Salapungan San Rafael Bulacan Official FB

Salapungan San Rafael Bulacan Official FB Salapungan San Rafael Bulacan

📢 PANAWAGAN SA NAWAWALANG TATAYNawawala po si Tatay Renato Inovero, 74 taong gulang, residente ng Barangay Maronquillo, ...
03/09/2026

📢 PANAWAGAN SA NAWAWALANG TATAY

Nawawala po si Tatay Renato Inovero, 74 taong gulang, residente ng Barangay Maronquillo, San Rafael, Bulacan.

Noong Setyembre 2, 2026, bandang 9:00 ng umaga, umalis po siya ng kanilang bahay. Ayon sa kanyang pamilya, sinabi niyang pupunta siya sa Upig, Mananambo upang maghanapbuhay .

Hanggang ngayong Setyembre 3, 2026, ay hindi pa rin po siya nakauuwi at wala pa ring nakakaalam ng kanyang kinaroroonan. Naka-bike lamang po siya na inilarawang parang Japan bike.

Kung sino man po ang may nakakita o may anumang impormasyon tungkol kay Tatay Renato Inovero, makiusap po kami na agad makipag-ugnayan sa kanyang pamilya o sa pinakamalapit na barangay.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa. Pakishare na rin po upang mas marami ang makaratingan ng impormasyong ito.

28/08/2026

Malugod na binabati ng Sangguniang Barangay Salapungan si Cong. Mark Cholo Violago ng isang masaya at makabuluhang kaarawan! 🎉🎂

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong paglilingkod sa mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Bulacan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit sa ating mga komunidad.

Maligayang Kaarawan po, Cong. Cholo! Wishing you more blessings and success in the years ahead. 🎈🎊







📢 PANAWAGAN SA MGA KABARANGAY 📢Inaanyayahan po ang lahat ng nagnanais magpatingin ng kanilang mga mata at magpa-check ng...
20/08/2026

📢 PANAWAGAN SA MGA KABARANGAY 📢

Inaanyayahan po ang lahat ng nagnanais magpatingin ng kanilang mga mata at magpa-check ng grado ng salamin sa darating na pagbisita ng Holy See Optical sa ating barangay.

Free eye check , free frame on selected frame just for the lens

Minimum price P350.00

Meron po ibang varieties ng frames meron tig 600 ,700 ,800 and up ayon sa gusto Po ninyo 😊😊

📍 Lugar: Barangay Covered Court
📅 Petsa: August 25, 2026 (Martes)
⏰ Oras: 9:30 AM – 1:00 PM

Samantalahin po natin ang pagkakataong ito upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mata. Bukas po ito para sa lahat ng interesado.

Maraming salamat po

Maraming salamat po kay Cong. Mark Cholo Violago at Kay Ma'am Cindy Violago 🩷  sa pagkakataong maidaos ang MARETRES regi...
15/07/2026

Maraming salamat po kay Cong. Mark Cholo Violago at Kay Ma'am Cindy Violago 🩷 sa pagkakataong maidaos ang MARETRES registration dito sa Aming Barangay Salapungan.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Ma'am Aimee Mangua sa kanyang pangunguna, gayundin sa mga staff ni Cong. Cholo na naglaan ng oras at pagsisikap upang maging maayos ang programa.

Maraming salamat din sa lahat ng mga residente na nagpa-member at nakiisa sa aktibidad. Higit sa lahat, salamat sa mga tauhan ng Barangay Salapungan sa kanilang pagtulong at pakikiisa upang maging maayos at matagumpay ang registration.

Sa Amin pong Butihing Kapitan Michael Torres at sa buong Sangguniang Barangay

Maraming salamat po sa inyong lahat sa patuloy na pagtutulungan para sa ating komunidad. ❣️❣️

Maretres Distrito Tres 👌❣️

29/05/2026

Good afternoon Po
May TESDA po dito satin naghahanap Po ng mga tao na willing Po mag WELDING

Ito Po mga requirements baka Po may Kilala kayo.

A.M Shift
7:00 Am to 1:00 Pm
16 persons need

P.M
2:00 Pm to 8:00 Pm
4 persons need

Duration Hours: 268 Hrs.
54 Days

Requirements

Valid ID
PSA
BRGY. INDIGENCY
BRGY. CLEARANCE
DIPLOMA and TOR
Piso Account Land bank ( dahil dito papasok Yung allowance after ng Training)
Medical Certificate ( na dapat walang epilepsy, walang Hika)
Kailangan magkaron ng Fit To Study

Ang Training Po ay sa FJ Driving Mabalas-balas San Rafael, Bulacan

Field of Dreams Skills Training and Assessment Academy Inc.

Sa paggunita ng Mother's Day 2026, nagkaroon ng simpleng activity ang mga volunteers ng barangay. Lahat ay maaaring mags...
10/05/2026

Sa paggunita ng Mother's Day 2026, nagkaroon ng simpleng activity ang mga volunteers ng barangay.
Lahat ay maaaring magsubmit ng photo entry ng mga nanay kasama ang kanilng mga anak o pamilya. Sa 25 nagpasa ng entries, ito pong 3 ang mga napili ( sweet, cute, and unique) .
Congratulations po sa inyo at salamat po sa mga nakiisa.
Pinapahalagahan po namin ang mga Nanay ng bawat pamilya lalo na ang Brgy. Salapungan.

Happy Mother’s Day sa lahat ng Mama sa buong mundo! Salamat sa walang hanggang pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong i...
09/05/2026

Happy Mother’s Day sa lahat ng Mama sa buong mundo! Salamat sa walang hanggang pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong ibinibigay ninyo araw-araw. Kayo ang tunay na haligi ng tahanan at inspirasyon ng pamilya. Mabuhay ang lahat ng Ina! 💐❤️

Pagbati Mula sa Sangguniang Barangay ng Salapungan, San Rafael, Bulacan

09/05/2026

📢 PAALALA SA MGA KABARANGAY 📢

Magandang araw po.

Ipinababatid po sa lahat na sa May 10, 2026 (Linggo) ay huwag muna po maglalabas ng basura, sapagkat pansamantalang hindi makakabiyahe ang truck na panghakot ng basura dahil ito ay nasira.

Mag-aannounce na lamang po muli kung kailan maaaring maglabas ng basura.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

By: Sangguniang Barangay

Address

Salapungan San Rafael Bulacan
San Rafael

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Salapungan San Rafael Bulacan Official FB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share