SPC - Liga ng mga Barangay

SPC -  Liga ng mga Barangay Pinangungunahan ni Hon. Vioquelin Pascual Jr. - naglilingkod nang tapat para sa kaunlaran at kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro, Laguna.

๐’๐„๐๐“. ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ“๐Ÿ•๐ญ๐ก ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐“๐‡ ๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹Isinagawa ngayong araw ang 57th Regular Session of th...
01/09/2026

๐’๐„๐๐“. ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ“๐Ÿ•๐ญ๐ก ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐
๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐“๐‡ ๐‹๐„๐†๐ˆ๐’๐‹๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹

Isinagawa ngayong araw ang 57th Regular Session of the 20th Legislative Council, na dinaluhan ni LNB President Hon. Vioquelin B. โ€œJongโ€ Pascual Jr.

Kabilang sa mga inaprubahang resolusyon ang mga sumusunod:

1๏ธโƒฃ Accreditation of Federation of Citizens Crime Watch โ€“ Special Task Force Incorporated bilang Civil Society Organization (CSO) sa Lungsod ng San Pedro, Laguna.

2๏ธโƒฃ Pagkilala at pagbati kay Kenneth De Los Santos sa pagkamit ng Bronze Medal sa Senior Male 67 kg. Kumite Category ng 7th Manuel Veguillas Philippine International Open Karate Championships 2026.

3๏ธโƒฃ Pagkilala at pagbati kay Khezia Kertz M. Arellano sa pagkamit ng Bronze Medal sa Beginners Female Kata Category.

4๏ธโƒฃ Pagkilala at pagbati kay Andrei Gab Palaya sa pagkamit ng Bronze Medal sa Intermediate Kata Category.

5๏ธโƒฃ Pagkilala at pagbati kay Ms. Hestia Mary C. Vinzon ng Barangay Langgam sa pagkamit ng Bronze Medal sa nasabing Karate Championships.

6๏ธโƒฃ Pagpupugay at pagbati kay Blessy Mary M. Barcelona sa pagkamit ng Silver Medal sa Cadet Light Heavyweight Division ng 2026 SMART MVPSF National Interschool Taekwondo Championship na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium, Manila.

7๏ธโƒฃ Pagpupugay at pagbati kay Cassandra Jania Abo sa pagkamit ng Silver Medal sa Philippine Taekwondo Association (PTA) National Interschool Championship โ€“ Grade School Female Novice Category.

๐Ÿ‘ Isang malaking pagbati sa ating mga kabataang atleta! Ang inyong sipag, disiplina, at dedikasyon ay tunay na inspirasyon sa buong Lungsod ng San Pedro. Ipagpatuloy ang pag-abot sa inyong mga pangarap at karangalan!





01/09/2026

๐€๐‹๐€๐Œ ๐๐ˆ๐˜๐Ž ๐๐€ ๐Š๐”๐๐† ๐๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐๐€๐๐€๐Š๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐๐† ๐‹๐๐ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜? ๐Ÿค”

Ang Liga ng mga Barangay (LNB) General Assembly sa pangunguna ni LNB President Jong Pascual Jr. ay mahalagang pagtitipon ng mga Punong Barangay kung saan napag-uusapan ang mga bagong programa, kautusan, memorandum, at iba pang mahahalagang usapin mula sa pamahalaang nasyonal at lokal.

Dito rin naipapaabot ang mga impormasyon at panukalang makatutulong upang mas mapabuti ang serbisyo at pamamahala sa bawat barangay. Ang mga napag-uusapan sa Assembly ay naibabahagi sa mga barangay upang masigurong ang mga programa at serbisyong inilulunsad ng pamahalaan ay makarating at mapakinabangan ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng LNB General Assembly, mas napagtitibay ang pagkakaisa, koordinasyon, at pagtutulungan ng mga Barangay tungo sa mas maayos, mabilis, at epektibong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Dahil sa sama-samang pagkilos, mas maraming Barangay ang makikinabang! ๐Ÿ’™๐Ÿค

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญAgosto 31, 2026 | National Heroes DaySa paggunita natin sa Araw ng mga Pa...
30/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Agosto 31, 2026 | National Heroes Day

Sa paggunita natin sa Araw ng mga Pambansang Bayani, buong puso nating binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanilang katapangan, pagmamahal sa bayan, at walang-sawang paglilingkod.

Bilang mga lingkod-bayan sa ating mga barangay, ipagpatuloy natin ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng tapat, makatao, at makabuluhang paglilingkod sa ating mga kababayan.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang ating mga Bayani!
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod para sa bayan!

Liga ng mga Barangay
Para sa Barangay, Para sa Bayan.






๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  โ€“ ๐‹๐ข๐ ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒIsinagawa ang 18th General Assembly Meeting ng Lig...
25/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  โ€“ ๐‹๐ข๐ ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ

Isinagawa ang 18th General Assembly Meeting ng Liga ng mga Barangay, na pinangunahan ni Liga President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr., kasama ang mga Punong Barangay mula sa buong Lungsod.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin at programa na makatutulong sa bawat Barangay, kabilang ang mga bagong Memorandum at direktiba mula sa DILG na naaayon sa umiiral na mga batas at alituntunin.

Binigyang-pansin din ang BBM (Bawat Barangay Makikinabang) Program, gayundin ang pagtalakay at paglilinaw sa By-Laws ng Liga ng mga Barangay at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok at pagdalo ng bawat Punong Barangay sa mga pagpupulong ng Liga.

Patuloy ang Liga ng mga Barangay sa pagsusulong ng pagkakaisa, koordinasyon at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng bawat Barangay at ng buong Lungsod.

Sama-sama para sa mas mahusay na serbisyo at mas maunlad na bawat Barangay!





24/08/2026

ANG LNB PRESIDENT: TINIG AT KINATAWAN NG BAWAT BARANGAY

Ang LNB President ang nagsisilbing kinatawan at boses ng bawat Barangay. Siya ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga Barangay at ng pamahalaan upang maipaabot ang mga pangangailangan, mungkahi, at hinaing ng bawat komunidad.

Kasabay nito, siya rin ang unang nagdadala at nagpapabatid ng mga bagong panukala, programa, at polisiya mula sa Pambansang Pamahalaan upang agad itong maunawaan at mapaghandaan ng mga Barangay.

Isang tungkulin na hindi lamang para sa iisang Barangay, kundi para sa kapakanan ng bawat Barangay at ng buong pamayanan.

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ“๐Ÿ“ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐ŸŽ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐Isinagawa noong Agosto 19, 2026 ang Ika-55 Ka...
20/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ“๐Ÿ“ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐ŸŽ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐

Isinagawa noong Agosto 19, 2026 ang Ika-55 Karaniwang Pulong ng Ika-20 Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng San Pedro, Laguna.

Narito ang mga mahahalagang resolusyon at ordinansang naaprubahan:

1๏ธโƒฃ โ€œBalon ni Lolo Uwengโ€ bilang City Cultural Treasure
Isang kautusang kumikilala sa โ€œBalon ni Lolo Uwengโ€ na matatagpuan sa Barangay Landayan bilang isang mahalagang yaman ng kultura ng lungsod, kabilang ang mga probisyon para sa pangangalaga, pagpapanatili, at pagpapahalaga rito.

2๏ธโƒฃ Supplemental Budget No. 2, FY 2026
Pag-apruba sa Supplemental Budget No. 2 ng City Government of San Pedro, Laguna para sa Fiscal Year 2026 na nagkakahalaga ng โ‚ฑ198,783,732.25.

3๏ธโƒฃ HOA Lingkod Desk Program
Pagbibigay-awtorisasyon sa Local Chief Executive na makipagkasundo at lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagpapatupad ng HOA Lingkod Desk Program.

4๏ธโƒฃ Pakikiramay sa Pamilya ni Hon. Edgar Margallo
Pagpapahayag ng taos-pusong pakikiramay at pinakamalalim na pakikiramay sa naiwang pamilya ng yumaong Hon. Edgar Margallo, dating Barangay Kagawad ng Barangay Laram, bilang pagkilala rin sa kanyang buhay at paglilingkod sa komunidad.

5๏ธโƒฃ Pagkilala kay Ms. Alyanna Latoreno Claveria
Pagpupugay at pagbati kay Ms. Alyanna Latoreno Claveria, 18 taong gulang mula Barangay San Antonio, sa kanyang natatanging tagumpay at kahusayan sa larangan ng Taekwondo.

6๏ธโƒฃ Mariane Ghilyn Manire
Pagpupugay kay Mariane Ghilyn Manire sa kanyang natatanging Ika-12 puwesto sa U16 Girls Category ng 2026 National Age Group Chess Championship na ginanap noong Hunyo 3โ€“7, 2026 sa Olongapo City.

7๏ธโƒฃ Earl Nygel Cabalhin
Pagpupugay kay Earl Nygel Cabalhin sa kanyang natatanging Ika-5 puwesto sa U12 Boys Blitz Category ng 2026 National Age Group Chess Championship.

8๏ธโƒฃ Julian Miguel Sode
Pagpupugay kay Julian Miguel Sode sa kanyang natatanging Ika-10 puwesto sa Blitz Category ng 2026 National Age Group Chess Championship.

9๏ธโƒฃ Tom Meverick Saluba
Pagpupugay kay Tom Meverick Saluba sa kanyang natatanging Ika-5 puwesto sa U20 Boys Blitz Category ng 2026 National Age Group Chess Championship.

๐Ÿ”Ÿ Selina Maxine Villanueva
Pagpupugay kay Selina Maxine Villanueva sa kanyang natatanging Ika-3 puwesto sa U12 Girls Blitz Category ng 2026 National Age Group Chess Championship.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng Sangguniang Panlungsod ng mga programang naglalayong mapangalagaan ang kultura, mapalakas ang serbisyo publiko, mapabuti ang pamamahala, at kilalanin ang mga San Pedrense na nagbibigay karangalan sa ating lungsod.

Sama-sama para sa mas maunlad, makabuluhan, at progresibong Lungsod ng San Pedro!




"Happy Birthday, Kap Rhex Labay  of Brgy. Sampaguita, San Pedro City ! May you be blessed with abundant health, guidance...
18/08/2026

"Happy Birthday, Kap Rhex Labay of Brgy. Sampaguita, San Pedro City !
May you be blessed with abundant health, guidance, and courage as you continue to serve your community.

Thank you for your dedication and care for SPC - Liga ng mga Barangay.
Long live, and celebrate this special day with your family and loved ones!"


14/08/2026

ANG PAGTALIMA SA TUNGKULIN, PARA SA BUONG SAN PEDRO

Ang pagtupad sa tungkulin bilang Liga ng mga Barangay (LNB) President ay hindi nagtatapos sa pakikisama at pakikipag-ugnayan sa mga Punong Barangay.

Ito ay isang pananagutan para sa buong Lungsod ng San Pedroโ€”ang maging boses ng bawat barangay, isulong ang kapakanan ng ating mga komunidad, at makiisa sa mga programa at solusyong makatutulong sa ating mga kababayan.

Ang pagiging LNB President ay hindi lamang isang posisyon, kundi isang mandato na may kasamang responsibilidad, integridad at malasakit.

Sa bawat pagpupulong, bawat panukala at bawat desisyong ginagawa, laging isaisip na ang tunay na layunin ay pag-unlad ng bawat barangay at kapakanan ng buong San Pedro.

Serbisyo para sa Barangay. Pananagutan para sa Lungsod. Serbisyong para sa bawat San Pedrense.

โ€” Hon. Vioquelin B. Pascual Jr.
President, Liga ng mga Barangay โ€“ San Pedro City

Address

San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPC - Liga ng mga Barangay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share