng proyekto at iba pang mahahalagang usaping kaugnay nito. Pinangunahan ang aktibidad ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro bilang bahagi ng community-driven approach ng programa.

February 16, 2026Isinagawa ang Municipal Orientation kaugnay ng pagpapatupad ng KALAHI LGU-LED Program, na dinaluhan ng ...
24/02/2026

February 16, 2026

Isinagawa ang Municipal Orientation kaugnay ng pagpapatupad ng KALAHI LGU-LED Program, na dinaluhan ng mga punong barangay, mga konsehal, at mga barangay secretary mula sa walong barangay, kasama ang Chairman ng BDC-TWG. Pinangunahan ang aktibidad ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro bilang bahagi ng paghahanda sa maayos at epektibong implementasyon ng mga proyekto.

Layunin ng orientation na maipaliwanag nang malinaw ang KALAHI LGU-LED Program sa LGU at mga barangay, maipresenta ang walong aprubadong subprojects para sa CY 2026, at mailahad ang KALAHI process na gagamitin ng LGU, alinsunod sa community-driven development approach ng programa.

Nagbigay ng paunang mensahe si Mayor Karen Ponce Miranda, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng LGU at barangay sa pagsusulong ng mga proyektong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Nagbigay rin ng mensahe si SB Member, Hon. Steve Atayde, Chairman ng Committee on Appropriation, bilang suporta sa maayos na pagpaplano at pondo ng mga proyekto.

Sa kabuuan, naging maayos, bukas, at mabunga ang naging talakayan—patunay ng aktibong partisipasyon ng mga barangay at ng sama-samang hangarin na maisakatuparan ang mga proyekto para sa kapakinabangan ng mamamayan.

February 24, 2026Kasama ang punong barangay at konsehal ng Barangay Tacligan, isinagawa ang survey at inspection para sa...
24/02/2026

February 24, 2026

Kasama ang punong barangay at konsehal ng Barangay Tacligan, isinagawa ang survey at inspection para sa Concreting of Masasa Road bilang bahagi ng community-driven development approach ng KALAHI LGU-LED Program. Pinangunahan ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro ang aktibidad upang masiguro na ang proyekto ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad at kapakinabangan ng mamamayan.

February 24, 2026Bilang paghahanda sa pag-i-implement ng concreting of Ibuye Road sa Barangay Calsapa, isinagawa ang sur...
24/02/2026

February 24, 2026

Bilang paghahanda sa pag-i-implement ng concreting of Ibuye Road sa Barangay Calsapa, isinagawa ang survey at inspection kasama ang konsehal ng barangay, sa pangunguna ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro. Layunin ng aktibidad na masiguro na ang proyekto ay maayos na maisasakatuparan at nakatuon sa pangangailangan ng komunidad, bilang bahagi ng community-focused na pagpapaunlad ng KALAHI LGU-LED Program.

February 24, 2026Isinagawa ang survey at inspection para sa Concreting of Dawahan Road sa Barangay Bigaan. Kasama sa akt...
24/02/2026

February 24, 2026

Isinagawa ang survey at inspection para sa Concreting of Dawahan Road sa Barangay Bigaan. Kasama sa aktibidad ang konsehal ng barangay, sa pangunguna ng mga miyembro ng Municipal Coordinating Team (MCT) ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro, upang masiguro na ang proyekto ay nakatuon sa pangangailangan ng komunidad at maayos na maisasakatuparan bilang bahagi ng community-driven development approach ng KALAHI LGU-LED Program.

Address

Poblacion
San Teodoro
5202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalahi Lgu-Led San Teodoro Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share