19/06/2026
Malugod na Pagbati sa Carlos F. Gonzales High School!
Buong pusong pagbati sa Carlos F. Gonzales High School sa pagkakamit ng pagkilala bilang isa sa mga 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗦𝗚𝗖) 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲𝘀. Ang prestihiyosong parangal na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at matatag na pakikipagtulungan ng buong komunidad ng paaralan sa pagtataguyod nang mahusay na pamamahala at de-kalidad na edukasyon.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pagkilala sa mga programa at inisyatiba ng paaralan kundi patunay rin ng matibay na ugnayan ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga stakeholder na patuloy na nagkakaisa para sa ikauunlad ng institusyon at ng bawat mag-aaral.
Lubos na kinikilala ang mahusay na pamumuno ni Dr. CEANCENO M. ESPIRITU JR., Punongg**o IV ng paaralan na naging inspirasyon at gabay sa pagpapatupad ng mga programang ito upang makamit ang mahalagang pagkilalang ito. Ang kanyang dedikasyon, pananaw, at malasakit sa edukasyon ay nagsilbing matatag na pundasyon para sa tagumpay ng paaralan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang karangalang ito upang lalo pang paigtingin ang ating pagkakaisa, pananagutan, at malasakit sa edukasyon.
Muli, taos-pusong pagbati sa Carlos F. Gonzales High School. Mabuhay ang CFGHS!
“A LEGACY OF EXECELLENCE, A FUTURE OF BRILLIANCE”