SB Pasong Intsik

Directions

SB Pasong Intsik Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SB Pasong Intsik, Government Official, Pasong Intsik, San Rafael.

09/10/2026

Magandang Umaga po, Mga ka-barangay!

Baka po may nakapulot ng Cellphone na Tecno Spark. Ngayong umaga po dito sa Pasong Intsik Elementary School.

Pakibalik na lang po rito sa Pasong Intsik Elementary School.

Maraming Salamat po!

πŸ“’ 2nd SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026 πŸ‡΅πŸ‡­MGA KABARANGAY, INAANYAYAHAN PO NATIN ANG LAHAT! πŸ€πŸ’™Inaanyayahan po ang lahat ng ...
08/10/2026

πŸ“’ 2nd SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026 πŸ‡΅πŸ‡­

MGA KABARANGAY, INAANYAYAHAN PO NATIN ANG LAHAT! πŸ€πŸ’™

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa ating Barangay Assembly.

πŸ“… Petsa: October 18, 2026
⏰ Oras: 5:00 PM
πŸ“ Lugar: Pasong Intsik Basketball Court

Mahalaga po ang inyong presensya, pakikilahok, opinyon at mga suhestiyon. Dito natin pag-uusapan ang mga mahahalagang programa, proyekto, nagawa at mga susunod na plano para sa ating barangay.

Tayo-tayo po ang magkatuwang sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Pasong Intsik. Sama-sama nating pag-usapan, pakinggan at pagbutihin ang ating barangay! πŸ’™

Hinihintay po namin ang inyong pagdalo! πŸ™

Isang paanyaya mula sa inyong Sangguniang Barangay ng Pasong Intsik.

πŸ“’ PAALALA PARA SA LAHAT NG NAKALISTA SA MEDICAL MISSION! πŸ₯πŸ’™Sa lahat po ng nakapagpalista para sa ating Medical Mission, ...
08/10/2026

πŸ“’ PAALALA PARA SA LAHAT NG NAKALISTA SA MEDICAL MISSION! πŸ₯πŸ’™

Sa lahat po ng nakapagpalista para sa ating Medical Mission, mangyaring bisitahin ang listahan ng mga serbisyo para sa inyo.

Narito ang oras para sa mga naka-lista sa laboratory.
Laboratory 6:00 AM - 7:00 AM

Ito po ay gaganapin sa Pasong Intsik Elementary School.

October 9, 2026 - Friday

Ang Medical Mission na ito ay handog para sa ating mga kabarangay bilang bahagi ng patuloy na paglilingkod at pag-aalaga sa kalusugan ng bawat isa. ❀️

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan!

Mag-message kay Arjay Villacorta para sa mga gusto pang magpalista.

✨ MARAMING SALAMAT PO! | 25TH ANGEL FESTIVAL ✨Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming minamahal na Punong Barangay K...
30/09/2026

✨ MARAMING SALAMAT PO! | 25TH ANGEL FESTIVAL ✨

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming minamahal na Punong Barangay Kapitan Sammy Villacorta at sa kanyang may-bahay na si Lenny Villacorta sa walang sawang suporta, malasakit, at pagtulong upang maisakatuparan at maging matagumpay ang ating 25th Angel Festival.❀️

Isang malaking pasasalamat din po sa ating mga SK Officials, sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay, sa lahat ng nagbigay ng tulong pinansyal, pagkain, at iba pang suporta, pati na rin sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, effort, at talento. Hindi man namin kayo maisa-isa, lubos po naming pinahahalagahan ang bawat tulong na inyong ibinahagi. πŸ™

Isang malaking pasasalamat din sa The Grass Resorts & Events Place at El Paso Resort & Events Place na nagbigay ng tulong para sa aming mga Angels.

At higit sa lahat, isang malaking CONGRATULATIONS sa ating buong team! πŸŽ‰πŸ‘Ό Sa kabila ng pagod, puyat, at mga pagsubok sa paghahanda, nakamit natin ang 5TH RUNNER-UP sa Dance Showdown!πŸ†πŸ’ƒπŸ•Ί

Maaaring hindi man natin naiuwi ang pinakamataas na pwesto, pero ang tunay na tagumpay ay ang pagkakaisa, samahan, at dedikasyon ng bawat isa. Ang 5th Runner-Up na ito ay bunga ng ating sama-samang effort at suporta mula sa ating barangay. ❀️

Muli, maraming-maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng 25th Angel Festival. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat! 🫢✨

Mabuhay ang ating Barangay!
Viva San Rafael! Viva 25th Angel Festival!πŸ‘ΌπŸ’™πŸ’›

29/09/2026
πŸ©ΊπŸ’™ MEDICAL MISSION 2026! πŸ’šHandog natin ang LIBRENG SERBISYO PARA SA LAHAT! πŸ«ΆπŸ“… September 10, 2026 (Thursday)✨ AVAILABLE S...
03/09/2026

πŸ©ΊπŸ’™ MEDICAL MISSION 2026! πŸ’š

Handog natin ang LIBRENG SERBISYO PARA SA LAHAT! 🫢

πŸ“… September 10, 2026 (Thursday)

✨ AVAILABLE SERVICES:
πŸ§ͺ 100 Persons – Laboratory (FBS, Cholesterol, CBC, Uric Acid & Urine Analysis)
🦷 100 Patients – Dental Services
πŸ‘οΈ 100 Patients – Eye Consultation
πŸ’‡ 60 Persons – Free Haircut
πŸ’† 40 Persons – Free Massage
🌱 Free Seeds
🐢🐱 UNLI Anti-Rabies Vaccine for Pets
πŸ’Š Free Medicines

πŸ“Œ Unahan sa pagpaparehistro dahil limitado ang slots para sa ilang serbisyo!

Please message or contact:
Arjay Villacorta

28/08/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, CONGRESSMAN MARK CHOLO I. VIOLAGO! πŸŽ‚

Taos-puso po ang pagbati ng Sangguniang Barangay ng Pasong Intsik sa inyong kaarawan!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at tagumpay upang higit pa ninyong mapaglingkuran at matulungan ang ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod. Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng pagpapala ang inyong panibagong taon.

Happy Birthday, Congressman Mark Cholo I. Violago! πŸŽ‰πŸŽ‚
Mabuhay po kayo at pagpalain pa nawa sa inyong patuloy na paglilingkod sa bayan!

β€” Mula sa Sangguniang Barangay ng Pasong Intsik πŸ’™

✨ Congratulations, Presidential Scholars! ✨Taos-pusong pasasalamat kay President Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. sa patu...
28/08/2026

✨ Congratulations, Presidential Scholars! ✨

Taos-pusong pasasalamat kay President Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. sa patuloy na suporta at pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang Pilipino na maabot ang kanilang mga pangarap. πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

Congratulations at patuloy na magsikap! πŸŽ‰πŸ‘

25/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY PASONG INTSIK! πŸ‘οΈ

Magkakaroon po ng SILIP MATA / EYE CHECK-UP ngayong araw! πŸ‘“

πŸ“ Barangay Hall
πŸ•‘ 2:00 PM – 4:00 PM

πŸ“ Lumang Barangay Hall (Bisita)
πŸ•“ 4:00 PM – 5:00 PM

Inaanyayahan po ang lahat na nais magpasilip ng kanilang mga mata na pumunta sa itinakdang oras at lugar.

Huwag nating pabayaan ang ating paningin. Alagaan ang ating mga mata! πŸ‘€β€οΈ

Address

Pasong Intsik
San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB Pasong Intsik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services