04/09/2026
Suspendido pa rin ang face-to-face classes bukas, Setyembre 5, 2026 sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasay alinsunod sa direktiba ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano mula sa rekomendasyon ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office. Ito ay dulot pa rin ng inaasahang malakas na pag-ulan dala ng hanging habagat.
Ang mga paaaralan ay inaabisuhan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.
Mag-ingat po tayong lahat!