Sangguniang Barangay ng Landayan

Sangguniang Barangay ng Landayan Public Service

🌧️ SERBISYO SA PANAHON NG PANGANGAILANGAN 🤝❤️Patuloy nating isinasagawa ang pagbibigay ng pansamantalang tulay sa mga ba...
31/08/2026

🌧️ SERBISYO SA PANAHON NG PANGANGAILANGAN 🤝❤️

Patuloy nating isinasagawa ang pagbibigay ng pansamantalang tulay sa mga bahang lugar upang makatulong sa ligtas na pagdaan ng ating mga kabarangay, lalo na sa panahon ng matinding pag-ulan. 🌉

Kasabay nito, patuloy din ang pamamahagi ng mainit na lugaw sa ating mga mamamayan bilang munting paraan ng pagdamay at pag-aalaga sa bawat pamilyang nangangailangan. 🥣❤️

Sa panahon ng baha, hindi lang tulong ang kailangan—kundi presensya, malasakit, at agarang serbisyo.

Serbisyong tuloy-tuloy, malasakit na walang pinipili.
💙 Para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Isang Ligtas na Araw po sa inyong Lahat

Libreng Mainit na Lugaw para sa malamig na tanghali mula sa Sangguniang Barangay. Isang ligtas na tanghali po sa ating l...
30/08/2026

Libreng Mainit na Lugaw para sa malamig na tanghali mula sa Sangguniang Barangay.

Isang ligtas na tanghali po sa ating lahat

Tuloy tuloy pa rin po ang ating Rescue Operation sa ating nasasakupan.Sa mga nais pong magwvacuate maaari po kayong magc...
29/08/2026

Tuloy tuloy pa rin po ang ating Rescue Operation sa ating nasasakupan.

Sa mga nais pong magwvacuate maaari po kayong magchat sa ating mga Opisyales ng Barangay.

Nagiikot ba din po ang ating BDRRM.
Nagbigay na din po tayo ng Lugaw sa ating mga evacuees .

Isang ligtas na araw po sa ating lahat

Ongoing Rescue Operation ng ating Sangguniang Barangay Sa mga nais pong lumikas, maaari niyo pong imessage ang ating mga...
29/08/2026

Ongoing Rescue Operation ng ating Sangguniang Barangay

Sa mga nais pong lumikas, maaari niyo pong imessage ang ating mga Kagawad
O kayay mag message po sa ating FB Page .

Isang Ligtas na umaga po sa ating lahat

22/08/2026

Relief Goods Distribution sa Purok 6

Kung sino man po ang nakakakilala sa may ari ng mga ID na ito ay maari nya po itong ma claim sa himpilan ng BPSO ng Land...
21/08/2026

Kung sino man po ang nakakakilala sa may ari ng mga ID na ito ay maari nya po itong ma claim sa himpilan ng BPSO ng Landayan. Maraming Salamat po.

POTENSYAL BENEFICIARIES pf 4PS ORIENTATION at DISTRIBUTION NG REQUIREMENT CHECKLIST, at habang nag aabang po ng schedule...
18/08/2026

POTENSYAL BENEFICIARIES pf 4PS

ORIENTATION at DISTRIBUTION NG REQUIREMENT CHECKLIST, at habang nag aabang po ng schedule ng ORIENTATION, mangyari na pong mag secure ng sumusunod:

1. BIRTH CERTIFICATE NG LAHAT NG MIYEMBRO NG PAMILYA
2. NATIONAL ID NG BUONG PAMILYA
3. PICTURE NG BAHAY
4. MARRIAGE CERTIFICATE
5. 1 EXPANDABLE FOLDER

NOTE: MGA REQUIREMENTS PO NA MANGGAGALING SA AMIN AT SA BGY AY GAGAWIN PA LANG PO SA ORIENTATION. MAGAANUNSYO NA LAMANG PO ULIT KUNG KAILAN ANG ORIENTATION .

Maraming Salamat po .

🏅🇵🇭 ISANG KARANGALAN PARA SA PILIPINAS LALO NA SA BARANGAY LANDAYAN🇵🇭🏅MALUGOD NA PAGBATI AT PAGPUPUGAY!Buong puso nating...
09/08/2026

🏅🇵🇭 ISANG KARANGALAN PARA SA PILIPINAS LALO NA SA BARANGAY LANDAYAN🇵🇭🏅

MALUGOD NA PAGBATI AT PAGPUPUGAY!

Buong puso nating binabati at ipinagmamalaki ang Grade 9 student na si Sarah Sophia Cabodil sa kanyang kahanga-hangang tagumpay sa prestihiyosong NeoScience Olympiad sa New York, Estados Unidos! 🇺🇸🌎

Sa kanyang angking talino, sipag, determinasyon at dedikasyon, matagumpay niyang naiuwi ang mga medalya matapos magwagi sa tatlong kategorya ng naturang international competition. 🥇🥈🥉

Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan, kundi isang malaking inspirasyon sa kabataan at karangalan para sa ating bansa at pamayanan ng Barangay Landayan.

👏 Mabuhay ka, Sarah Sophia Cabodil!
Patuloy mong ipakita na ang kabataang Pilipino ay may talino, kakayahan at tapang na makipagsabayan sa buong mundo!

Buong pagmamalaki at pagbati mula sa Sangguniang Barangay ng Landayan ❗️

🇵🇭 Mabuhay ang Batang Pilipino! Mabuhay ang ating mga Iskolar! 🇵🇭

Nag-uwi ng mga medalya ang Pilipinas mula sa prestihiyosong NeoScie...

09/08/2026

PALIWANAG UKOL SA SANHI NG PAGBABAHANG NARARANASAN SA PUROK 6 ‼️

Ang patuloy na pagbaha sa nasabing lugar ay dulot ng ilang suliranin sa daluyan ng tubig na unti-unting nakaapekto sa maayos na pag-agos ng tubig-ulan at tubig-baha.

Una, natambakan ang dating creek o natural na daluyan ng tubig sa lugar ng Beato Family. Ang nasabing creek ay nagsisilbing mahalagang daanan ng tubig mula sa mga mabababang bahagi ng Purok 6. Dahil ito ay natambakan, nawalan ng sapat na espasyo ang tubig upang malayang dumaloy patungo sa tamang bagsakan. Bunga nito, naiipon ang tubig sa paligid at mabilis na tumataas ang lebel ng baha tuwing malakas ang ulan.

Ikalawa, hindi naging maayos ang daluyan ng ginawang drainage. Ang kasalukuyang drainage ay hindi sapat o hindi nakahanay sa natural na direksiyon ng pag-agos ng tubig. Dahil dito, hindi agad nailalabas ang tubig-baha at nagkakaroon ng pagbabara o pag-ipon ng tubig sa ilang bahagi ng Purok 6.

Ikatlo, walang sapat na aagusan ang tinutumbok na tubig-baha. Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit maipon at dumaloy ang tubig mula sa mga drainage, wala itong sapat at maayos na outlet na maaaring pagdaluyan. Dahil dito, bumabalik o naiipon ang tubig sa kalsada at mga kabahayan, lalo na kapag malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan.

Ikaapat , nagkaroon na ng paguusap sa pagitan ng Sangguniang Barangay at Pamilya Beato ngunit hindi pumayag ang Pamilya Beato sa pakiusap na mabuksan ang nasabing creek.

Ikalima, ang proyekto ng ating Governor Sol na Creek Dredging ay hinarang at hindi rin pinayagan ng Pamilya Beato .

Ikaanim , ito ay naireport na din sa City Government at City Environment and Natural Resources Office (CENRO)

INIREREKOMENDANG SOLUSYON

Upang matugunan ang pangunahing sanhi ng pagbaha, kinakailangang mabuksan at maibalik ang dating creek sa lugar ng Beato Family upang magsilbi itong pangunahing daluyan ng tubig. Sa pamamagitan nito, magkakaroon muli ng sapat na espasyo at natural na ruta ang tubig-baha patungo sa nararapat nitong bagsakan.

Kasabay nito, kinakailangan ding itaas ang nasabing kalsada upang hindi ito maging mababang bahagi na pinagtitipunan ng tubig. Ang pagtaas ng kalsada ay makatutulong upang mabawasan ang pagpasok at pag-ipon ng tubig sa lugar at mapanatiling mas ligtas at passable ang kalsada tuwing may malakas na ulan.

Sa madaling salita, ang pangunahing problema ay hindi lamang ang dami ng tubig-ulan kundi ang kawalan ng sapat at tamang daluyan nito. Hangga’t hindi nabubuksan ang natambakang creek at hindi naaayos ang elevation ng kalsada, patuloy na magiging problema ang pagbaha sa lugar.

Samakatuwid, ang kinakailangang hakbang ay ang pagbubukas ng natambakang creek sa lugar ng Beato Family at pagtataas ng nasabing kalsada, kasabay ng maayos na pagsusuri at pagsasaayos ng drainage system upang magkaroon ng tuloy-tuloy at tamang daluyan ang tubig-baha.

Maraming salamat po .

Address

San Pedro

Telephone

+63288682244

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Landayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share