SK Chairperson Juls Salva

Directions

SK Chairperson Juls Salva Official FB page of SK Chairperson of Brgy. San Rafael IV, CSJDM, Bulacan

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐀𝐨 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 π“πšπ¨π§!Ang aking pong pagbati sa lahat ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon...
24/12/2023

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐀𝐨 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 π“πšπ¨π§!

Ang aking pong pagbati sa lahat ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! Hiling ko na ang bawat isa sa atin ay patuloy na pagkalooban ng ating Panginoon ng buhay na puno ng pagpapala at pag-asa.

Nawa'y ngayong kapaskuhan at paparating na bagong taon ay maging daluyan ito ng lubos pa nating pagmamahal sa ating mga pamilya, kaibigan, at kapwa. Sa huli, damhin nating lubos ang diwang dala ng pasko!



πŸ­π—¦π—§ π— π—˜π—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗒𝗙 𝗦𝗔𝗑 π—₯π—”π—™π—”π—˜π—Ÿ π—œπ—©π—•π—”π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§ π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—ŸKagabi po ay isinagawa ang Barangay Development Council (BDC) Me...
20/12/2023

πŸ­π—¦π—§ π— π—˜π—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗒𝗙 𝗦𝗔𝗑 π—₯π—”π—™π—”π—˜π—Ÿ π—œπ—©
𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π— π—˜π—‘π—§ π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ

Kagabi po ay isinagawa ang Barangay Development Council (BDC) Meeting kasama ang mga Block Leaders, mga pangulo ng mga sectoral groups at NGOs sa ating barangay.

Mahalaga ang gampanin ng BDC sapagkat isa sa kanilang layunin ay maglaan ng mga suhestyon para sa mga prayoridad na development projects sa ating barangay na siyang isasama sa pagbabalangkas ng Barangay Development Plan.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Igg. Victorel "Cocoy" Roxas at ng lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay kabilang po ang inyong lingkod bilang SK Chairperson ay pag-aaralang mabuti at sisiguraduhing magtutulungan upang maisakatuparan ang mga prayoridad na development projects para sa ikabubuti ng ating barangay.



π—£π—”π—•π—”π—§π—œπ—— π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—₯π—”π—™π—”π—˜π—Ÿ π—œπ—©!Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay San Rafael IV ay magsasagawa ng online at house-to-...
06/12/2023

π—£π—”π—•π—”π—§π—œπ—— π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—₯π—”π—™π—”π—˜π—Ÿ π—œπ—©!

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay San Rafael IV ay magsasagawa ng online at house-to-house Youth Profiling at Consultation simula sa Biyernes, ika-8 ng Disyembre upang makuha ang mga impormasyon ng mga kabataan lalo ng mga miyembro ng Katipunan ng Kabataan o mga rehistradong botante edad 15-30 sa ating barangay.

Layunin din ng isasagawang Youth Profiling at Consultation ang malikom ang mga rekomendasyon at suhestiyon ng mga kabataan sa ating barangay para sa mga programa, proyekto, aktibidad, at polisiyang nais nilang maisakatuparan ng Sangguniang Kabaaan ng Barangay San Rafael IV.

Kaya naman aming iniimbitahan ang mga kabataan na makilahok sa aming isasagawang online at physical Youth Profiling at Consultation at patuloy nating ipanalo ang bukas, aktibo, at makabagong Sangguniang Kabataan!

Para sa katanungan, maari lamang magpadala ng mensahe sa aming opisyal na pahina.



12.02.2023 - SK 3rd Regular SessionPinangunahan natin ang ginanap na 3rd Regular Session ng Sangguniang Kabataan - Brgy....
03/12/2023

12.02.2023 - SK 3rd Regular Session

Pinangunahan natin ang ginanap na 3rd Regular Session ng Sangguniang Kabataan - Brgy. San Rafael IV kahapon, ika-2 ng Disyembre 2023 sa Barangay San Rafael IV Session Hall.

Tinalakay sa session ang pagsasagawa ng youth consultation at youth profiling na mahalaga sa pagbuo ng programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan para sa susunod na taon.

Isasagawa rin sa mga susunod na linggo ng Sangguniang Kabataan ang committee budget hearings upang mapag-usapan ang paggasta at pag-allocate ng budget sa bawat komite para sa taong 2024.


𝐏𝐑𝐄-π’π„π’π’πˆπŽπ & π“π”π‘ππŽπ•π„π‘ 🀝Isinagawa ng Sangguniang Kabataan - Brgy. San Rafael IV sa pangunguna ni SK Chairperson Juls Sal...
19/11/2023

𝐏𝐑𝐄-π’π„π’π’πˆπŽπ & π“π”π‘ππŽπ•π„π‘ 🀝

Isinagawa ng Sangguniang Kabataan - Brgy. San Rafael IV sa pangunguna ni SK Chairperson Juls Salva ang pre-session and official turnover kahapon kasama ang mga bagong SK Kagawad at si former SK Chairperson Bench Lucero.

Layunin ng isinigawang pre-session ang pagtalakay sa Internal Rules of Procedure (IRP), Committee Chairpersonship and Membership, SK Secretary and Treasurer Appointment, at paghahanda sa iba pang mga technicalities na kinakailangan para sa maayos na transition ng bagong SK Officials ng barangay San Rafael IV.

Para sa mga katanungan at iba pang concern, maaari lamang magpadala ng mensahe sa aming page - Sangguniang Kabataan - Brgy. San Rafael IV.


BACKGROUND CHECK! πŸ”Žβœ…πŸŒ·Ating kilatisin ang leadership background at organizing-volunteering experience sa national level, ...
07/11/2023

BACKGROUND CHECK! πŸ”Žβœ…πŸŒ·

Ating kilatisin ang leadership background at organizing-volunteering experience sa national level, city-level, community-level, at school level ng ating SK Chairperson-Elect Juls Salva! 🌸

Kaya mula sa kanyang karanasan bilang lingkod-kaabtaan at bilang bagong halal na SK Chairperson ng Brgy. SR IV, kasama ang buong SK Council at Katipunan ng Kabataan ng kanyang Barangay, isusulong ni SK Juls ang maka-kabataang komunidad at para sa Kabataang SR IV!


07/11/2023
MAS KILALANIN SI SK JULS! πŸ€—Si SK Chairperson-Elect Juls Salva ay:β€‹πŸŒ·Iskolar ng Bayan sa College of Education - Polytechni...
06/11/2023

MAS KILALANIN SI SK JULS! πŸ€—

Si SK Chairperson-Elect Juls Salva ay:

β€‹πŸŒ·Iskolar ng Bayan sa College of Education - Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila

β€‹πŸŒ· Founder and President ng Area H Youth Council na kauna-unahang Area-Wide Community Youth Organization sa CSJDM

🌷 Dating National Treasurer at Kasalukuyang Interim National Chairperson ng Model SK Network na nagte-train ng mga SKs at miyembro ng Katipunan ng Kabataan sa buong Pilipinas

🌷 May karanasan bilang lingkod-kabataan at lider-kabataan sa pagoorganisa at paglilingkod sa paaralan, komunidad, lebel ng Lungsod at maski sa lebel ng National

Kaya mula sa kanyang karanasan bilang lingkod-kaabtaan at bilang bagong halal na SK Chairperson ng Brgy. SR IV, kasama ang buong SK Council at Katipunan ng Kabataan ng kanyang Barangay, isusulong ni SK Juls ang maka-kabataang komunidad at para sa Kabataang SR IV!


Address

San Rafael IV

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Chairperson Juls Salva posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category