02/04/2026
ππππππ πππππ ππππ
Sa pagpapatupad ng Semana Santa Lakbay Alalay 2026, sa pangunguna ni Acting Mayor Josephine Anne D. Canlas, tiniyak ng Municipal Peace and Order Council ng San Simon ang kahandaan ng mga tauhan at kagamitan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong bayan.
May kabuuang 150 na personnel mula sa MDRRMO, BFP, RHU, PNP, Quick Response Team, Philippine Coast Guard, at Traffic Enforcers ang nakaantabay, katuwang ang 10 sasakyan para sa mabilis na pagtugon sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Patuloy ang sama-samang pagkilos ng bawat ahensya upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Semana Santa para sa lahat ng Simonians.