๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง - ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง

  • Home
  • Philippines
  • San Rafael
  • ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง - ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง

๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง - ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง - ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง, Public & Government Service, Poblacion, Bulacan, San Rafael.

INTER-BARANGAY BASKETBALL TRYOUTS!Calling all aspiring ballers! Ipakita ang inyong galing at makibahagi sa ating Inter-B...
06/09/2026

INTER-BARANGAY BASKETBALL TRYOUTS!

Calling all aspiring ballers! Ipakita ang inyong galing at makibahagi sa ating Inter-Barangay Basketball Tryout para sa Junior at Senior Division!

September 9, 2026 (Wednesday)
6:00 PM โ€“ 8:00 PM
Abesamis Covered Court, Capihan San Rafael

Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa mga SK Officials

โœจ TARA NA, KABATAANG POBLACION! โœจHanda ka na bang ipakita ang iyong talento sa pagsayaw at maging bahagi ng isang makula...
08/07/2026

โœจ TARA NA, KABATAANG POBLACION! โœจ

Handa ka na bang ipakita ang iyong talento sa pagsayaw at maging bahagi ng isang makulay na pagdiriwang?

Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataang residente ng Barangay Poblacion, edad 13โ€“30 taong gulang, na sumali at magkaroon ng pagkakataong mapabilang sa 25th Angel Festival!

Audition Venue: Colegio de San Juan de Dios
Petsa: Hulyo 11, 2026 (Sabado)
Call Time: 1:00 PM

Dapat Suot:
Puting pantaas na damit
Komportableng pants o pangbaba
Sapatos na angkop sa pagsasayaw

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang espesyal na selebrasyon, makilala ang mga bagong kaibigan, at ipakita ang iyong husay sa entablado. Baka ikaw na ang hinahanap naming susunod na mananayaw na magrerepresenta sa ating barangay!

Kaya ano pang hinihintay mo? Tara na at sumali! Kita-kits sa audition!

๐Ÿ“ฉ Para sa iba pang katanungan o karagdagang impormasyon, mag-message lamang sa page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion.

๐Ÿ“šโœ๏ธ BALIK ESKWELA 2026 โœ๏ธ๐Ÿ“šBilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng...
01/06/2026

๐Ÿ“šโœ๏ธ BALIK ESKWELA 2026 โœ๏ธ๐Ÿ“š

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion ng pamamahagi ng school supplies para sa ating mga Junior High School at Senior High School.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa sa bawat proyekto at programang inilulunsad ng ating Sangguniang Kabataan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod para sa kabataan!

24/03/2026

Magandang araw, mga kababaihan! ๐Ÿ’โ€โ™€๏ธโœจ

Kami po ay naghahanap ng 10 kababaihan na nais sumali sa isang LIBRENG TRAINING sa:
๏ฟฝ๐Ÿ’‡โ€โ™€๏ธ Hair Dressing๏ฟฝ๐Ÿ’… Nail Care๏ฟฝ๐Ÿ’†โ€โ™€๏ธ Massage

Simula bukas (Marso 24) hanggang Huwebes (Marso 25) simula 8:00 ng umaga โ€“ 5:00 ng hapon

Ang programang ito ay proyekto ng PESO katuwang ang KPK, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Womenโ€™s Month ๐Ÿ’œ

Layunin ng training na ito na mabigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang ating mga kababaihan na maaaring magamit sa hanapbuhay o sariling negosyo.

Para sa mga interesado, mag-iwan lamang ng mensahe o makipag-ugnayan sa sanggunian

๐Ÿ’œ Sama-sama nating ipagdiwang ang kakayahan at lakas ng kababaihan!

Isang matagumpay na araw para sa kabataan ng Barangay Poblacion na nakilahok sa Youth Fire Olympics bilang bahagi ng Fir...
20/03/2026

Isang matagumpay na araw para sa kabataan ng Barangay Poblacion na nakilahok sa Youth Fire Olympics bilang bahagi ng Fire Prevention Month! ๐Ÿš’๐Ÿ”ฅ

Ipinakita ninyo ang inyong husay, disiplina, at pakikiisa sa mga gawaing naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at aktibong pakikilahok sa ganitong mga programa.

๐Ÿ“ฃTara na, kabataang San Rafaeleรฑos!๐Ÿ€โšฝ๐ŸMay Summer Sports Clinic na hatid ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng atin...
17/03/2026

๐Ÿ“ฃTara na, kabataang San Rafaeleรฑos!๐Ÿ€โšฝ๐Ÿ

May Summer Sports Clinic na hatid ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Cipriano Violago Jr. sa ilalim ng Local Youth Development Office ngayong bakasyon! ๐ŸŒž

Ito na ang chance ninyo na maging active, matuto ng bagong skills, at subukan ang sport na gusto ninyo ๐Ÿ’ช

Hindi lang puro saya; makakatulong pa ito para ma-develop ang inyong talento at kumpiyansa sa sarili!

Sali na at sama-sama tayong maging mas healthy at active ngayong summer! ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ“Œ Requirements:
โ€ข Dapat ay naninirahan, lehitimong residente at botante ng San Rafael (o ang inyong mga magulang)
โ€ข Medical clearance para masigurong ligtas at handa sa activities
โ€ข Parentโ€™s consent para sa mga menor de edad

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—› ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐Ÿ“ Magpunta lamang sa LYDO Office, Teen Center (Municipal Bldg., 1st Floor)
๐Ÿ—“ Lunes hanggang Huwebes | 10:00 AM โ€“ 4:00 PM

๐Ÿ‘‰ Kita-kits sa court!๐Ÿ’ฅ




Sa oras ng sunog, ang tamang kaalaman at mabilis na aksyon ang maaaring makapagsalba ng buhay.Bilang pakikiisa sa pagdir...
03/03/2026

Sa oras ng sunog, ang tamang kaalaman at mabilis na aksyon ang maaaring makapagsalba ng buhay.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month, ang Sangguniang Kabataan ay makikilahok sa gaganaping Fire Olympics 2026 sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection.

Petsa: Marso 20, 2026๏ฟฝLugar: San Rafael Fire Station

Kaugnay nito, ang Sangguniang Kabataan ay naghahanap ng:๏ฟฝPitong (7) Lalaki๏ฟฝTatlong (3) Babae
na handang lumahok at makiisa sa nasabing programa.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng kabataan tungkol sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga emergency.

๐Ÿ“Œ Para sa mga interesadong sumali, makipag-ugnayan lamang sa inyong SK Officials.

Sama-sama tayong maging handa at responsable! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿš’

02/11/2025

Address

Poblacion, Bulacan
San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง - ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share